Matiyagang nag-aabang si Spade sa labas ng bar kung saan narito ngayon si SPO4 De Guzman.
Nagkubli siya sa madilim na eskinita upang magmasid sa paligid.
Hinihintay niya rin ang go signal ni Spade mula sa kanyang earpieces.
Inaral niya ang lugar ng mabuti upang maging malinis ang unang misyon. Kailangan ay wala silang magiging problema dahil nag-uumpisa pa lang siya
Ang bar na ito ay pagmamay-ari ni Jack Lagdamana.
At dito ginagawa ang talamak na bentahan ng drùgs.
At isa si De Guzman na nagpapasok ng drugs mula sa mga nakulimbat nila sa mga isinagawang buy bust operation at raid. Dito mismo sa bar na ito ginagawa ang bentahan sa kanilang mga parokyano.
Matataas na opisyales ng mga alagad ng batas at maging ibang politiko ang kasosyo nila sa ganitong gawain.
Kaya naman patuloy lang ganitong kalakaran dito sa San Sebastian dahil sa mga taong sangkot dito. Walang pangil ang batas dahil sa mga taong alipin ng pera. Sila mismo ang pumapatay sa kanilang bayan.
Tunay na makapangyarihan talaga ang mga Lagdamana dahil sila ang mismo ang involved sa mga illegal na gawain.
Bulag at pipi ang mga taong inaasahan na nangangalaga sana sa kanilang nasasakupan ngunit lahat sila ay nabayaran.
Habang nasa sasakyan naman si Flip at nakamonitor sa kaganapan sa loob.
Nang makita ni Flip ang na anumang oras ay palabas na si SPO4 De Guzman ay kaagad niyang pinaalam kay Spade ito.
"Spade, go," bigay niya ng signal sa dalaga.
Inayos ni Spade ang suot niyang sumbrero at mask, pati na rin ang itim na gloves.
Saka siya kaagad naglakad patungo sa sasakyan nito.
At walang kahirap-hirap na nakapasok siya sa loob ng sasakyan nito. Nagkubli siya sa likod upang hindi siya makita.
Pakanta-kanta pa si SPO4 De Guzman pagpasok niya sa loob ng sasakyan. At hindi niya alam na ito na ang magiging huling sandali ng kanyang buhay.
Labis na galit ang nararamdaman ni Spade sa mga oras na ito at kung pwede lang na dito pa lang ay tapusin na niya ang buhay ni SPO4 De Guzman, ginawa na niya. Ngunit ayaw niyang masira ang plano na matagal nilang pinaghandaan.
*Rule no. 2. Huwag na huwag mong hayaang madaig ng iyong emosyon ang iyong kaisipan.
Nang makalayo ang sasakyan sa bar ay dito na isinagawa ni Spade ang plano.
Mabilis ang naging kilos niya at agad niyang tinakpan ang ilong ni SPO4 De Guzman habang nakahawak ang isa niyang kamay sa manibela.
"Sa wakas ay nagkita rin tayo," sambit nang dalaga habang pilit pa na nagpupumiglas ang pulis. Ngunit
wala nang nagawa pa si De Guzman laban kay Spade at tuluyan na itong nawalan ng malay.
"Don't worry, SPO4 De Guzman, yung tungkulin mo pa rin naman ang papatáy sa'yo at ito pa ang mas masaya, kasi sa mismong lupain mo kita ihahatid.…"
Spade make sure na wala siyang iiwan na kahit anong bakas sa pagpatay niya kay SPO4 Eduardo De Guzman.
Malinis lahat.
Maging ang mga CCTV sa bawat lugar kanilang daraanan ay nagawang i-shutdown ni Flip.
Matagal nilang pinaghandaan ang unang misyon nila at ito na ang simula ng bagay na inaasam nila mula pa noon.
Mission accomplished!
Pagdating ni spade sa sasakyan ay tumawa pa siya nang malakas habang tumutulo ang kanyang luha.
Para sa dalaga ay ito na ang simula ng paniningil niya. Simula pa lang ng kalbaryo ng lahat ng taong sisingilin niya!
"Spade…" tawag ni Flip na nasa tabi niya. At inabutan siya nito ng tissue. Mabilis naman na kinuha ni Spade ito at pinunasan niya ang kanyang mga luha.
"Ayos ka lang?" seryosong tanong ni Flip kay Spade habang abala siya sa pagpupunas ng dugo sa mukha niya.
"Masaya ako, Flip, ngayon pang naihatid ko na si SPO4 De Guzman sa impyerno!" sagot ni Spade nang hindi siya tumitingin kay Flip.
Hinubad niya ang kanyang suot na gloves at nilagay sa bulsa.
"Pangako ko sayo na sabay natin makukuha ang hustisya," nagulat si Spade sa naging pahayag ni Flip, kaya naman agad niya itong hinarap.
Ibang-iba na si Flip sa batang si Nyx noon na mahina ang loob. Hinawakan pa ni Flip ang kamay ni Spade, "Hindi kita iiwan na mag-isa sa laban, Spade.…" Tumango-tango naman si Spade.
Sa mahabang panahon na magkasama sila ni Spade ay itinuturing nila ang isa't-isa na parang totoong magkapatid. Kung may pinagkakatiwalaan man si Spade ay ang buong Quercus lang yon at wala nang iba. Lahat ng tao sa paligid niya ay itinuturing niyang kalaban.
"Aasahan ko yan, Flip, tara na!" yaya niya at mabilis na pinaandar ni Flip ang sasakyan palayo sa lugar.
Pagdating sa headquarters nila ay kaagad bumaba si Spade at mabilis nagtuloy sa opisina ni Clove upang ipaalam dito ang naging trabaho nila nila ni Flip sa labas.
Naabutan niya pang nakatayo si Clove at nakatanaw sa malayo habang may hawak na baso ng alak.
"Clove," tawag niya upang kunin ang atensyon nito. Mabilis naman humarap si Clove sa kanya na may ngiti sa sulok ng kanyang labi.
Inabutan pa siya nito ng baso ng alak.
At mabilis naman niya inabot ito at nilagok.
"Well done!" bati niya pa sa kanya.
"Congratulations to both of you!" mababakas pa sa boses niya na proud siya sa mga sa dalawa.
"Clove, salamat. Pero hindi pa tayo tapos. Dahil nagsisimula pa lang ako sa kanila," mariing sambit ni Spade at
nilapag sa mesa ang baso saka siya lumabas sa opisina si Clove.
Nagtungo sa shower room si Spade, mabilis niya hinubad ang kanyang saplot at binuhay niya ang shower.
Tumapat siya sa dutsa at hinayaan niya na mabasa siya nang tuluyan. Pumikit siya nang mariin habang patuloy ang pagbagsak ng malamig na tubig.
Tinukod niya ang magkabilang kamay sa dingding habang patuloy ang pagdaloy ng tubig sa kanyang mukha.
"Nanay, Tatay, pinapangako ko sa inyo na ibibigay ko ang hustisya sa pagkamatay niyo!" may diin ang bawat salita ni Spade.
"Wala ng buhay nang matagpuan si SPO4 De Guzman, sa loob ng kubo na ito. Ayon sa imbestigasyon ay maaaring isa itong suicide. Dahil nakita mismo sa crime scene ang baril ni De Guzman.
Nakausap natin ang isa sa miyembro ng kanyang pamilya. At ayon pa rito ay wala naman daw problema sa kanilang padre de pamilya. Gugulong pa ang imbestigasyon upang sa mas malinaw na dahilan sa pagkamatay ni SPO4 De Guzman.
At ayon pa sa mga pulis ay marami pang anggulo ang kanilang titignan sa pagkakamatay ng nasabing pulis."
"Diana, anong anggulo ba ang tinitignan ng buong kapulisan sa pagkamatay ni SPO4 De Guzman?" tanong pa ng isang reporter.
"Tinitingnan nila kung match nga ba ang bala ng baril niya na ginamit sa pagkitil ng kanyang sariling buhay o may foul play na nangyari," pagbabalita ng reporter sa TV.
"Salamat, Diana,"
"At yan ang latest mula rito.
Ito si Diana Perez, balik sa'yo Danilo Carlosa."
At saka pinatay ni Clove ang TV.
Ito ang balitang agad na bumungad kay Spade kinabukasan pagbaba niya.
Nagkatinginan pa sila ni Clove nang tumayo ito. Natatakpan man ang kalahati ng mukha ni Clove ay alam ni Spade na nagagalak ito sa mga nangyayari.
Napangiti pa siya habang naglalakad patungo sa kusina upang magtimpla ng kape.
Tinapik niya pa si Flip nang madaan niya ito habang busy ito sa laptop.
Matapos magtimpla ni Spade ay umupo siya sa tabi ni Flip.
"Next target, Alberto Miranda.
" Dating vice-mayor ng San Sebastian at bagong halal ngayon na vice-governor ng lalawigan habang si Joaquin Lagdamana pa rin ang governor.
Malaki ang connection niya sa mga Lagdamana kung kaya naman nanalo siya noong eleksyon," paliwanag ni Flip sa kanya.
"Mrs. Naomi Miranda, kilala siya sa buong San Sebastian bilang matulungin dahil sa dami ng kanyang ginagawa na kawanggawa.
All the foundations, charities, that they hold are all lies. Because the truth is they are just covering it up.
At dito nila pinapasok ang pera na mula sa kaban ng bayan.
Kaya naman ang buong akala ng San Sebastian ay mabuti silang tao," pagpapatuloy ni Flip.
Naikuyom pa ni Spade ang kanyang kamao ng maalala niya si Alberto Miranda. Hinding-hindi niya maaaring makalimutan na sa kanya lumapit ang kanyang mga magulang noon upang humingi ng tulong sa paninikil at sapilitang pagbili o pagkuha ng lupain ng mga kababayan niya ng mga Lagdamana.
"Isang event ang gaganapin, Spade. At sa pangunguna ni Alberto Miranda," narinig niya pang sabi ni Flip ngunit ang kanyang atensyon ay sa family portrait ni Miranda.
Ang saya nila tingnan ng pamilya niya. Buo at mukhang nagmamahalan. Pangarap ng bawat bata ang magkaroon ng kumpleto at buong pamilya.
Ngunit ito ang bagay na pinagkait nila sa kanila ni Flip dahil sa ngalan ng pera at kapangyarihan.
Nagulat pa siya nang may iabot sa kanya si Flip. Tiningnan niya lang ito.
"Invitation mo sa event. May access na rin ako sa lugar kung saan gaganapin ito Don't worry, Spade, inaral ko na ang buong lugar.
Be ready, Spade," seryoso pang sambit ni Flip bago nito muling tinuon ang mga mata sa laptop.
Ngumiti ng mapait si Spade habang nilalaro niya sa kamay ang hawak na invitation.
"Humanda ka Miranda dahil magkikita na agad kayo ni De Guzman sa impyerno!"