“Do you really love our Mom?” Napaawang ang mga labi ni Luther habang kaharap ang tatlo niyang anak. Sa pagtitig palang sa mukha ng tatlo ay nag-uumapaw na sa emosyon ang puso niya, kaya ang kausapin siya ng mga ito ay tila malaking kamay na dumadaklot sa kanyang dibdib. The three children were all beautiful. He couldn’t even find another word to best describe them but beautiful. Beautiful in the deepest and truest meaning of the word. More than what the eyes could see. Malinaw niyang nakikita sa mga mata ng tatlo ang karunungan at kahinugan ng utak. Tama nga si Ruthie, matatalino ang mga anak nila. Gumuhit ang maaliwalas na ngiti sa mga labi niya. “Yes, I love her. I love her so much that I lived and breathed for the past ten years without a heart, because she took it with her when she

