NAMALAYAN ko na lang na nakaupo na ako sa kandungan n'ya at nakapaikot ang braso ko sa leeg n'ya. Ang lambot ng labi n'ya at pakiramdam ko ay lasing na lasing ako sa nangyayari sa amin. Natatawa ako dahil omelette lang ang kinain namin. Hindi ko maintindihan kung ungol ko ba ang narinig ko o ungol ni Jay. Basta ang alam ko lang, hindi ako makabitaw sa kanya. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay n'ya sa binti ko. Malaya n'yang nahahaplos ang balat ko dahil nakasuot ako ng shorts. Ang isang kamay n'ya ay nakapirmi lang sa baywang ko. May naramdaman akong kumislot sa may hita ko at kahit wala akong karanasan sa ganito ay alam ko kung ano 'yon. "Jay..." "Hmm.." Patuloy pa rin s'ya ng paghalik sa akin. Naglakbay ang labi n'ya sa may likod ng tenga ko at ang kamay na nasa baywang ko kanina a

