Kabanata 12

1200 Words
Nangangalahati na sila sa pagkain nang makapag-relax ang pakiramdam ni Menerva. Halos hindi niya malasahan ang kanyang kinakain dahil sa tensyon sa muli nilang pagkikita ni Maynard Flores ang dating minahal niya ng sobra. Humanga din siya sa kilos ni Maynard nang makita siya nito sa tabi ni Lawrence Flores. Maingat na ngumiti si Maynard at nagdaop-palad sila. "Ah, oo,Miss Reyes. Nagtrabaho ka kay Diaz, hindi ba?" anito na ang tinutukoy ay ang isang department head nila. Inisip ni Menerva kung anong mangyayari kung hindi niya sinakyan ang sinabi ni Menerva, Kung sinabi niyang, "hindi ako iyong naging nobya mo, kung natatandaan mo. Sabi mo na magpapakasal tayo pagkatapos ng usapan sa Mondragon deal." Magiging hit record sana ito sa buong palengke. 'Oo, nagtrabaho ako kay Mr. Diaz. It's good to see you again, Mr. Gavina." Ang pagkakadiin niya sa huling kataga ay naging sanhi ng pagtingin sa kanya ni Lawrence. Matalas masyado ang pakiramdam ng lalaki. Tumingin din ito kay Maynard na tila bahagyang nataranta ngunit madaling naka-recover. Alam niyang wala namang balak marahil si Menerva na ipagkanulo siya sa harap ng bagong employer nito. "Huwag kang masyadong maging pormal," anang lalaki kay Menerva. "Magkakaibigan tayong lahat ngayong gabi. Ako si Maynard sa labas ng opisina, remember?" "Natatandaan ko," ani Menerva remember? Paano niya makakalimutan? Inaasahan niyang magiging Mrs. Menerva Reyes Gavina minsan. Ngayon, ang slim at mestisahing babae na katabi nito ang ipinakilala niyang misis niya. Si Gracia Mondragon Gavina. Matabang na tumingin ito kay Menerva nang ipakilala sila sa isa't isa. Obvious na walang interes sa ordinaryong sekretarya lamang. Ngunit Gracia looked adoringly at Lawrence Flores. Maaaring kakakasal pa lamang nito kay Maynard ngunit hindi ito dahilan para hindi ito humanga sa isang higit na makisig at seksing lalaki. Hindi mapigil ni Menerva na mag isip habang tinitignan si Maynard na kasama si Gracia parang may kirot parin sa puso ni Menerva parang nag flaflash back parin lahat ng promises ni Maynard sa kanya noon. Isang oras na din ang nakakalipas at marami naring nag ka sunduan si Don Ferdinand Mondragon at si Lawrence tungkol sa project na gusto nilang ipatayo. Madaling napa oo ni Lawrence si Mr.Mondragon dahil magaling si Lawrence pag dating sa mga ganyang bagay ang professional niyang tignan dahil ang galing niya sa pag sasalita ng english.Aakalain mo naman na magaling talaga ito dahil tignan mo nalang ang company niya napakalaki at napaka successful kaya walang hihindi sa kanya. Kay Lawrence parin ang tingin ni Gracia na parang nakakakita ng isang angel hindi niya maalis ang tingin niya habang si Maynard ay nahuli kong naka tingin saakin at bigla niyang binawi ang mga tingin niya. Pag karaan ng mahigit isang oras ay natapos nadin ang pag uusap nila Lawrence at ang pamilyang Mondragon. Naging successful ang kasunduan nila dahil talagang magaling maki socialize si Lawrence sabi ng mga empleyado niya at hindi ko naman itatanggi iyon dahil ako mismo ang naka saksi na talagang magaling siya. Steady lang akong naka upo habang nakikinig sa mga usapan ng bigla akong ipakilala ni Lawrence sa pamilyang Mondragon. "Mr.Mondragon this is Ms.Menerva Reyes my personal assistant "ani ni Lawrence "Oh pinalitan mo na pala si Mr.Lucas bilang iyong personal assistant Mr.Flores ,ang napaka husay mong assistant" Parang minamaliit ako ng isang Mondragon na ito ,well hindi mo alam ata na ako ang dating secretary ng asawa ng anak mo ,ako ang kasama niya sa lahat ng