DISI-OTSO pa lamang ako noong mapunta sa pamilya Mackson. Sila ang kumupkop sa akin noong mawala si nanay. Sa paninilbihan ko sa kanila, naging malapit sa akin si Xander na mas matanda sa akin ng isang taon. Dulot ng kabataan, nagpadalos din kami sa init ng katawan at iyon ang unang beses akong nagkaroon ng dahilan para habulin siya. Nalaman nina Donya Valerina ang tungkol dito at tama sila, ikakahiya ako ni mama kung buhay man siya dahil sa mga ginagawa ko. Hindi naging madali ang lahat, dahil magmula noong kumalat ang balita sa pagitan naming dalawa ay nagdesisyon akong lumayo. Pilit kong iniiwasan ang kanyang tingin at pag-iiba ng direksyon na malayo sa kanya. Simula rin nang araw na iyon, nalaman ko ang sikreto ng pamilya nila. Ang Mackson ay pinakamataas na may hawak ng pangkat sa

