CHAPTER 2

1488 Words
“ANONG mayro’n?” taka kong tanong at hinitak ko na muna sa isang sulok si Rita. Nagkakagulo ang mga katulong sa pagluluto ng iba’t-ibang putahe. Ordinaryong araw lang naman ngayon at walang okasyon pero ang mga niluluto niya ay mga kakaiba talaga. “Hay naku! Palagi kang natutulog sa pansitan!” iritable nitong sagot. Tinignan ko siya ng masama na naging dahilan para lalong umikot ang mata niya. “May bakasyon sila sa Boracay, kasama ang pamilya ng mapapangasawa ni Señor Xander.” Masakit nga pala talaga malaman ang katotohanan kahit gusto pa natin malaman ay kung minsan, sana ay hindi na lang pala. Tatlong araw sila roon, sigurado namang hindi lang tahimik na gabi ang mangyayari sa kanila. Kung anu-ano na naman ang naiisip ko. Ano naman masama roon, magiging mag-asawa na rin naman sila. Sa litrato ko pa lang nakikita ang babae. Maganda siya, malayong-malayo ang itsura sa akin. Ilang saglit lang ay may hindi pamilyar na sasakyan ang dumating at bumaba ang isang anghel. Literal na anghel ko siya ilarawan. Ang balat niya ay kasing kinis ng peras at animo’y mansanas naman ang kulay dahil mamula-mula pa. Walang-wala talaga akong laban sa kanya dahil sa angking ganda nito. Marami alovera yata ang nailagay sa buhok at bagsak na bagsak. Kung ikukumapara sa akin, bukod sa naglalagas na ay kulot pa kaya nahihirapan akong magsuklay. “Where’s Xander?” tanong niya. Hindi pa ako makamove-on sa itsura niya kaya’t hindi ako nakasagot agad. “Where he is, poor girl?” Tumaas ang dugo ko sa sinabi niya. Maganda nga ngunit wala naman palang respeto at moral. Grabe siya makapagsalita. Kahit ganito lang ako, hindi ako kasing gaspang ng pag-uugali niya. Sasagot na sana ako noong biglang bumukas ang pinto. Nilagpasan na ako ng malditang babaeng ito at parang linta na yumakap kay Xander. “Baby, why did you hire an ugly maid?” parang batang nagsusumbong. Ang sarap ingudngod ng nguso niya sa sahig. Masyadong pabebe, akala mo naman mabait talaga. “Just close your eyes, baby. She just wasting your time.” Talagang pinaliyab pa ni Xander ang init ng dugo ko sa ulo. Lumapit ako sa kanila at tinignan ang babaeng iyon mula paa hanggang makarating sa mukha niya. “Be thankful. Hindi ka mapapansing maganda kung wala ang mga katulad kong pangit,” mataray ko angal sa kanya bago ito talikuran. Late ko na naisip mga nasabi ko at napailing na lamang ako habang tumatawa. Narinig din pala nila Rita ang sinasabi ko kaya hindi nakapagpigil ng tawa, sila tuloy ang napagbuntungan ng galit. Pumunta na lamang akong kuwarto para mag-ayos ng mga damit. Wala ako sa mood na makipagplastikan sa kanila. Marami na rin naman katulong ang naghahanda, hindi na ako sasama pa. Habang abala ako sa pagtitiklop, pumasok si Ryle, ang pinsan ni Rita. “Bakit hindi ka pa nakagayak? Hinihintay ka na nila sa baba,” Natigilan ako sa sinabi niya. Isasama nila ako? Kalokohan! Hinitak ako ni Ryle ngunit ayaw ko talagang sumama roon. Kahit isang linggo akong parusahan ni Don Levio ay wala na akong pake, buo ang desisyon kong hindi sasama. Pumasok si Rita na may malaking guhit ng ngiti sa mga labi. “Syempre, hindi ka puwedeng magpahuli roon. Baunin mo ‘to!” Binigay niya sa akin ang isang bag. Pagkabukas ko ay puro mga swimsuit. Masyado rin siya supportive pero hinding-hindi ko ibebenta ang kaluluwa ko roon. Noong hindi nila ako mapilit. Lumabas na rin sila. Ilang saglit lang, bumukas ulit ang pinto. “Rita, ayaw ko talaga sumama. Pakisabing parusahan na lang nila ako kaysa pilitin,” pursigido kong sabi ng hindi tinitignan ang pumasok. “Bakit ba ayaw mong sumama?” Natigilan ako sa boses na iyon. Hindi si Rita o si Ryle ang pumasok kung hindi si Xander. Tinignan ko siya at lalong nanlaki ang mga mata ko noong makitang hawak niya ang mga swimsuit na dala ni Rita. “Ang sabi nila ay ayaw mo raw pero mukhang ikaw ang pinakahanda sa lahat,” Sinamaan ko siya ng tingin at pilit inaagaw iyon. “Ibigay mo nga sa akin ‘yan. Si Rita ang nagmamay-ari riyan at hindi ako,” mataray kong sagot. Binitawan naman niya at inabot sa akin. “Dapat lang. Hindi pwedeng magsuot ka ng ganiyan lalo na kung hindi ako ang kasama mo,” Jusko.. parang lalamunin na ako ng lupa sa pamatay niyang tingin. “Mag-ayos ka na ng gamit. Within 10 mins, aalis na tayo,” wika pa niya bago ako iwanang nakatulala. Hindi ko rin talaga siya maintindihan. Parang kanina lang ay grabe kung kampihan niya yung Davina, iyon yata yung pangalan ng malditang babae na iyon. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang mag-ayos ng mga gamit at sumama sa kanila. Pagkababa ko ay nandito na nga talaga sila at masamang tingin ng maldita ang sumalubong sa akin. Tinignan ko ang paligid, ako lang ang tanging katulong ang isasama nila? Hindi ko na natanong pa sina Rita dahil dumating na ang sasakyan sa harap ng pinto. Isa-isa na silang nagsisakayan. Si Donya Valerina at Don Levio ay sa Ferrari. Ang maldita naman ay sumakay na rin sa kaninang sinakyan niya. Ako na lamang ang natirang nakatayo. Sa dami ng sasakyan, hindi ko alam kung kanino sasabay. Bumusina si Xander at iritableng binuksan ang bintana. “Come in!” Kahit naguguluhan, sumakay na ako sa Bugatti car niya. Alam ko naman mahal ang sasakyang ito pero sa sobrang dami nilang pera, kaya pa niya bumili ng ilang sasakyan tulad ni Don Levio ngunit hindi. Ang Bugatti Car na ito ay nag-iisa niyang ginagamit at pinangalanan pang Xy na kung babasahin ay “Say” sa tagalog. Malayo ang naging byahe. Biglaan lang din ang pagkuha ng ticket sa eroplano ngunit walang anumang naging problema dahil kilala ang pamilya Mackson. Ito ang kauna-unahan kong sakay dito. Para tuloy akong bata, pinagmamasdan ang mga ulap. Sobra kong pinangarap na makasakay dito at ngayon ay natupad na. Dati, akala ko ito na ang langit na tinatawag nila ngunit hindi pa pala. Masyado malawak ang mundo at maging ang eroplano ay hindi kayang lumipad hanggang sa mismong kalangitan. Ang mag-asawang Mackson ang magkatabi samantalang si Xander naman at Davina ang nasa kabila. Wala akong makatabi, itinaas ko na lamang ang tuhod ko at doon dumukmok para yakapin. Kahit na masaya ako, sobra pa rin ang takot kong nararamdaman. Madalas kong mapanood sa mga movies na may bumabagsak o kaya naman ay sumasabog na eroplano kaya hindi mawala ang pangamba sa puso ko. Ilang saglit pa, may lumapit na stewardess upang mag-alok ng makakain o maiinom. Agad akong humingi ng tubig, baka sakaling magpakalma sa akin. Umalis ang stewardess at maya-maya ay bumalik na may dalang tray. May isang bottle ng water at gamot. “Inumin mo po iyan Ma’am para mawala ang hilo ninyo,” magalang nitong tugon bago umalis. Sinunod ko na ang sinabi niya at mukhang nabawasan nga ang hilo ko. ilang minuto lang lumipas, muli siyang lumapit at may dala namang langis. Kailan pa nagkaroon ng ganito rito? Nagpapasalamat na rin ako, siguro ay ganito talaga sila sa mga pasahero. Halos 2 hours din ang itinagal mula Maynila hanggang makarating sa hotel. Pagkarating pa lamang namin, may isang lalaki na sa itsura nito ay madilim ang mukhang lumapit sa amin. Niyakap niya si Davina, doon ko napagtantong magkapatid sila. Napatingin siya sa direksyon ko kaya agad naman akong napaiwas ng tingin. “Hi,” bati niya sa akin. Napatingin naman sina Don Levio kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang batiin din siya ng pabalik. Napasinghal na lamang ako noong hawakan niya ako sa likod. “I’m Zandro, Davina’s brother,” pakilala niya sa sarili bago ako bitawan. May kakaibang tensyon akong naramdaman sa haplos niya. Puno ng takot at pinapangarap kong hindi na kami magkita pa. “By the way, malayo naging byahe niyo. Kinuha ko na kayo ng kuwarto,” dagdag niya at ibinigay na ang Door number sa kanila. Hinihintay ko yung akin ngunit wala man lang siyang inabot at tumalikod na. “Ah.. L-Zandro, wala na bang extra room pa?” nahihiya kong tanong na nagpatigil naman sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. “Oh yeah. I forgot. Mag-stay ka na lang sa kuwarto ko,” alok niya na agad nagpalaki sa mga mata ko. “No. malaking istorbo na sa’yo. Ikukuha ko na lang siya ng private room,” biglang singit ni Xander. Mukhang lalaong lumapad ang pagngisi ni Zandro sa inasal ni Xander. “You looks so protective huh? Don’t worry, mas masaya akong may kasama. Let’s go Sarah,” aya niya sa akin at hinawakan pa ako sa kamay. Wala na rin akong nagawa pa. tinignan ko si Xander at nakikiusap akong iligtas gamit ang mga mata ngunit wala siyang ginawa. Hinayaan niya akong pumasok sa kuwarto kasama ang Zandro na ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD