Isang linggo na ang lumipas nang mailibing ang magulang ni Alima. At walang araw na hindi siya umiyak dahil sa pangungulila sa mga ito. Hindi niya magawa na kumain man lang dahil sa lungkot na kanyang nararamdaman.
Alam niya na hindi na babalik ang kanyang mga magulang kahit kailan.
Walang siyang nais gawin kundi ang magluksa sa pagkawala ng mga ito.
Pansamantala siyang tumutuloy sa chapel kung saan binurol ang kanyang mga magulang.
"N-nanay, T-tatay…masakit po ang heart ko." Turo niya pa sa dibdib habang patuloy ang paghikbi.
"D-di ba sabi niyo po ay d-dito lang p-po kayo? Hindi po k-kayo mawawala?" nauutal niya pang sambit habang yakap ang sarili.
Punong-puno ng takot at pangamba ang paslit para sa kanyang sarili matapos ang malagim na sinapit ng kanyang Nanay at Tatay.
Wala siyang maaring gawin dahil siya ay isang bata lang at hindi sapat ang kanyang kakayahan at kaalaman sa buhay.
Sa mga ganitong edad ay dapat gabay at kalinga ng magulang ang kanyang higit na nararanasan, ngunit pighati ang mas nangingibabaw.
At her age now she should grow up like any other normal child.
But the Lagdamana's seem to have stolen it from her.
Parents are the first to protect their children from all dangers but who will protect Alima against the world if she is alone now?
Masyado pa syang bata para maulila at sa paraan na hindi katanggap-tanggap, hindi makatao at higit na hindi makatarungan ito.
Minsan pang natanong ni Alima ang Panginoon, kung totoo ba talaga siya? Kung oo, bakit niya hinayaan ito? Bakit pakiramdam niya ay hindi siya mahal ng Panginoon?
Hindi niya alam kung paano siya mamumuhay ngayon na mag-isa na lang siya. At wala na ng kanyang Nanay at Tatay.
Hindi madali para kay Alima ang kanyang nararanasang na sakit ng kalooban at wala man lang tao na gustong samahan siya sa kanyang laban.
Lahat sila ay may takot.
Hanggang ngayon palagi pa rin siyang binabangungot ng masamang pangyayari na nasaksihan niya mismo sa loob ng kanilang tahanan.
Malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isip ang lahat ng kahayupan na ginawa ng magkakapatid na Lagdamana sa kanyang Nanay at Tatay.
Lahat ng pangalan at itsura nila ay nasa isip niya pa rin.
Maging sa panaginip ay nagpapahiwatig ng hustisya ang kanyang mga magulang.
Walang kahit sino ang gustong kumupkop kay Alima dahil sa takot ng mga ito na madamay at baka sila ang pag-initan ng mga Lagdamana kapag kinukop siya ng mga ito.
Parehong ulilang lubos na rin ang kanyang mga magulang. At may kamag-anak man si Alima ay sa malayong lugar naninirahan. At hindi niya alam kung paano siya makakapunta roon.
Maging ang mga pulis ay tikom ang bibig tungkol sa mga pangyayari dito sa kanilang lugar. Ang mga taong inaasahan ni Alima na tutulong sana sa kanya ay nabayaran na ng malaking halaga kapalit ng pananahimik nila. Pera ang dahilan kung bakit ang katarungan ay tila kay hirap matamasa sa kanilang bayan.
Naisipan ni Alima na muling bumalik sa kanilang bahay kahit pa may alinlangan siya na baka balikan at pagtangkaan naman ang kanyang buhay ng mga taong pumatay sa mga magulang niya.
Pero wala siyang magagawa dahil hindi maaaring nasa chapel lang siya manirahan.
Kailangan niyang maging matapang na harapin ang buhay dahil wala na siyang ibang inaasahan kundi ang sarili na lang niya.
Malalim na gabi ngunit gising na gising pa rin si Alima habang yakap-yakap niya ang manika na bigay ng kanyang mga magulang.
Ito na lang ang munting alaala niya mula sa kanyang Nanay Catherine.
Ito sana ang araw na dapat ay nagsasaya silang pamilya. Ito ang araw na dapat ay magsisimba sila ng sama-sama at maghahanda ng simpleng salu-salo ang kanyang Nanay Catherine.
Ang espesyal na araw ng kapanganakan ni Alima ay nauwi sa pagdadalamhati at pagluluksa.
Maraming pangarap si Alima para sa kanyang Nanay at Tatay. Katulad ng lagi niyang sinasabi noon sa Nanay at Tatay nya na magtatapos siya ng kanyang pag-aaral. At paglaki niya ay bibili siya ng magandang bahay para sa kanila.
Ngunit dahil sa mga taong ganid sa yaman ang lahat ng pangarap ng munting paslit ay nawala at nabaon na rin sa hukay. Habang payapa na ang gabi at tanging huni na lang ng mga kuliglig ang maririnig sa paligid. Ngunit ang mahinang panaghoy ni Alima ay humahalo sa hangin.
Pansamantalang nahinto sa pag-iyak si Alima ng may marinig siyang mga yabag at boses na tila pamilyar sa kanya.
Hindi siya maaaring magkamali, sila rin ang mga taong pumatay sa kanyang mga magulang.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kanilang pinto upang silipin sa siwang ng butas ang pinagmulan ng ingay. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga lalaking pumatay sa mga magulang niya. Tama nga siya!
Muling nabuhay ang takot at pagkamuhi niya sa mga ito at nasisiguro niya na siya ang pakay ng mga ito, kung bakit muli silang bumalik.
Dali-dali syang kumilos upang takasan ang mga Lagdamana. Kinuha niya ang manika at tinungo ang pinto sa may likod-bahay saka nagmamadaling lumabas.
Tumakbo siya upang mas mabilis siyang makalayo sa mga ito.
Tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbi nyang tanglaw sa madilim na kapaligiran.
At hindi rin alintana sa kanya ang matalas at matalahib na d**o sapagkat ang nais ng bata ay makalayo sa mga taong pumatay sa kanyang mga magulang.
Lakad takbo ang ginawa niya.
Hanggang sa may marinig syang kaluskos at alam nyang sinusundan siya ng mga ito.
"N-nanay...T-tatay…" takot na takot na tawag ni Alima sa kanyang mga magulang.
Habang patuloy siya sa pagtakbo palayo sa mga humahabol sa kanya.
"Hanapin niyo ang bata! Hindi pa 'yon nakakalayo! Bilisan niyo!
At kapag nakita niyo ay patayin niyo na!" habang tumatakbo si Alima ay nanginig ang buo niyang katawan dahil sa takot.
"Hija, magpakita ka na may candy kami dito! Wag kang matakot!"
narinig pa ni Alima na sigaw mula sa di kalayuan. Kaya naman mas lalo pa syang nagmadali sa pagtakbo hanggang sa makarating siya sa gubat. Nagpalinga- linga si Alima sa paligid at hindi niya malaman kung saan s'ya tutungo upang magtago. Naalala n'ya ang sinabi ng kanyang Tatay na may daan dito patungo sa kabilang bayan. Ngunit dahil madilim hindi makita ni Alima ang tamang daan pababa sa bayan. Napalingon siya ng may marinig syang putok ng baril sa may di-kalayuan. Kaya naman napasigaw pa ang kawawang bata. Bigla siyang inalihan ng kakaibang takot para sa kanyang sariling kaligtasan.
Sobrang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa takot at pagod.
Nagpatuloy si Alima sa pagtakbo upang mas makalayo pa sa mga taong humahabol sa kanya. Hindi na niya alintana ang sakit ng paa dahil sa tusok ng mga kahoy at bato dahil sa wala syang suot na panyapak upang mas mabilis siyang makatakbo palayo sa mga ito.
Pabilis ng pabilis ang takbo ni Alima.
At ang kaluskos na nagmumula sa likuran ay palapit ng palapit nasa kanya.
"Nakita ko na ang bataaaaaa!!!
Bilisan niyooooo! Ayon ang bataaaa!" Sigaw ng baritono na tinig kaya naman nahintatakutan si Alima.
Alam niya na anumang oras ay mahuhuli na siya at mga at baka ito na ang magiging katapusan niya.
Umiiyak siya habang tumatakbo at tinatawag ang kanyang mga magulang. Tumakbo siya ng tumakbo kahit labis na nanghihina ang maliit niyang mga binti. Naghahanap siya nang maaari niyang pagtaguan pansamantala mula sa mga humahabol sa kanya.
Nagkubli si Alima sa loob ng isang malagong halaman.
Tinakpan niya ang kanyang bibig gamit ang mga kamay upang hindi siya makagawa ng anumang ingay.
"Nasaan na ang bata?!!! Hanapin niyo ng mabuti! Tayo ang papatayin ni Papa kapag nalaman niyang hindi natin na iligpit ang bata!" narinig niya pang sabi ng isang lalaki.
Tandang tanda niya ang boses ng lalaking nagsasalita ngayon, dahil ito ang lalaking unang bumaril sa kanyang Tatay at nagngangalang Joaquin Lagdamana.
Halos hindi humihinga si Alima mula sa kanyang pinagkukublian dahil alam niya nasa paligid lamang ang mga taong gustong pumatay sa kanya.
"Bata, mga pulis kami wag kang matakot, tutulungan ka namin. Sige na, lumabas ka na…" sambit pa ng lalaki.
Lahat ng boses nila ay pamilyar para kay Alima at alam din niya na nililinlang lang siya ng mga ito, kaya naman nanatili lang siya mula sa pinagtataguan.
"Lintik! Hanapin niyo ang bata! Hindi siya pwedeng makatakas!! Sasabit tayo nito!"
Balot ng takot at pangamba si Alima ngunit wala siyang mahingian ng tulong sa mga sandaling ito.
Yakap-yakap niya nang mahigpit ang manika upang dito kumuha ng lakas.
Maya-maya pa naging tahimik ang buong paligid. At nawala na rin ang mga nag-uusap.
Kaya naman nakahinga si Alima nang maluwag pansamantala.
Nakiramdam siya sa paligid kung ligtas na ba siya mula sa mga taong humahabol sa kanya.
Nang masiguro niyang wala na ang mga ito ay dahan-dahan siyang lumabas mula sa pinagtataguan.
At biglang napasigaw si Alima ng may humawak sa kamay niya at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang panyo.
Pilit kumakawala at nagpupumiglas ni Alima sa taong may hawak sa kanya hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng ulirat at hindi na niya alam pa ang mga sumunod na pangyayari.