CHAPTER 61

1921 Words

Hindi pa gaanong nakakalayo si Ruthie mula sa opisina ng CEO ay muli nang bumukas ang pinto niyon at iniluwa ang maawtoridad na anyo ni Luther. Napalingon siya rito at napakunot-noo. Hinayon niya ito ng tingin para sana ay tanungin kung bakit ito lumabas ng opisina, subalit natuon ang mga titig niya sa magandang hugis ng katawan ni Luther. Ngayon niya lang napansin na ang sarap pala nitong tignan sa suot nitong puting polo shirt. Humahakab ang malapad nitong dibdib sa tela ng damit. “How do I look, honey?” nanunuksong tanong nito sa kanya. “Gusto mo na bang ituloy ang ginagawa natin kanina sa loob ng opisina ko?” Ipinilig niya ang ulo. “Tigilan mo iyan,” saway niya rito. “Show me your neck.” Bago pa man siya makatugon ay hinawi na nito ang buhok niya at napangiti nang masilip ang pulan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD