MASYADO kang masaya. Don’t be so easy to get,” Parang naging mababa akong babae sa sinabing iyon ni Xander. Hindi ko na lang pinansin at iniiwan ko yung mga direksyon kung saan siya pupunta para makaiwas ako. Kahit saan ako magpunta, naroon siya. Kasalukuyang nagkakasiyahan ang lahat maliban sa akin na tulala lang sa gilid at iniinis pa ni Xander. May lumapit pa sa akin na lalaki at hinawakan niya agad sa batok. Mukhang natakot yung lalaki kaya agad akong iniwan. Napairap ako kay Xander dahil sa ginagawa niya. Bakit hindi yung fiancé niya ang bantayan? Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niyang easy to get ako? Oo nga naman, nakuha ng niya yung pagkabirhen ko ng hindi kami legal. Kaya ba mababa na lang tingin niya sa akin ngayon? Bumalik siya sa lamesa nila kung nasaan si Davina a

