Kabanata 11

1276 Words
"Well, mukhang ayos na ayos ang pose mo kagabi," pumasok si Cristal sa kuwarto ni Menerva. May dala itong tasa ng tsaa sa isang kamay at ang pahayagan sa kabila. "Inumin mo muna ang iyong tsaa. Kailangan mo ng pampatatag ng nerves." "May larawan ba? Anong itsura? Kasingsama ba ng iniisip ko?" sunud-sunod na tanong ni Menerva at sinunggaban niya ang pahayagan. Hindi niya pinansin ang tsaa. "Iyan," ani Cristal at binuksan niya ang diyaryo sa tamang pahina, "ay nasa sarili mo nang opinyon. Pero kamukha mo ang babae sa larawan at si Lawrence Flores ay ang dati pa rin niyang makisig na anyo. At sa tingin ko sa mukha mo sa larawan, hindi mo maaaring sabihin na nasusuklam ka sa kanya tulad ng sinasabi mo." "Patingin ... patingin!" Hinablot na niya ang pahayagan at tiningnan ang kanyang larawan. Que horror! Sampung beses itong malalakas sa iniimagine niya. Siya ba iyong nakatanghod kay Lawrence na tila na-hypnotized at nakalambitin dito habang nagsasayaw sila? "Naku, Cristal, ang askad naman nito!" "Nabasa mo na ba ang caption sa ilalim?" Dali-dali niyang binasa ang nakasulat sa ilalim ng larawan. "Misteryosang date para kay Lawrence Flores," anang heading. Sinasabi doon na napalitan na bilang Numero Uno si Lilet Imperial sa harem. Inihagis ni Menerva ang dyaryo. "Anong gagawin ko, Cristal? Paano ako haharap sa kanya pagkatapos ng lahat nang ito?" "Magiging mahirap nga," ani Cristal. "Pero mawawala din iyan pagkalipas ng ilang araw. Sanay na siya marahil sa ganyang mga pangyayari." "Hindi sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa isang kawani niya sa kumpanya, " ani Menerva. "Maliwanag na sinabi niya sa akin ito." "Kung gayon ay hindi ka niya dapat na dinala sa isang expensive na restaurant," ani Cristal. "Anyway, kung hindi ka magmamadaling pumasok sa trabaho, baka sunduin ka noon dito at kaladkarin ka patungo sa opisina ninyo." Dali daling naligo at nag bihis si Menerva dahil maaga pa at inaakala niyang marahil kakaunti pa ang tao sa opisina.Dali na itong nag paalam kay Cristal at nag tungo na ito sa opisina. Naramdaman ni Menerva ang hindi pangkaraniwang pagtitig sa kanya ng mga kasamahan sa kumpanya nang pumasok siya. Pati ang security guard ay tumitig sa kanya nang matagal. Lihim niyang naisumpa si Lawrence Flores sa pagkakalagay niya sa ganoong sitwasyon. Kalabisan marahil na umasa si Menerva na hihinging dispensa si Lawrence sa mga nangyari. Binati siya nito ng kaswal na good morning. "Bakit parang namatayan ka?" biro ng lalaki. "Kaya mong daanin ang lahat sa biro dahil hindi ikaw ang pinag-uusapan," asik ni Menerva. "Kahit hindi nangyari iyon ay pag-uusapan ka din nila," ani Lawrence. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ba't pinaratangan mo akong may ulterior motive sa pagyaya ko sa iyong kumain tayo sa labas? Well, mayroon nga ngunit hindi tulad ng iniisip mo." Tumayo si Lawrence at tumanaw sa labas ng bintana. "Nakita ko ang husay mo sa iyong trabaho kaya nagpasya akong ipromote ka at itaas ang sahod mo. Gagawin sana kitang pesonal assistant. Hindi ka na magmamakinilya. Ikukuha kita ng sarili mong sekretarya." So may hinaharap pala siya sa kumpanyang ito. "Iyon sana ang sorpresa ko sa iyo kagabi. Ang sinasabi mong ulterior motive. Inaalok ko pa rin ang puwestong iyon kahit na hindi maganda ang opinyon mo sa akin." "I see." Napamaang si Menerva. "Maraming salamat." Nang mga sandaling iyon ay nag-ring ang telepono. Hindi ito sinasagot ni Lawrence kaya dinampot ni Menerva at sinagot niya ito. "Si Lilet," anito at inilahad ang receiver sa lalaki. "Sabi niya hindi ka niya ma-contact sa bahay mo." "Sabihin mo sa kanyang wala ako," singhal ni Lawrence at wala itong pakialam kung marinig ang boses niya sa kabilang dulo ng kawad. "Ayaw ko siyang pagkaabalahan." Sinabi ni Menerva ang mensahe ngunit naging makulit si Lilet dahil obvious na narinig nito ang sinabi ni Lawrence. Inagaw ni Lawrence ang receiver. "Lilet, busy ako at wala akong panahon para sa iyo," singhal niya dito. Ngunit obvious na nangungulit pa rin si Lilet at halatang nanunumbat ito dahil sa nakita niya sa pahayagan. Minu-minuto ay dumidilim ang anyo ng mukha ni Lawrence. "Kung sino man ang dalhin ko sa kama ko ay wala kang pakialam. Tandaan mo iyan." Ibinagsak nito ang receiver ng telepono sa cradle. Pinagbalingan nito si Menerva na tila hindi namagitan ang usapang iyon. "Well? Tinatanggap mo ba ang posisyon?" Ngumiti si Menerva dahil nasiyahan siya sa ginawa ng lalaki kay Lilet. "Of course. Baliw ako kapag hindi ko tinanggap." "Maraming magsasabing baliw ka nga dahil mahirap akong makatuwang sa trabaho, inaamin ko ito." "Hindi problema iyan." "Sasabihin ng iba na nakuha mo ang puwesto dahil sa serbisyong ibinigay mo sa akin sa kama, pagkatapos ng larawang iyon." Nagkibit-balikat si Menerva. "Kung babansagan nila akong mistress mo, dapat sigurong enjoyin ko na lamang ang mga pakinabang." "May mga babaeng higit na gusto ang aking kayamanan at sa galing ko sa ibang mga bagay." "Alam ko. Napatunayan mo iyon kagabi." "Nadisgustado ka?" "Hindi naman." Hinawakan niya ang baba ni Menerva para tumingin sa kanya ang dalaga. Dahandahan niyang pinag-aralan ang anyo ng babae na tila noon lamang niya ito nakita. Hinagod niya ng tingin ang tip-tilted nose nito, ang high cheekbones, ang nangungusap na mga mata at ang katakam-takam na mga labi nito. Nangatog si Menerva habang nakatayo siya doon, walang pagtutol sa mga haplos ng daliri ni Lawrence, malakas ang kabog ng dibdib niya at nangamba siyang baka marinig ito ng lalaki. "Ginulat mo ako kagabi," ani Lawrence. "Talagang iba ka sa lahat lumalaban ka." "Mabuti naman at ganyan ang naisip mo," ani Menerva. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mga labi ni Lawrence sa kanya. "Sasaliksikin ko ang lalim ng iyong damdamin later," anang lalaki. "Pero sa ngayon ay marami tayong trabahong gagawin." Naupo na behind his desk si Lawrence. "Ang una mong gagawin bilang personal assistant ko ay ang istimahin ang isang small dinner party na ibibigay ko sa isang mahalagang kliyente. Mahirap pakibagayan ito pero puwedeng kausapin. Sa palagay mo kaya ay kaya mo?" "Susubukan ko." "Wala kang gagawin kundi ang makipagusap kay Don Ferdinand Mondragon." "Don Ferdinand Mondragon?" "Oo. Kasama niya ang asawa niya, ang anak niyang babae at ang asawa nitong si Maynard Gavina. Kilala mo siya of course dahil nagtrabaho ka noon sa Gavina Construction, hindi ba?" Parang natulala si Menerva. Magkikita pala muli ni Maynard at kailangang kumilos siyang walang namagitan sa kanilang dalawa. Inulit ni Lawrence ang tanong. "Oo, kilala Maynard Gavina," ani Menerva at inisip niya kung kaya ang magiging reaksyon ni Lawrence kung sasabihin niyang kamuntik na siyang napakasal dito. "Hindi ba maaaring si Lilet na lamang ang mag-organize ng dinner party mo?" nagpa-panic na tanong ng dalaga. "Bakit, hindi mo ba kaya? O may ibang dahilan?" Matiim siyang tinitigan ni Lawrence. "May isang linggo para makapaghanda ka." Naging mapilit si Lawrence na bigyan siya ng pera para ibili ng magarang bestida para sa okasyon. Sa bahay ni Lawrence gagawin ang dinner party kaya maaga pa lamang ay naroon na sila ni Menerva. Dala ng babae ang mga kagamitan niya at doon na ito nag-shower at nagbihis. May mga caterers na aasikaso sa pagkain. Napakaganda ni Menerva nang nakabihis na siya. Habang tinitingnan niya ang kanyang sarili sa salamin,nasabi niya sa sarili na maaaring hindi siya kasing-sophisticated at kasing-ganda ni Lilet Imperial, ngunit ang sariling brand ng beauty niya ay kakaiba. Pagkatapos nilang magbihis ay ipinakita sa kanya ni Lawrence ang buong bahay nito. "Bakit ka nga pala nagbitiw sa trabaho mo sa Gavina Construction?" tanong ni Lawrence. Hindi na nagawang sagutin ni Menerva ang katanungan dahil dumating na ang kanilang mga panauhin. Wala nang panahon para mag -isip pa o mag alala about anything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD