“Where are you taking us, Mr. Altieri?” magalang na tanong ni Artie sa kanya. Napangiti siya at napasulyap sa rearview mirror. “Daddy. Call me Daddy, little Miss.” “Oh, sorry. Where are you taking us, Daddy?” Artemis was really adorable. Nakaupo ito sa gitna ng mga kapatid nitong sina Apollo at Ares. Tahimik lang ang dalawang lalaking bata, subalit alam niyang hinihintay din ng mga ito kung ano ang isasagot niya. “It’s a surprise.” Binuksan ni Apollo ang dala nitong laptop. Iginiit talaga nito at ni Ares na dalhin iyon. Kaya pumayag na sila ni Ruthanya. “Apollo, I didn’t make any reservation or advance payment online. You won’t find anything there.” Alam na niya agad kung ano ang balak nitong gawin. Nalukot ang ilong ng bata. Nagtaka naman si Ruthanya. “Ha? Makikita ba niya kung ma