project niya kung wala ako ,baka hindi ganyan ang magiging takbo ng company ng Gavina. "Yes actually ikakasal na siya kaya binitawan niya ang trabaho niya but hindi naman ako nag kamali na si Ms.Reyes ang i hire ko ,napaka sipag niya at nagagampanan niya ang lahat ng trabaho niya." Nakita ko naman na umiwas ng tingin si Maynard at parang masama ang tingin niya kay Lawrence. "Oh see good to you Mr.Flores,well thank you for this day and dahil naging successful ang kasunduan ,good luck saatin " "Walang anuman Mr.Mondragon". Natapos na ang usapan nila at nag paalam na sila ng nahuli ko muling nakatingin saakin si Maynard . Hindi ko makita ang tunay na reaction ng mukha niya na parang galit at may pighati. Pwes alam ko naman na hindi yun malulungkot dahil sino naman ako sa buhay niya bilang isang dati lang naman niyang secretary. "Thank you so much for this night Menerva kong hindi dahil sayo hindi rin magiging successful ang makikipagnegosyo sa mga Mondragon"then suddenly he hugs me. "No worries sir ,trabaho ko ito so kailangan kong gampanan para naman hindi masayang ang pinapasweldo mo saakin" "You deserve naman kaya halika mamasyal tayo hindi pa naman gaanong ka gabi then ihahatid nalang kita sa condo mo" Pumayag na ako dahil minsan minsan lang ako mailabas at deserve ko din dahil noon hindi ko naranasan dahil puro ako trabaho ng trabaho kay Maynard at hindi man lang niya makita ang efforts ko ni wala na akong time sa sarili ko. Dinala ako ni Lawrence sa isang mukhang mamahaling bar ,pag pasok namin sinalubong siya ng mga guard at staff dito ,talaga naman kilalang kilala siya kahit saan siya mag punta. Tinuro nila ang isang room for VIP daw ,ng papasok na kami ng biglang nahagip ng mata ko si Maynard na nakaupo sa may gilid at mag isang umiinom ng biglang may naka buhos ng alak sa damit niya.Isang lalaking lasing at matikas ang katawan na medyo mas matanda sa kanya. "What is your problem,bakit di mo tinitignan ang dinadaan mo alam mong may tao diba"sigaw ni Maynard sa lalaki. "Ang yabang mo naman sino kaba ,akin na pupunasan ko nalang"kinuha yung panyo sa bulsa niya. Tinapig ni Maynard ang kamay na pupunas sana sa basang damit niya at biglang sinutok ang lalaki. Napa higa ang lalaking sinuntok niya at basag ang mukha at nag dudugo. "Walang hiya ka ang lakas naman ng apog mo ,ako na nga yung nag punas sa damit mo ,huy ikaw bata hindi mo ata alam ang binabangga mo" "Mas hindi mo alam ang binabangga mo alam mo magkano ang damit na ito ,baka hindi mo ito mabili kahit na mag trabaho ka ng isang taon" "Napaka yabang mo naman "sabay suntok pabalik kay Maynard. Tuloy tuloy ang pagsusuntukan at tila walang umaawat sa kanila , pupunta na sana ako para umawat ng pigilan ako ni Lawrence. "Stay back ako ng bahala baka kung anong pwedeng mag yari sayo"tumango nalang ako at agad siyang pumunta. "Tumigil na nga kayo para kayong bata na walang pinag aralan at pwede naman pag usapan " "At sino ka naman napaka yabang mong mag salita"sumbat ni Maynard kay Lawrence na umawat sa kanila. "Sir Lawrence ikaw pala yan pasensya po"sabi ng lalaking naka away ni Maynard at umalis na siya palabas ng bar. Tumingin si Maynard kay Lawrence at tila tinitignan ang mukha at tinapig ang kamay na nakahawak sa braso ni Maynard at umalis na ito. Nakita kong tumingin siya sa gawi ko at ang sakit ng tingin saakin. Sa wakas tapos narin ang alitan nila at salamat kay Lawrence dahil naawat nila ito. Hinila na ako ni Lawrence papunta sa loob ng VIP room.Sumama na nga ako at pumunta na rin sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD