CHAPTER 51

1899 Words

Napatingin si Ruthie sa malungkot na mukha ni Mrs. Lambert. Naalala niya ang naging pag-uusap nila sa restaurant pagkatapos siya nitong tawagan para sabihin sa kanyang nasa Santa Catalina ang mga bata. Sinabi rin nitong kasama nito si Frank. “Mrs. Lambert, puwede ba tayong mag-usap?” Sinulyapan niya ang mga bata at si Frank. “Nang tayong dalawa lang sana.” Napakunot-noo ang babae, pero tumango naman ito at sabay silang lumabas ng restaurant. Nagpaiwan lang sa loob sina Apollo, Ares, at Artemis na hindi pa naman tapos kumain. Binabantayan ang mga ito ni Frank. Tumikhim siya at humugot ng malalim na paghinga. Ayaw sana niyang sa kanya manggaling ang sasabihin niya ngayon kay Mrs. Lambert, pero kung hindi siya ang magsasabi rito ay sino pa? Alam naman niyang kahit na baligtarin pa ang mund

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD