“Sino ba talaga siya sa buhay ni Sir Luther?” Iyon ang tanong na nagpauntal sa sana’y pagpasok ni Ruthie sa loob ng opisina ng Sales. Hindi niya alam kung bakit napaatras siya at napakubli sa pader sa gilid ng pinto. “Baka girlfriend ni Sir?” “Galing kayo sa ibang bayan, hindi ba? Kaya hindi n’yo alam na may asawa na si Sir Luther. Ibig sabihin ay imposibleng maging nobya niya pa ang Team Leader natin.” “Maliban na lang kung…” Ibinitin ng isa ang sasabihin sana nito. Pero kaagad din iyong dinugtungan ng iba na nagsabay pa sa pagsambit ng, “Kung kerida siya ng CEO natin.” Nakikinig lang si Ruthie, subalit mahigpit na palang nakakuyom ang mga kamay niya. Sino ang mga ito para isiping ganoon ang papel niya sa buhay ni Luther? Tama talaga ang desisyon niyang huwag na munang ipaalam ang t

