Umugong ang mababang bulungan sa paligid ni Ruthie, pero wala siyang panahong lingunin kung ano o sino ang pinag-uusapan ng mga tao. Nasa harapan siya ng cashier at binabayaran ang hospital bill nila, habang karga-karga sa kaliwang bisig niya si Artemis. Mabigat na ito, pero wala siyang pakialam. She just felt so bad that her daughter got hurt, while she was out doing lewd things with Luther. Gusto niyang sisihin ang sarili niya na hindi niya nabantayan ang mga bata, at nagpakasarap lang siya sa piling ng lalaki. “You can put me down, Mom, I’m not a baby anymore,” anang bata. “And I’m heavy.” Umingos siya. Alam naman niyang malalaki na ang mga anak niya. “Princesita pa rin kita.” Pinisil niya ang mamula-mulang pisngi ng bata, bago muling ibinalik sa cashier ang tingin. “Sandali lang, M

