Chapter 43 NAPOLEON… MALAMIG na tubig ang gumising sa akin. Ang sakit sa batok ko ang unang ininda ko bakod sa malamig na tubig na tumama sa katawan ko. Nanlalabo ang paningin ko nang imulat ko ang mga mata ko. Medyo hindi ko pa nga naalala kung nasaan ako ngayon. Hindi ko maalala kung bakit ako nandito at nasaang lugar ba ako. “Napoleon,” tawag sa akin ni Carmella? Nanlaki bigla ang mga mata ko, naalala ko na kung nasaan ako at anong ginagawa ko rito ng marinig ko ang boses ng asawa ko. Agad akong napalinga sa paligid ko para hanapin si Carmella. And I really saw her, nakatali siya sa bangkuan kung saan siya nakaupo. “Carmella,” tawag ko sa kanya. Nakatingin siya sa Akin habang umiiyak siya. Gusto ko sana siyang puntahan pero hindi ko nagawa dahil tulad niya nakatali rin pal

