XANDER POV NILIBOT ko ang aking paningin sa bahay ngunit wala si Sarah. “Nasaan siya?” tanong ko kay Rita na agad umiwas ng tingin. Simula noong maiuwi ako, hindi ko siya nakikita. Ang mga kasambahay ay umiiwas ng tingin sa tuwing nakakaramdam na mayroon akong hinahanap. “W-wala na po si Sarah,” Natigilan ako sa sinagot niya. Mula sa likod, may yapak akong naririnig. “Huwag mo na siyang hanapin. Siya ang kusang umalis.” boses mula kay Donya Valerina. “Hindi! Rita ikutin mo ang buong bahay. Huwag ka babalik sa harap ko hanggat niya mo siya naihaharap sa akin!” Sigaw ko. “Will you please stop! Baldado ka pero hindi bulag, Xander. Umalis siya dahil may ibang lalaki na siyang kinakasama!” dagdag nito. Kahit nahihirapan, pinilit kong tumayo ngunit tuloy-tuloy lang ako sa pagbagsak ng sa

