bc

Mafia Series: His Darkest

book_age18+
2.5K
FOLLOW
12.6K
READ
dark
forced
manipulative
maid
mistress
twisted
ambitious
cheating
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

How could you in love with a mafia boss when he turns into a monster in front of you?

Alexander Mackson- The heartless man and seductive mafia boss. He wants to be the next heir of Hidalgo La Ciente, the company under his grandfather named Don Hilarus.

Xander fell in love with their maid, Sarah. Kabaligtaran man ng mundo ang isinisigaw ng puso ng isa't-isa, pinilit paring ipaglaban ang pag-ibig na hinahadlangan ng lahat.

Dumating ang isang araw, nagbunga ang kanilang lihim na pagsasama at nagbago ang lahat noong malaglag ang sanggol na dinadala ng dalaga.

Paano nga ba maibabalik ang dating pag-ibig kung galit ang namuo sa puso ng binata? Sa ilang taon niyang pagtakbo para takasan ang mga nangyari, muli siyang magbabalik para harapin si Sarah.

The woman he wants to walk on the church and get her sweetest "I do" in front of everyone for the past 5 years will work him now as his s*x slave.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
SARAH POV “Don’t!” Halos mamaos kong sigaw para lamang pigilan si Xander. Binigyan lamang niya ako ng isang matalim na tingin at muling napukaw sa lalaking nagmamakaawa sa kaniyang harap. Inilapit niya ang baril sa noo nito at sunod-sunod na pagkalabit sa gantilyo ang ginawa niya. Napaluhod na lamang ako habang pinagmamasdan ang walang emosyon niyang mukha at sa lalaking nag-aagaw buhay. Bumagsak ang lalaki sa sahig. Muling humarap si Xander sa direksyon ko at ang bawat hakbang niya papalapit ay nagpapabilis ng kabog sa dibdib ko. Ilang saglit lang, napaangat ako ng ulo at narito na siya sa aking harap. Ang lalaking nagbigay sa akin ng dahilan para mabuhay ay kasalukuyang nakatayo at puno ng galit sa mga matang nakatitig sa akin. “Matakot ka sa bawat likidong dugo na nagkalat sa harap mo. Matakot ka sa malamig na katawang nakahandusay at binawian ng buhay sa mga kamay ko. Katakutan mo, Sarah! Gusto kong matakot ka dahil ang lahat ng ito ay dahil sa’yo. Ang lahat ng nakikita mo ngayon ay dulot ng sakit na iniwan mo,” Diin niyang sambit habang sinasalubong ang nanghihina kong mga mata. “T-tama na, Xander. Please,” daing ko noong suntukin niya ang pader at may mga dugo ang umagos mula sa kanyang kamao. “Bakit? Natatakot ka na ba? Sana natakot ka rin noong pinili mong umalis noong mga panahong kailangan kita, Sarah. Sana natakot ka na mawala ako. Sana kahit minsan nagawa mong ipaglaban ako noong mga panahong sinukuan ko ang mundo para sa’yo!” Sa ilang taong lumipas, ngayon ko lang ulit nasilayan ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa man siya tuluyang makaalis, ang iniwan siyang mga salita na siyang dumurog ng husto sa puso ko. “Ngunit hindi nga pala, hinding-hindi ka matatakot pa dahil alam mong mahal pa rin kita at hindi ko magagawang saktan ka,” Hindi na niya ako hinintay pang magsalita at agad na siya nagtungo sa sasakyan. Naiwan akong nakaalampak parin a sahig. Namanhi na ang tuho ko at hini magaWa pang tumayo. Tama siya, ako ang dahilan kung bakit siya nagbago. Ako ang dahilan kung bakit ngayon ay nagdurusa parin siya sa sakit na dulot ng nakaraan. Ako ang may kasalanan ng lahat kaya nawala ang taong mahal ko, si Xander. He is a mafia boss. CHAPTER 1 SARAH POV “PARATING na sila!” hindi magkandaugagang sigaw ni Manang Pasita noong marinig ang paparating na sasakyan. Ilang saglit pa, ang lahat ng mga katulong ay isa-isang naghalera sa daraanan ng mga darating. Unang bumaba, si Donya Valerina, ang sabi nila ay ikalawang asawa ni Don Levio. Sunod na pumasok ay ang nag-iisang nilang anak, si Xander. Dumaan siya harap ko ngunit hindi man lang nagtapon ng kahit kaunting sulyap sa akin. May kirot sa puso kong idinaan na lamang sa isang ngiti. Alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa ginawa ko, alam kong sa mga mata niya ay kinasusuklaman pa rin ako. “Sarah, ano bang ginagawa mo pa riyan?” kuyog sa akin ni Rita, isa sa mga katulong din dito sa bahay. Nag-alisan na pala ang mga kasambahay at tanging ako na lang ang natira dito. “W-wala,” tanggi ko at nauna nang magtungo sa kusina para maghanda ng hapunan. Noong matapos ang lahat magluto, naglabasan na sa kwarto sina Don Levio, Donya Valerina, at Xander upang magsalo-salo. Inihain ang lahat ng putahe at kaming lahat ay nakapalibot sa likod nila ang pitong katulong dito sa bahay. “Hija, sumabay na kayo sa amin,” pag-anyaya ni Don Levio sa amin kaya walang sinuman ang makakatanggi kahit pa ang kanyang asawa. Sa kasamaang palad, nasa dulo ako ng pilang nakatayo. Walang sinuman ang nais maupo sa harap ni Xander kaya't doon ako napunta. Nanlalamig akong naupo sa harapan niya at kumuha na rin ng kanin. Ang unang subo ay halos mabilaukan ako dahil sa titig niya. “Sarah, kumuha ka nito,” masayang alok ni Don Levio sa akin ng kare-kare. Tila ikamamatay ko ang pagtanggi, kahit pa allergy ako sa mani ay kailangan ko tikman iyon. Aabutin ko na sana nang biglang kuhanin ni Xander ang ulam sa kamay ng kanyang ama. “No. That’s my favorite,” walang gana nitong sagot at ang ulam ay itinabi niya sa kanya. Natawa naman si Don Levio sa inasal ng anak. “Ngayon ko lang nalaman na mahilig ka riyan,” Hindi na siya pinansin pa ng anak at wala ngang inulam si Xander kung hindi ang kare-kare dahil sa pag-ako niya ang responsibilidad na uubusin at magkaroon ng dahilan kung bakit ayaw niya ako bigyan. Hindi pa rin pala siya nagbabago, kahit taon na lumipas ay naaalala pa rin niya ang mga bagay na tungkol sa akin. Natapos ang hapunan at isa-isa na ring nag-alisan ang aking mga kasabayan maliban kay Xander. Kinukuha na namin ang mga plato sa lamesa para magligpit nang biglang magsalita si Xander kaya’t napatigil ang lahat. “Magpahinga na kayong lahat maliban kay Sarah. Siya na ang tatapos ng mga gawain,” ma-awtoridad niyang utos. Yumuko ang mga katulong at tinignan ako na puno ng pag-aalala bago mag-alisan. Kinuha ko na isa-isa ang mga kagamitan na pinanggamitan para hugasan. May mga pinaibang disenyo sa bahay si Don Levio na kailangan tapusin ngayong gabi bagamat walang may nais sumuway kay Xander. Matapos ko mag-urong at maglinis, pumunta na rin akong sala para mag-iba ng ayos. Ang mga sofa na bagong dating ay nais ni Don Levio sa sala at mga upuang nandoon ay ilabas na. Ang halos lahat ng kagamitan ay nais niyang bago sa paningin. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagbubuhat, parang mababali na ang aking buto sa sobrang bigat. Mukhang ito na simula ng paghihirap ko sa kamay ni Xander ngunit kung ito paraan para mapatawad niya, gagawin ko ang lahat. Isa… dalawaa… tatlooo.. Hinihingal na akong naghahabol ng hininga sa sobrang pagod. Alas nwebe noong matapos at hapunan, ngayon ay maga-alas dose na. Sa pagod din kanina ng ginawa naming linisin ang buong mansyon ay lalong nagpabigat sa pakiramdam ko. Umupo na muna ako panandalian sa sofa upang magpahinga at hindi ko na namalayan pang unti-unti na napapikit ang aking mga mata sa labis na pagod. NAGISING ako sa kwarto. Masakit pa rin ang katawan ko kaya hindi makagalaw ng maayos. Pumasok si Rita sa kwarto kaya’t agad ko siyang tinanong kung paano ako napunta rito. Kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. “Malamang, ito lang naman kwarto natin. Lutang ka pa rin ba? Lagi kita napapansing tulala,” Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa kanya. Naalala ko bigla ang pinag-uutos ni Don Levio, sa pagod ay hindi ko pa natatapos ang mga pinapagawa niya. “S-si Don Levio?” kinakabahan kong tanong. “Ayun, hinahanap ka. Tuwang-tuwa at napakaayos ng disenyo ngayon ng ginawa mo sa sala,” natutuwang balita naman ni Rita. Lalong napakunot ang noo ko sa mga sinasabi niya. Paano ko iyon aayusin kung nakatulog ako? May kakaiba ngayon sa bahay, huwag naman sana kakaibang elemento. Sa paglabas ko ng kwarto, ang malamig na presensiya ni Xander ang nakasalubong ko. Dumaan lang ulit siya sa harap ko. Iniisip kong siya ang naglinis ng mansyon noong makatulog ako ngunit bakit naman niya iyon gagawin? Alam kong galit siya sa akin kaya nga gusto akong pahirapan. Self, huwag kanang umasa pa. Itigil mo na ang nakakahibang na imahinasyon na nasa isip mo. Palagi mo tandan ang dahilan kung bakit umuwi si Xander. Bigla na naman ako nakaramdam ng sakit, muntik ko na makalimutang kaya nga pala siya umuwi ay para magpakasal. Bakit ko ba iniisip na mahal pa rin niya ako? Limang taon, limang taon na ang lumipas simula noong umalis sila. “Sarah, tawag ka ni Donya Valerina,” ani Manang Pasita noong makita ako. Tinignan ko ulit si Xander na kasalukuyang nakatalikod at pinagmamasdan ang paintings dito sa bahay. Sumunod na ako kay Manang Pasita at napunta kaming garden habang kaslukuyang nagdidilig ng halaman si Donya Valerina. Noong makarating kami, yumuko sa kanya si Manang Pasita bilang paggalang bago umalis. “Paprangkahin kita, Sarah. Alam mo naman na siguro kung bakit kami nandito?” diretsadong tanong niya at ibinaba ang host na hawak bago umuposa garden lounger at marahang ininom ang lemon juice. “O-opo Donya Valerina,” Muli siyang tumayo at pumitas ng rosas. “Pagmasdan mo ang rosas, sa mapang-akit na ganda ay mayroong tinik. Alam kong kaya mong muli paibigin ang aking anak ngunit sa oras na gawin mo iyan, mas lalo mo lang siya masasaktan. Ang rosas ay para lamang sa rosas. Si Xander ay isang diyamante kaya’t nararapat lamang na sa katulad lang din niya ang kaniyang makatuluyan. Sarah, layuan mo na siya dahil ayaw kong masira ang huling habilin ng iyong ina,” Pigil-hininga kong tinanggap ang bawat sinasabi niya. Ang huling hiling ni mama bago mawala ay huwag ako pababayaan. Nangako sina Don Levio na kukupkupin ako sa kanilang mansyon. Si Don Levio ay may malaking nasasakupang grupo. Hindi ko pa lubos na maintindihan ngunit mga armadamong lalaki ang mga kasama niya. Marami ring lalaking nagmamasid dito. Ang tangi ko lamang alam, nabaril si mama na dapat ay si Don Levio ang tatamaan. Masyado pa mura ang aking kaisipang noong mga panahon iyon ngunit ngayon ay unti-unti ko na naiintinidhan. Hindi lamang isang mayamang pamilya kung ituturing ang Mackson kung hindi makapangyarihan din at maging ang batas ay kayang paikutin sa mga kamay. “Umalis ka na,” muli sambit ni Donya Valerina na nagpabalik sa akin ng wisyo. Agad akong yumuko at dali-daling umalis. Nagsimula na rin magbagsakan ang mga luha ko. Limang taon, limang taon ang lumipas simula noong gumuho ang mundo ko noong hindi ko nasabing mahal na mahal ko siya. Walang gabi na hindi ako umiyak dahil sa labis na lungkot at pangungulila. Taon na ang lumipas ngunit sariwa pa rin sa puso ko ang lahat. Dumaretso na ako sa kwarto, ito lang ang tangi kong sandalan. Saksi ang unan at kumot sa bawat paghikbi ko sa gabi. Saksi ang kuwartong ito sa bawat araw ng pagluha ko. Kailangan kong maging matapang. Hindi solusyon ang umiyak na lang dito at tanggapin ang lahat. Tama si Donya Valerina, magpapakasal na si Xander at wala na siyang anumang obligasyon sa akin. Wala na dahilan para balikan pa niya ako. Isa na lamang akong ganap na katulong at tagasunod dito sa bahay. Ako si Sarah Callego, ang babaeng pinagkaitan ng tadhana sa isang pag-ibig na paulit-ulit kong hiniling sa bathala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook