"Spade, ready ka na ba?" tanong ni Flip sa dalaga nang huminto ang sasakyan nila sa may di-kalayuan ng hotel kung saan gaganapin ang party ni Miranda.
"Lagi akong ready, Flip,"malamig niyang sagot habang inaayos niya ang kanyang suot na wig.
Naka-standby lang ako rito, kapag kailangan mo ng back-up," habol pa ni Flip nang bumaba si Spade ng sasakyan.
Tumango lang si Spade saka siya nagmamadali pa na naglakad palayo ng sasakyan.
Inayos niya pa ang kanyang suot na mini dress nang malapit na siya sa entrance ng hotel.
Tuloy-tuloy siyang naglakad matapos niyang maibigay ang invitation sa receptionist ngunit bigla siyang hinarang ng security personnel.
"Yes?" nakangiti niyang tanong kahit pa nagulat siya. Hindi niya inaasahan na haharangin siya ng mga ito.
"Spade, relax lang," paalala pa ni Flip sa kabilang linya.
"Check ko lang po ang bag niyo, Ma'am," sabi pa nito.
Kaya naman natigilan si Spade at medyo kinabahan pa ngunit hindi siya nagpahalata sa mga ito.
"Oh, I'm sorry, here." Sabay pakita niya sa mga ito ng loob ng kanyang bag.
"Okay na, Ma'am." At binigyan siya nito ng daan upang makapasok nang tuluyan.
Dito lang nakahinga si Spade nang maluwag. Akala niya ay mahuhuli na siya.
Nagpunta siya sa bar counter upang kumuha ng maiinom niya habang nagmamasid sa buong paligid.
"Okay ka lang, Spade?" tanong pa ni Flip.
Pasimpleng sumagot si Spade upang walang makahalata sa kanya.
"Okay lang ako," sabi niya pa.
Kinuha ni Spade ang baso ng alak saka naglakad-lakad sa loob ng bulwagan.
"Spade, papasok na si Miranda," pagbibigay-alam pa ni Flip sa kanya.
"Copy." At tinuon niya ang kanyang paningin sa entrance.
Alberto Miranda tuta ng mga Lagdamana naging malapit siya sa mga Lagdamana noong panahon na vice-mayor pa lang ito ng San Sebastian.
Dahil sa koneksyon ng mga Lagdamana nanalo siya sa maruming paraan nitong nakaraang eleksyon. Matindi ang kapit niya sa mga Lagdamana at isa rin siya sa kasosyo ng mga ito sa ilang illegal na gawain. Kaya sure win siya sa posisyong tinakbuhan niya.
Isa rin siya sa mga taong kasama sa paghihigantihan ni Spade.
Maingay at puro tawanan ang maririnig sa buong bulwagan ng makapasok si Miranda.
Habang nagkakasiyahan ang lahat dahil sa pagkapanalo ni Alberto Miranda bilang bagong vice-governor ng lalawigan.
Pawang mga pagbati ang mga maririnig mula sa taong dumalo sa mahalagang pagtitipon na ginaganap ngayon dito sa isang kilalang hotel.
Hindi maipaliwanag ang saya sa mukha ng ganid at magnanakaw ng kaban ng yaman ang bagong halal na vice-governor.
Matagal niya nang inaasam-asam ang posisyon na ito kaya naman ganun na lang ang makikitang galak sa mukha ni Miranda.
Maging ang pamilya nito ay kasama niya rin sa nasabing pagtitipon. At nakikisalamuha sa mga bisita nila.
Narito rin ang ibang opisyales ng police, NBI, PNP, ibang politiko at mga kilalang personalidad na pawang mga tuta rin ng mga Lagdamana.
At mukha silang mga maamong tupa sa mga oras na ito.
Nang muling madako ang tingin ni Spade sa pamilya Miranda ay napangisi pa siya. At saka umiling-iling.
Isang larawan ng maayos at masayang pamilya kung sila ay titignan ngunit sa likod ng mga ngiting ipinapakita, nakatago ang mabahong pagkatao ng padre de pamilya at maging ang may-bahay nito. Habang masaya ang lahat ay lingid sa kanilang kaalaman na nakamasid si Spade sa paligid at anumang oras ay handa nang isakatuparan ang plano.
Napapangiti pa ng mapait si Spade habang pinapanuod ang masayang-masaya na si Miranda.
"Magsaya ka, Miranda, dahil ito na ang huling araw na tatawa ka!" mariing sambit ng dalaga. Habang nanlilisik ang mga matang nakatingin kay Alberto Miranda.
Umakyat sa entablado si Alberto upang magbigay ng talumpati sa lahat ng taong naririto ngayon. Isang masigabong palakpakan ang
sumalubong para sa pinakamamahal nilang vice-governor.
Habang mabilis ang kilos ni Spade na simulan na ang misyon niya.
"Spade, clear na lahat. Now, move," pagbibigay pa ng instruction ni Flip sa kanya. At maingat ang kilos ni Spade. Walang naging balakid sa pagpunta niya sa electrical room. At dito niya simulan ang unang hakbang.
Matapos ang ang pulos kasinungalingan na talumpati ni Vice-governor Miranda ay biglang namatay ang ilaw at nagkagulo ang mga tao sa loob. At ito na ang hudyat sa paniningil ni Spade sa kanya.
Madali para kay Spade ang kumilos kahit pa madilim ang paligid dahil sa suot niyang night vision contact lenses. Kaya wala siyang hirap na naisagawa ang kanilang.
"Huminahon po tayo, mga minamahal kong kaibigan. Wag po tayong mag-panic, natural na po ito sa lugar natin." Malakas na sigaw ni Alberto saka tumawa.
Hindi niya alam na lahat ng ito ay plano ni Spade na kanina pa na natutuwa sa mga nangyayari.
Matapos mawalan ng ilaw ay ilang malakas na pagsabog ang umalingawngaw sa lugar kung kaya naman mabilis na nagtakbuhan ang mga tao palabas ng hotel.
At ito na ang huling salita na namutawi sa labi ni Vice-governor Miranda bago may sumaksak ng syringe sa leeg niya. At siya ay tuluyang nawalan ng malay-tao.
Pupungas-pungas pa ang lalaki ng magising siya dahil sa malamig na tubig na sinaboy sa mukha niya.
Namilog ang mga mata niya nang makita niya kung nasaan siya ngayon. At buong pagtataka kung paano siya napadpad dito?
Nakatayo siya ngayon sa isang mataas na silyang kahoy habang nakatali ang kanyang leeg sa taas ng kisame.
"Mabuti naman at gising ka na mahal na Governor Miranda. Akala ko pa naman ay natuluyan ka na!" bati ni Spade.
Saka inihagis ang balde na hawak niya sa di-kalayuan at muling tiningala si Alberto.
"W-who are you? Anong kailangan mo sa akin? Paano ako nakarating dito?" Sigaw niya kay Spade. "Pakawalan mo ako walanghiya ka! Kapag nahanap ka ng mga tauhan ko, sila ang unang papatay sa'yo!" Muling sigaw nito at halata pa sa mukha niya na kinakabahan habang nagsasalita siya. Tumingin lang naman si Spade sa kanya na parang walang narinig.
"Vice-mayor Miranda o dapat ba ay Vice-governor Miranda?" pang-uuyam niya pa sa lalaki.
"Natatandaan mo pa ba sina Catherine at Francis Santiago?!" mariin pang tanong ni Spade.
"Hindi!"
"Pwes, ipapaalala ko sa'yo.
Sila ang mag-asawa na dumulog sayong tanggapan ukol sa hinaing nila sa panggigipit na ginagawa ng mga Lagdamana. Pero wala kang ginawa kundi magsumbong sa mga amo no! Isa kang tuta na sunod-sunuran!" saad ni Spade.
"W-wala akong matandaan na nilapit nila sa akin. At isa pa ay m-matagal na silang patay! At anong pakialam ko sa kanila!
Hindi ko naman sila kilala at isa pa, ayaw kong madamay sa galit ng mga Lagdamana noon!" Sigaw nito sa dalaga. Napalis ang ngiti ng dalaga dahil hindi niya nagustuhan ang naging pahayag nito. Kung kaya naman mabilis binunot ni Spade ang baril at inasinta ang isa sa paa ng silya na kinatatayuan ni Miranda. At naging dahilan upang manginig ito sa matinding takot na matumba ang silya kung saan s'ya nakatungtong ngayon.
"Isang maling galaw, Miranda, makakadalo ka na sa reunion niyo sa impyerno…! Sigaw ni Spade habang nanlilisik ang mga matang nakatitig kay Alberto.
"M-magbabayad a-ako kahit m-ma…magkano pa! S-sabihin mo lang! N-ngayon din!" lakas loob niya pang sigaw sa dalaga.
Kaya naman tumawa si Spade nang malakas dahil sa alok nito sa kanya.
Saka niya muling pinaputukan ang isang paa ng silya na nasa likod naman na bahagi. At halos mamutla sa takot ang lalaki. Pilit nitong binabalanse ang sarili sa silya na may dadalawang paa na lang.
Isang maling galaw niya lamang ay tiyak na ito ang magiging kamatayan niya.
"Hindi lahat ng tao ay pera ang kailangan kasi yung iba buhay ang sinisingil nila…." nakangising sambit ni Spade saka naglakad palapit kay Miranda.
"Handa ka bang ibigay?" tanong ng dalaga.
"S-sino ka ba? A-anong kasalanan ko s-sayo, huh?! Isa ka rin ba sa taga-suporta ng mga Ramirez?!" tukoy nito sa kalabang partido.
"Malaki! Malaki ang kasalanan mo! Dahil sa'yo namatay ang mga magulang ko! Kaya ngayon na ang oras ng paniningil ko! At kung tutuusin nga kulang pang pambayad ang buhay mo! Sinira niyo ang buhay at pamilya na meron ako! Isa kang bayaran at sunod-sunuran sa mga Lagdamana…!" Galit na galit na sigaw ng dalaga.
Bigla na lang na tahimik si Miranda buhat sa sinabi ni Spade. Halos malunok niya pa ang sariling dila sa takot sa mga sinabi nito.
"Tumahimik ka yata, Miranda? Nawala yata ang tapang mo? Hindi ka ba makapaniwala na buhay ang anak ng mag-asawang Santiago? At anong akala mo, tutulungan ka ng mga Lagdamana? Uunahan ko lang sila sa gagawin nila sa'yo. Kaya dapat magpasalamat ka pa sa akin…."
"I-ipakulong mo na lang ako…d-don't kill me. Maawa ka! M-may p-pamilya ako…" pagmamakaawa niya pa sa dalaga ngunit wala nang makakapigil kay Spade.
Dahil buong buhay niya, ito lang ang ang tanging rason kung bakit siya nabubuhay pa dito sa mundo. At yun ay ang ipaghiganti ang magulang niya sa kagaya nilang mga halang ang kaluluwa at walang awa.
"I have no mercy, Vice-governor Miranda. May pamilya ka?" tanong ni Spade saka tumawa nang malakas at matalim na tinitigan si Miranda.
"May pamilya rin ako noon! Pero dahil sa kagustuhan mong makuha ang posisyon na meron ka ngayon. Lumapit ka sa mga Lagdamana upang sumipsip diba?! Ngayon tingnan natin kung mabigyan ka pa rin ng posisyon sa impyernooo!"
Halos dumagundong ang boses ng dalaga sa buong paligid dahil sa lakas nito dala ng matinding galit.
Saka muling inasinta ni Spade ang natitira pang dalawang paa ng silya na kinatatayuan ni Miranda.
Nakangiting pinapanood niya habang nangingisay ang lalaki at isang saglit lang nang masigurado niyang wala ng buhay si Vice-governor Miranda ay naglakad na siya palabas na may ngiti sa labi. Pakiramdam niya ay nababawasan ang bigat ng dibdib nuya sa tuwing nababawasan unti-unti ang mga taong sisingilin niya nang mahal.
"Jacinto Lagdamana, ikaw ang isusunod ko!" Malakas na sigaw ni Alima.