KINABUKASAN, napabalikwas ako ng gising sa alarm ko. Nang sumilip ako sa labas ay maaga pa. I'm not really a morning person. Sa bahay nga ay alas nuwebe na ako bumabangon kaya madalas hindi ako nakakain ng agahan. Pagsipat ko sa orasan sa pader, alas singko y media pa lang ng umaga. Oh my God. Anim na araw na ganito ang trabaho ko? Mangangayayat ako nito tiyak. Naupo ako sa kama at kinusot kusot ang mata ko. Super antok pa talaga pero kailangan ng bumangon at magkape. Pupungas pungas akong tumayo at naglakad papuntang banyo. Ito ang kagandahan sa mansyon eh. May hot water. Binasa ko ang face towel at warm towel ang ipinunas sa mukha ko. That's feels good. Nang makapagbanyo ako ay nagshower ako ng mabilis. Hindi ko pala naitanong kung kailangan ko ng uniporme o pwede na ang mga dala kong

