“Babalik ba kami ng Casa Ballete ngayon, Dad?” tanong ni Ares. Sa Casa Ballete kasi nila sinundo ang triplets kaninang hapon dahil na-miss ang mga ito ni Mrs. Lambert at tumawag ito kay Ruthie para humingi ng permiso na makasama ang mga bata. Pumayag naman si Ruthie. Totoong abuela naman ng triplets ang ginang, hindi pa nga lang nito alam ang tungkol sa bagay na iyon. “Sa bahay sa talampas tayong lahat uuwi ngayon.” Dapat ay overnight sila sa resort, kaso ay may mahalagang meeting si Ruthie kinabukasan bandang alas otso ng umaga, kaya nagpasya silang umuwi na lang. Sumulyap siya sa rearview mirror. Si Ares na lang ang gising at may nilalaro sa cellphone nito. Sina Apollo at Artemis ay nakatulog na. Si Artemis ay nakahilig sa balikat ni Ares. Okay lang naman iyon kay Ares at pinoprotektah

