Quercus

2008 Words
"Alima...gising na, anak, hinihintay na tayo ng tatay mo. Halika na, bilis. Magsisimba pa tayo pagkatapos ay bibilhin natin ang gusto mong manika sa bayan. Anak, gising na..." Bahagyang iminulat ni Alima ang kanyang mga mata nang marinig nito niya ang boses ng kanyang Nanay Catherine. Nanlalabo pa ang kanyang mga paningin kaya naman hindi niya masyadong makita nang malinaw ang mukha ng kanyang Nanay. Pilit niyang inaangat ang kanyang kamay upang mahawakan niya ang mukha nito. Ngunit wala siyang lakas upang gawin ito at pakiramdam niya ay hinang-hina pa siya. " N-nanay..." tawag niya pa. "Bumalik p-po kayo? S-salamat po. Wag na k-kayong aalis ni T-tatay..." hirap na hirap niyang sambit. Tumango-tango lang ang kanyang Nanay Catherine at saka ngumiti Muli siyang pumikit at tumulo ang luha sa kanyang mga mata. " Alima, gising na! Maiiwan na tayo ng Tatay mo!" Naramdaman niya pa tumayo ito at akma siyang iiwan. Bigla naman siyang natakot at pilit sana niyang pipigilan ang kamay nito ngunit himdi na maitaas ang kanyang kamay. "Nanaaaay!! Wag mo po akong iwan!!!" Malakas na sigaw ni Alima nang magising siya. Pawis na pawis pa ang kanyang buong mukha. At ang buong akala niya ay totoo na, isa lang pala itong panaginip. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon ng maalala niya ang nangyari kagabi sa gubat habang hinahabol siya ng mga Lagdamana. Nakita niya pa na may mga galos siya at maliliit na sugat sa binti marahil ay nakuha niya ito mula sa pagtakbo kagabi. Ang huling natatandaan niya ay may humawak sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig bago siya nakatulog. At muling naiyak si Alima nang maalala na naman niya ang tungkol sa kanyang mga magulang. Ilang saglit pa siyang umiyak at napatigil siya nang mapansin ang kinaroroonan niya. Nagpalinga-linga si Alima sa loob ng kwarto na kanyang inokupa at hindi pamilyar sa kanya ang lugar na ito. Muling inalihan ng matinding takot si Alima sa pag-aakala na baka ang mga Lagdamana ang nakakuha sa kanya. Pero kung buhay pa siya hanggang ngayon, ibig sabihin ay may ibang tao na tumulong sa kanya? Pero sino? At bakit kaya siya tinulungan nito ng mga ito? Kahit labis na takot ang kanyang nararamdaman ay hindi niya maiwasan na hindi mamangha sa kanyang nakikita. Dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong kagandang silid at malayong-malayo sa simple nilang bahay na kinalakihan niya. Sa TV niya lang ito nakikita noon. At bigla siyang naalarma kung sino nga ba talaga ang tumulong sa kanya upang makatakas sa mga Lagdamana? Nagulat pa si Alima nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na may takip ng maskara ang kalahating bahagi ng mukha nito. Kung kaya naman hindi mo makikita ang kabuuan niyang itsura. Matangkad ito at payat. Mahaba rin ang kanyang buhok at lahat ng suot niya ay kulay puti. Mula pang-itaas hanggang pang-ibaba nito. Mukha siyang nakakatakot para kay Alima. May kasama rin siyang dalawang lalaki sa tabi niya na pawang nakasuot ng kulay itim ng itim na coat at may dalang tray. At sa tingin ni Alima ay pagkain ang mga iyon dahil nalanghap niya ang mabangong aroma na nagmumula rito. Sa takot ni Alima ay sumiksik siya sa sulok ng kama at niyakap ang manikang si Lilibeth habang nakayuko pa rin. "Good morning, Alima." Naramdaman niya pang umupo sa gilid ng kama ang babaeng may takip ng maskara. "Wag kang matakot, kakampi mo ako," ani pa ng hindi nagpapakilalang babae. Sinenyasan niya pa ang dalawang lalaki na ilapag ang tray sa mesang nasa gitna. At sinabihan niya rin ang mga ito na lumabas ng kwarto at iwan silang dalawa ni Alima. Hindi makatingin ng tuwid si Alima sa babae sapagkat nananaig ang pangamba niya rito. Nanatili lang siyang nakatungo. "Alam ko kung sino ang pumatay sa mga magulang mo. Ang mga Lagdamana di ba?" tanong ng babae. Hindi naman sumagot si Alima bagkus ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin buhat sa sinabi nito. "B-bakit niyo po a-alam?" kiming tanong niya. Ngumiti lang ang misteryosong babae sa kanya. "Gusto mo bang tulungan kita? Kayang-kaya kong gawin 'yon. Payag ka ba?" pangungumbinsi niya pa kay Alima. Kumurap-kurap siya dahil sa naging pahayag ng babae. Hindi makapaniwala si Alima na may taong tutulong sa kanya laban sa mga Lagdamana. Saka siya tumayo at kinuha ang tray na nasa ibabaw ng mesa. At ipinatong sa ibabaw ng kama. Natakam naman si Alima ng maamoy niya ang masarap na amoy ng pagkain. "Kumain ka, Hija…" Tinuro pa ng babae ang pagkain. Hindi naman kumilos si Alima at tinignan niya lang ang pagkain na nasa harap niya ngayon. Napatingin pa siya nang kumuha ng isang ubas ang babae at kinain ito upang ipakita sa kanya na walang lason ang mga ito. Dahil sa gutom ni Alima hindi niya na tinanggihan ang pagkain na inaalok ng misteryosong babae. Sunod-sunod ang subo ang ginawa niya habang pinapanuod lang siya ng babae. Nang matapos siyang kumain ay inabutan siya nito ng tubig at saka tissue paper. "S-salamat po," alanganin niya pang sabi dito. "Welcome, Alima," nakangiti pang sagot nito ngunit nanatiling seryoso ang kanyang mga mata. "B-bakit niyo po alam ang p-pangalan ko?" nagtataka pang tanong ni Alima sapagkat ngayon lang naman niya nakita ang babae. Hindi niya matandaan mung nagkita na ba sila noon? Maraming tanong ang nabuo sa isipan ni Alima kung paano siya nailigtas ng mga ito mula sa mga Lagdamana? At kung ano ang pakay sa kanya ng mga ito. Napatingin pa siya ng bigla itong tumawa nang malakas nginit biglang nawala ang ngiti sa labi. "It's not really important, Hija, ang mahalaga ay ligtas ka na sa mga Lagdamana!" bakas sa boses ng babae ang matinding galit ng bangitin nito ang apelyido na Lagdamana at tila ba may malaki syang galit sa mga ito. Dahan-dahan pa itong lumapit kay Alima at hinaplos ang buhok niya. "W-wag niyo po a-akong p-papatayin, please po…" natatakot pang sambit ng kawawang si Alima. "Kakampi ako, Alima." buhat sa narinig ni Alima ay nabuhayan siya ng loob at pakiramdam niya ay hindi na siya mag-isa at may kakampi na siya ngayon. "Pero tandaan mo, Alima, lahat ng bagay may kapalit. Wala kang ibang susundin kundi ako. Ang mga Lagdamana ang may dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo," paalala niya pa. Kaya naman muling natahimik si Aliman. "Kakalimutan mo ang dati mong pagkatao! Nagkakaintindihan ba tayo?" puno nang diin niyang tanong. "Opo. P-pumapayag po ako…" walang gatol na sagot ng bata kahit pa hindi niya lubos na nauunawaan ang nais ng babae. Muling umiti pa ang babae sa kanya at hinaplos pa nito ang buhok ni Alima. Isang linggo ang lumipas ay nakabawi na ng lakas si Alima ngunit ang kanyang puso ay nanatiling nasasaktan, sa tuwing naaalala niya ang kanyang mga magulang. Kaya namam naisipan ni Alima na maglibot sa lugar ngunit wala siyang makita kundi ang mga kwarto. Wala rin halos tao na makikita kundi ang mga lalaking armado. Sa paglalakad ni Alima ay may narinig siyang iyak mula sa isang kwarto. Sinubukan niyang lumapit dito at dahan-dahan niyang dinikit ang kanyang tenga sa pinto upang mas lalong marinig iyak na nagmumula sa loob. Dahan-dahan niyang pinihid ang seradura ng pinto at mas lalong lumakas ang iyak. May isang batang lalaki na umiiyak sa sulok ng kwarto at sa tingin niya ay kasing edad niya lang ito. Mukhang hindi pa nito napansin ang pagpasok ni Alima sa loob. "B-bata…" mahinang tawag ni Alima. Saglit na tumigil sa paghikbi ang batang lalaki at unti-unting lumingon kay Alima. "S-sino ka? A-anong ginagawa mo rito? Bawal ka ka rito" sabi pa nito. "A-ako si Alima? Anong pangalan mo? Saka bakit ka umiiyak?" usisa pa ni Alima. "A-ako si Nyx," tipid na sagot nito. Pumasok na nang tuluyan si Alima upang mas makita sa malapitan si Nyx. "P-pinatay rin ba nila ang Nanay at Tatay mo?" malungkot na tanong ni Alima. Tumango-tango si Nyx at muling umiyak. "N-naglalaro lang ako—tapos n-nakita ko nang b-barilin sila ng mga