ABRA. Unang beses kong makarating dito. Pagkatapos ng dalawa't kalahating oras ay nakarating ako dito. Nagrenta ako ng sasakyan papuntang San Quintin at nagtanong tanong sa mga nadadaanan kong mga tindahan para mas madali ko s'yang mahanap. It's been three f*cking days at wala man lang s'yang ni ha ni ho. Kumusta na kaya sila ng anak ko? Si Mia ay ibinilin ko sa lahat ng tao sa bahay at naghire ako ng dalawang bodyguard para sa bahay. Matanda na si Mang Jun at nag-iisa s'yang lalake doon. Baka kasi abutin ako ng ilang araw dito sa paghahanap sa kanya. Nagbook ako sa isang kilalang resort doon, ang Strutz. Tumawag lang ako sa kanila para sabihin na nasa Abra na ako pero mamayang pagabi pa ako makakapag-check in. Gusto ko munang hanapin ang bahay nina Cal bago dumilim. Malay natin, hindi k

