Agony Range

1083 Words
"Governor Lagdamana, ano ang masasabi niyo sa pagkamatay ni Vice-governor Miranda? Sa tingin niyo po ba ay connected din ito sa pagkamatay ni SPO4 De Guzman o dahil pa rin po ba sa away and sa pulitika?" sunod-sunod pang tanong ng reporter habang palabas na ito ng chapel kung saan nakaburol ngayon si Miranda. Pilit pa na hinaharangan ng mga bodyguards ang pagdumog ng mga reporters kay Governor Lagdamana upang makapanayam ito. Ngunit nagpaunlak naman ito ng panayam. Mababakas pa sa mukha nito ang lungkot ng humarap ito sa press. "Una, nakikiramay tayo sa mga naulila niya. Hindi madali sa kanila ito. Isa rin akong ama at parang nadudurog ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga anak na naulila. He's a good man, a great husband and father. Nakakalungkot mang isipin na ang isang katulad niya pa ang nawala. Isang Vice-governor Miranda na tapat, may malasakit at pagmamahal sa bayan," may himig pa ng panghihinayang sa boses nito habang nagsasalita. Tumango-tango naman ang mga reporters sa kanyang mga sinabi. "Hindi po kaya may kinalaman ito sa pagkamatay ni SPO4 De Guzman? At iisa lang ang taong may gawa nito?" tanong pa ng isang reporter sa kanya. "Hayaan po natin na ang mga tapat nating kapulisan ang mag-imbestiga at tumutok sa kaso nila. Masakit po para sa akin ito, hindi ko pa rin lubos na maisip na wala na ang pinakamamahal nating Vice-governor Miranda." Umiling-iling pa siya at nagpunas ng gilid ng kabilang mata. "I'm sorry," hinging paumanhin niya pa. "Pero katulad ng aking huling salita sa aking minamahal na Vice-governor Miranda, makakamit niya ang hustisya sa kanyang pagkamatay. At bilang ama ng lalawigan, pinapangako ko sa inyo na may pangil ang ating batas. Maraming salamat." At saka ito nagpatuloy sa paglalakad patungo sa sasakyan nito habang patuloy siyang hinahabol ng mga reporters na gusto pa sana siyang kapanayamin. "Governor Lagdamana, gaano po katotoo na sangkot si Vice-governor Miranda sa isang illegal na negosyo?" Napahinto sa paglalakad si Gov. Lagdamana dahil sa naging tanong ng babae na reporter. At mukhang hindi niya inaasahan ito. Pilit niyang ngumiti saka umiling-iling. "Walang katotohanan at pawang paninira sa kanya ito ng mga taong puro galit ang nasa puso," madamdamin niya pang pahayag bago nagpatuloy sa paghakbang palayo sa karamihan. Agad naglagay ng alcohol si Joaquin sa kanyang kamay nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan. Ang isang anghel sa harap ng karamihan ay isang demonyo pala. Ang pagiging mabuti at tapat na governor ay taliwas ito sa totoo niyang pagkatao. Sapagkat si Joaquin Lagdamana ang pinakatuso, gahaman at walang puso na tao. Siya ang panganay sa magkakapatid na Lagdaman. "Let's go," utos pa nito sa kanyang driver. At agad naman itong tumalima at pinaandar ang sasakyan palayo. Sumandal pa si Joaquin Lagdamana at saka mariin na pumikit. "Kung sino man ang gumawa sa'yo nito Miranda, dapat ko siyang pasalamatan." Tumawa pa siya at saka umiling-iling. "Masyado ka na rin kasing maraming alam," sambit nito saka ngumisi. "Cheers!" Sabay-sabay nilang sigaw habang nakataas sa ere ang kanilang mga hawak na kopita. Sa bahay ni Joaquin Lagdamana Sr. Nagtuloy si Governor Lagdamana upang ipag-celebrate nila ang nangyari kay Miranda. Narito rin ang lahat ng magkapatid na sina Jake, James, Jacinto, Javier, Julio, Jordan. Na siyang may hawak ng iba't-ibang illegal na negosyo ng kanilang pamilya. Tinapik pa na ama ang balikat ni Joaquin. At bakas pa sa mukha nito na tila proud na proud sa anak. Dahil sa pagkakaluklok niya bilang pinakabagong gobernador ng lalawigan "Mukhang pati si Kamatayan ay pabor sa'yo, Kuya Joaquin," biro pa ni Jake. At lahat naman sila ay natawa dahil sa sinabi niya. "Dapat yata na makilala ko ang gumawa nito kay Miranda, tssk," palatak ni Javier. "Kuya, hindi ka ba natatakot na baka ikaw na ang isunod ni Satanas," biro naman ni Jacinto at sinabayan niya pa nang malakas na halakhak. "Kahit si Satanas ay mahihiya kay Kuya," komento pa ni James Lagdamana habang abala ito sa paghithit ng sigarilyo. At paghalik sa babaeng nakakandong sa kanya. Nagtawanan naman silang magkakapatid. "James," tawag ng matandang Lagdamana at sineyasan nito na palabasin muna ang babae nito. Kaagad naman tumalima si James sa gusto ng kanyang ama. At nang makalabas na ang babae ay muling nagpatuloy ang mag-aama sa kanilang pinag-uusapan tungkol sa negosyo. "Maiba tayo, Jacinto, kamusta ang business natin?" tukoy ni Joaquin sa pasugalan na pagmamay-ari rin ng pamilya nila ngunit si Jacinto ang humahawak nito. "Kuya, sabi ko naman sayo na malinis at walang sabit ang negosyo. Patuloy ang pagpasok ng pera. Mas maraming uto-uto at tanga, mas maganda!" Sabay lagok nito ng alak. "Javier, kamusta ang plantasyon?" baling naman nito sa kapatid. "Safe na safe, Kuya, no worries. Sinong mag-aakala na nasa ilalim ito ng lupa? Ako lang ang nakaisip nito, " pagyayabang niya pa. Tinaas pa ni Joaquin ang kopita at saka lumapit kay Javier sabay tapik sa balikat nito. "I'm so proud to all of you!" proud na proud pa na sambit ng matandang Lagdamana. "Hindi ako nagkamali ng pagpapalaki sa inyo," saad pa ng kanilang ama. "Tandaan niyo ito, tayo ang mga Lagdamana, makapangyarihan at walang maaaring gumalaw sa baluarte natin! Atin ang San Sebastian, kung sino man ang kumalaban sa atin ay may kalalagyan…." mariin pang sambit ni Joaquin sa kanyang mga kapatid. "Kuya Joaquin, may isa tayong problema," pagbabalita pa ni James. Kunot-noo pa siyang tiningnan ni Joaquin. At tila hindi nagustuhan ang sinabi "What?" "Isang pulis…" "Anong ibig mong sabihin? Hawak natin ang buong kapulisan," sabi pa nito. Tumayo si James mula sa kanyang kinauupuan. "Not this one. Bago pa namatay si De Guzman, ilang transaction natin ang hinarang ng batang police na ito. Hindi malagyan ng pampadulas, masyadong matapang," "Sasabit tayo nito kung hindi natin magagawaang ng paraan ngayon pa lang," dagdag niya pa. "Sinong matapang na pulis 'yan?" usisa naman ni Jacinto sa kapatid. "Police inspector Argel Acosta," "Javier, linisin mo ang kalat ni Jaime," utos pa ni Joaquin Sr. "Bring him to me, dead or alive." Tinaas pa nito ang baso. "Dad, how about mag-bonding tayo sa Agony Range?" tukoy nito sa lugar kung saan nila dinadala ang mga taong gusto nilang patayin at pahirapan ng unti-unti. "Brilliant idea, son!" "Count me in," sabay-sabay pa nilang tugon. Nagkatinginan pa ang mga magkakapatid saka ngumisi sa isa't-isa. "Cheers!" Sabay-sabay nilang sigaw. Habang nagdiriwang ang buong Lagdamana sa loob ng mansyon dahil sa pagkamatay ni Miranda ay hindi nila alam na nag-uumpisa nang kumilos si Spade at wala silang kaalam-alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD