Chapter 44 NAPOLEON… MALAS bang maituturing na makitang nakatali ngayon ang mga kasamahan ko. Napailing ako habang nakatitig sa kanila, lalo na sa mga team oldies na nagsisisihan pa talaga habang nakatali na nga sila at hindi alam kung ano na ang mangyayari sa kanila. Then I saw my mother, nakatali rin siya at tahimik sa tabi ni Lolo Mar. nakatingin siya sa akin, hindi niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin hanggang sa makaupo na ako sa isang upuan at itinali na naman ang mga kamay ko. “Itali ninyong maigi, pati paa itali niyo na rin. Masyadong malakas ang isang ito, baka maisahan na naman tayo,” ani ng lalaking may pinakamalaking katawan sa mga tauhan ni Minard. “How the hell did your son afford this goons?” narinig kong tanong ni Lolo Dos sa Nanay ko. “He has Henry’s wealth,” s

