NAKAUWI kami ng bahay ng tuliro ang isip ko. Oo nga at ng halikan n'ya ako ay walang dila — first kiss ko pa rin 'yon. Nanonood kami ng tv dito sa salas at ayaw pa n'yang magpalit ng damit. Paborito pala n'ya ang Super Monsters na show. Si Sir Jason ay dumiretso na sa study n'ya at may kausap sa cellphone. Unlike earlier, hind n'ya ito sinisigawan at mukhang masaya naman. Naputol lang ang pag-iisip ko ng tawagin ako ni Mia. "Mommy Cal, let's go upstairs and play with my dolls," aya n'ya sa akin. Nanawa na yata sa panonood. Habang naglalakad kami papuntang kwarto n'ya ay nag-uusap kami. Matalino si Mia at masayahin. Hindi ako mahihirapang alagaan s'ya. Ang problema ko ay ang pagluluto. Baka doon ako masisante. Hay! Paano ba ito? "Okay, laro tayo then maybe we can read a book. Do you lik

