Tinanggap na ni Alima na ito ang kanyang kapalaran. Handa siya gawin ang lahat para sa hustisya na kanyang inaasam. Sinusumpa niya na walang makakaligtas sa mga kamay niya, buhay ang kinuha, buhay rin ang kukunin niya.
"Alima, tama na 'yan!' Sigaw ni Nyx sa kanya habang patuloy siya pag-eensayo.
Hindi niya alintana ang kanyang pagod sa kabila ng mura niyang katawan. Gusto niya na malakas siya kapag hinarap na niya ang mga taong may malaking atraso sa kanya. Isang malakas na suntok pa ang pinakawalan niya sa punching bag at tuluyan na siyang napahiga sa pagod. At napikit pa siya dahil sa labis na hapo.
Nagulat pa siya nang maramdaman niya ang malamig na bagay sa kanyang pisngi. Kaya naman agad siyang nagmulat ng mga mata upang silipin ito.
"Uminom ka muna ng tubig," sabi pa ni Nyx at saka ito sumampa sa loob ring.
Agad naman bumangon si Alima at mabilis niyang tinungga ang bottled water na binigay ni Nyx sa kanya.
"Hindi Alima ang pangalan ko," malamig niyang saad na naging dahilan ng pagtawa nang mahina ni Nyx. Nagulat pa si Alima sa pagtawa ni Nyx dahil ngayon niya lang kasi narinig itong tumawa simula nang dumating siya rito isang taon na ang nakakaraan.
"Di ba sabi mo sa akin ay noon ay Alima ang pangalan mo?" inosenteng tanong niya pa.
Mabilis naman umiling-iling si Alima. Silang dalawa ay binigyan ng bagong katauhan ni Clove. At ayon sa kanya ay ito na ang pangalan nila mula ngayon.
"Sabi ni Clove ang pangalan ko na ay Spade," sagot niya. Kaya wag mo akong tawaging Alima, Flip." Saka siya tumayo upang muling mag-ensayo. Dito binuhos ni Alima ang lahat ng galit niya habang hindi pa tama ang panahon ng kanyang paniningil sa mga taong malaki ang kailangan bayaran mula sa kanya.
Napahinto si Alima nang tumayo sa harap niya si Nyx at hinawakan nito ang punching bag upang pigilan siya sa pagsuntok dito.
"Kapag narito ay Alima ang tawag ko sa'yo. Ikaw lang si Spade kapag nasa labas na tayo. At ako pa rin si Nyx, deal?" tinignan pa ni Alima si Nyx dahil sa naging pahayag nito.
Ngumiti pa si Nyx sa kanya at tila hinihintay niya ang kanyang sagot.
"Deal," walang ganang sagot ni Alima.
"Alam mo, Alima, napansin ko na hindi ka ngumingiti man lang—"
"Walang dahilan para ngumiti, Nyx." Sabay suntok niya nang malakas.
"Bakit ikaw ba ay may dahilan upang ngumiti, huh?" balik tanong niya.
At si Nyx naman ngayon ang natahimik na lang bigla.
"Maririnig mo lang akong tumawa kapag unti-unti ko nang nakukuha ang hustisya para sa mga magulang ko. At magulang mo. Hindi ako titigil hanggat hindi ko sila nasisingil, isa-isa!" mariing sambit pa ni Alima. "Hindi tayo titigil hanggat buhay sila!" dagdag niya pa.
Si Nyx ay hindi katulad ni Alima na malakas at matapang ang loob.
At mas madalas ay nagpapakita ito ng kahinaan. Kung ilang ulit din siyang napatawan ni Clove ng parusa sa tuwing nag-eensayo sila. Dahil hindi niya magawa ang mga bagay na pinapagawa sa kanya.
Pero nakitaan naman siya ng galing pagdating sa computer. Kaya niyang i-hack ang mga websites. Ang mga listahan ng contact, impormasyon ng credit at debit card, mga bank statement, mga aplikasyon sa pagrenta, at mga legal na dokumento ay kaya niyang ma-access lahat.
At marami pa siyang kayang gawin sa larangan ng technology.
At ito ang kanyang strength bilang isang member ng Quercus Organization.
Isang taon na rin ang lumipas buhat nang mawala ang mga magulang ni Alima, ngunit hindi pa rin nababawasan ang sakit na kanyang nadarama. Ngunit hindi niya pinakita sa iba na mahina siya kahit ang umiyak ay hindi niya ginawa.
At sa araw-araw na lumilipas ay wala siyang hangad kundi ang maisagawa ang paghihiganti niya. Ngunit sabi nga ni Clove, lahat ay may tamang panahon at oras sa paghihiganti.
"Hihintayin ko ang araw na magkikita-kita tayong muli. Magpakasaya kayo ngayon!" naibulalas niya pa habang sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya.
Halos manginig ang kamay ni Alima ng mahawakan niya ang baril at itutok sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi siya maaring magkamali dahil isa ito sa pulis na hinihingian niyo noon ng tulong tungkol sa pagkamatay ng kanyang mga magulang ngunit imbes na makinig ay sinabihan lang siya nito na umuwi na.
Habang nakaupo lang si Clove sa upuan niya at nasa gilid si Matias, nakamasid. Sabay pa silang napatingin ni Nyx ng bumukas ang dalawang monitor kung saan lumitaw ang family picture nila. At sa isang monitor naman ay ang family picture naman ni Nyx. Kitang-kita kung gaano sila kasaya rito, ngunit ang lahat ng ito ay pawang mga alaala na lang sa kanila.
Nanginig sa galit si Alima nang makita niya nito at sumigaw naman nang malakas si Nyx.
"W-wala akong bubuhayin kahit isa! Lahat kayo ay dadaan sa mga kamay ko!" Sigaw niya at tila hindi siya isang inosenteng bata. Bang mapalingon siya kay Nyx ay kita niya ang madilim na titig nito sa lalaking nasa harap niya ngayon
Sa hudyat ni Clove, kinalabit nila ang gatilyo ng baril na kinasawi ng mga lalaki na nasa harapan nila.
Tumayo si Clove at pumalakpak pa sa kanila.
"Good job!" sambit niya pa.
Napaluhod pa si Alima dahil pakiramdam niya mabubuwag ang tuhod niya. Sa unang pagkakataon ay nagawa niyang pumatay dala ng galit at poot.
Patay na si Alima, mula ngayon ay siya na si SPADE.
Maraming taon ang lumipas at ang mga taon na ito ang mas lalong nagbigay ng tapang kay Spade.
Dumaan siya sa matinding training sa kamay ni Matias.
"Spade!" Sigaw nito nang matulala siya sa gitna ng pag-eensayo. Bigla naman nagising si Spade.
"Concentration is very important! Hindi ka pwedeng mawala sa focus! Ganyan din ba ang gagawin mo kapag kapaharap mo na ang mga Lagdamana, huh?" pang-uuyam pa nito. Umiling-iling naman si Spade.
Alisin mo ang mga bagay na hindi kailangan, Clear?!" Malakas niyang sigaw.
"Copy!" Sigaw ni Spade.
SPO4 EDWARDO DE GUZMAN.
Mabait at ulirang ama sa kanyang pamilya. Ginagalang ng lahat ngunit hindi nila alam kung anong totoong katauhan nito.
Isa sa pulis na humawak noon sa kaso ng mga magulang ni Spade, binayaran ng mga Lagdamana upang iligaw ang kaso. Sa tulong ng mga Lagdamana ay mabilis niyang nakuha ang promotion niya.
"Putangina mong babae ka! Kapag ako ay nakatakas dito, ako mismo ang papatay sa'yooooo!" Sigaw ng lalaking nakatali sa upuan at pilit nagpupumiglas.
Habang maririnig naman ang halakhak ni Spade sa bawat sulok ng maliit na silid. Lumapit ang babae at tinapik ang balikat ng lalaki.
"Masyado kang maingay, SPO4 De Guzman," may diin pa nitong sambit sa pangalan ng pulis. "Malayong-malayo sa pulis na kilala ko noon, tahimik lang…" nakangisi pang sambit ni Spade.
"Sino ka?! Bakit mo ako kilala?!" tanong nito. At mababakas na kaba sa mukha nito.
Muling tumawa si Spade dahil sa naging tanong ng lalaki.
At tinutok niya ang baril sa noo ng kausap kaya naman bigla itong natahimik at bakas pa sa mukha nito ang matinding takot.
"Natahimik ka yata, SPO4 De Guzman? Ganyan na ganyan ang ginawa mo noon, maraming taon na ang lumipas,"
A-anong kailangan mo? S-sino ka?" nauutal niyang tanong.
"Natatandaan mo pa ba ang ang kaso ng mag-asawang Santiago? Na pinatay sa loob mismo ng kanilang sariling tahanan?"
"W-wala akong a-alam s-sa s-si…sinasabi mo! I-ilayo mo ang b-baril sa a-akin!" kaila nito habang nauutal sa pagsasalita.
"Masyado kang makakalimutin! Wag kang mag-alala pagdating mo sa impyerno, ipapaalala ni Satanas ang kahayupan mo!"
"W-wala akong a-alam…" halos manginig pa ito sa takot ng ikasa ni Spade ang baril sa harap mismo ng mukha nito.
"Nawala yata ang tapang mo?" pang-uuyam pa ng dalaga. Saka tinapik-tapik ang pisngi nito.
"W-wag…"
"Pumili ka, ako ang maghahatid sa'yo sa pintuan ng impyerno o ikaw na mismo ang maghahatid sa sarili mo?" Muling tumawa si Spade habang titig na titig sa lalaki.
"M-magkano ang kailangan? W-wag mo lang akong p-patayin. T-tinakot lang a-ako ng mga Lagdamana noon. K-kaya tikom ang bibig ko t-tungkol sa k-kaso ng mga Santiago. M-maawa ka…" pautal-utal niya pang pakiusap sa dalaga. Ngunit hindi naman natinag ang dalaga sa pakiusap ng lalaki, sapagkat buo na sa isip ng niya ang paghihiganti para sa kanila.
"Tsk." Umiling-iling pa si Spade.
"Too late. Kasi alam mo kung bakit?"
"M-ma…maawa ka. M-may p-pamilya a-ako…" naiiyak niya pang pakiusap. Nang muling idiin ni Spade ang dulo ng baril sa noo ni De Guzman.
Halos hindi makagalaw si De Guzman at pilit niyang nagmamakaawa kay Spade.
Ngunit tumawa lang nang malakas si Spade sa sinabi nito.
Hindi na siya ang Alima na mapagmahal at may puso. Siya na si Spade ngayon.
Lumaki syang punong-puno ng galit at pagkapoot sa mga taong malaki ang atraso sa kanya. Walang makakaligtas sa lupit ng paghihiganti niya
"Well, condolence sa pamilya mo. Magkakaroon naman kayo ng reunion, mauuna ka lang sa kanila. Kasi lahat kayo kasama ang mga Lagdamana, isa-isa ko kayong ipapakilala kay Satanas!" kasabay ng mga salitang binitawan ng dalaga ay ang sunod-sunod na putok ng baril na syang tumapos sa buhay ng lalaki. Natalsikan pa ang dugo ang mukha ni Spade at pinahid niya lang ito ng kamay saka siya naglakad palayo na may ngiti sa labi.