UNLIKE last time, hindi hiningi ni Mia na magsubuan kami. Mabuti naman dahil kung magrerequest na naman s'ya ng kiss ay baka this time, tuluyan ng maging tunay na halik ang pagsaluhan namin ni Callia. On the bright side, Mia looks very happy since Callia came into our lives. Ikinagulat ko ang closeness nilang dalawa. Ang pamangkin ko ay mailap. She's polite pero may pagkamaldita rin kung minsan. Madami na rin s'yang naging yaya pero kay Callia ko lang s'ya nakitaan ng pagkasabik na katulad ng para sa isang ina. Now she's even eating vegetables! Malaki ang ipinagbago n'ya at dahil 'yon sa bagong yaya n'ya. "Mia, eat your veggies baby." "But it doesn't taste good," nakangiwi nitong sabi. "Masasanay ka rin. Di ba gusto mong strong ka? Then you have to eat it. Mulan eats veggies." Natawa