l-lalaki. M-mabuti na lang at h-hindi nila ako nakita. Pero— napahinto siya sa pagsasalita at muling pumalahaw ng iyak. "W-wala na sila…" umiiyak niyang sambit. Umupo si Alima sa tabi ni Nyx upang aluhin ito. Katulad niya ay wala na rin pa lang magulang si Nyx. Pareho pala sila ng sinapit na kapalaran sa kamay ng mga Lagdamana. Mas lalo tuloy lumaki ang galit sa puso ni Alima para sa kanila. Maya-maya pa ay sabay pa silang nagulat ng pumasok ang isang lalaki at tinawag si Alima. "Nyx, dito ka muna," sabi niya pa bago tuluyang lumabas ng kwarto. "Saan po tayo pupunta?" tanong niya sa lalaki ngunit hindi ito sumagot bagkus ay sumakay sila sa elevator papunta sa second floor ng bahay. Ilang saglit pa ay bumukas ang elevator at nagtuloy sila sa pinakamalaking kwarto. Biglang nakaramdam ng takot si Alima sa loob ng kwarto dahil sobrang tahimik dito at mayroon na makulimlim na ilaw na sapat na upang makita niya kung anong meron sa loob. May malaki at mataas na upuan din sa gitna at doon ay nakaupo ang babae na hanggang ngayon ay hindi niya kilala ang pangalan nito. Sa taas na bahagi nito ay mababasa ang salitang "QUERCUS"---is a symbol of the strength and power. "Kill him, Alima," seryosong sambit ng babae habang nakaupo sa silya nito. At natatakpan pa rin ang kalahating bahagi ng mukha niya ng puti na maskara kung kaya naman mas lalong nakakadagdag ng takot para kay Alima. Baka nga ito na ang araw na sisingilin siya nito sa pagpapatuloy nito sa kanya. Isang lalaki naman ang nakaluhod, duguan pa ang mukha nito at may takip pa ang bibig. Halos hindi na makilala ang mukha niya dahil sa masaganang dugo na dumadaloy sa mukha nito. Sineyasan pa ng babae si Matias na ibigay kay Alima ang baril upang ipagawa dito ang kanyang pinag-uutos. "A-ano po? H-hindi ko po kayo maintindihan…" nangilid ang luha sa mga mata ni Alima nang bigla niyang maalala ang kanyang mga magulang na naliligo rin noon sa sarili nilang dugo. Hindi niya kayang tingnan ng matagal ang lalaki na nasa harap niya ngayon dahil muling nabubuhay ang takot niya. Hindi niya alam kung ano ba talaga nangyayari sa paligid. Sino ba talaga ang babaeng nasa harap niya ngayon? Gusto niyang tumakbo palabas ngunit natatakot siya na baka mas malaking panganib ang nag-aabang sa buhay niya kung aalis siya sa poder ng babae. "I said, patayin mo siya." Turo pa nito sa lalaking duguan. Natigilan si Alima at tila hindi niya inaasahan ang pinag-uutos ng babae sa kanya. Hindi niya alam kung ano bang pinasok niya. "H-hindi ko po kaya, h-hindi po…" umiiyak niyang sabi. "Shoot him, Alima, and that's an order!" Sigaw ni Matias. Naglakad ang misteryosong babae patungo sa pwesto niya. Takot na takot pa si Alima nang makalapit ito. "Naaawa ka? Pinatay nila ang magulang mo, Alima. Sila ang dahilan kung bakit nag-iisa ka! Sila ang mga taong may kasalanan kung bakit wala kang magulang! Hindi na sila babalik sayo! Isa kang ulilang lubos! Sila ang kalaban!" "Tama na po! Tama na! N-nanay…T-tatay!" umiiyak na sigaw ni Alima nang muling ipapalala sa kanya ang pagkawala ng kanyang mga magulang. "Unang kailangan mong matutunan dito sa mundo natin na ang "awa ay para lang sa mga taong mahihina" at walang puwang 'yan dito!" Sabay kuha nito ng baril sa kamay ni Matias at saka pinaputukan nang sunod-sunod ang lalaking duguan. Napasigaw pa si Alima sa kanyang harap-harapang nasaksihan. "Let me introduce myself, ako si Clove Videz," pakilala niya. "At siya ang founder ng 'Quercus Organization," sabi pa ni Matias. "Kung gusto mo ng hustisya para sa mga magulang mo, Alima. Simulan mong alisin ang awa sa puso mo. Remember, don't share your weakness to anyone you never know who is going to use it against you." At saka siya naglakad palabas ng silid. Naiwan namang umiiyak si Alima kasama ng lalaki na wala nang buhay. Sumigaw siya ng ubod nang lakas. "Nanay, Tatay, magbabayad po silang lahaaaaaaaat!!!" Malakas niyang sigaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD