Kabanata 10

1051 Words
"Ano kayang iisipin ng mga gossip columnists ngayong nakita kang kasama ang isang babaeng hindi nila akalaing papatol sa iyo dahil empleyada mo siya?" Sinadya ni Menerva na galitin ang lalaki. Ngunit hindi nag-react ito tulad ng inaasahan niya. Hindi nag-aksaya ng panahon si Lawrence para makipagtalo. Sinunggaban nito ang kamay niya, hinaltak siya at ipinagtulakan sa loob ng kotse. Nakasakay na ito bago maisip ni Menerva kung nasaan ang bukasan ng sasakyan. Ngayon ay imposible na ang tumakas. Alam niyang wala siyang magagawa sa lakas ng lalaki , napatunayan na niya ito nang maraming beses. "Saan tayo?" Ibinigay niya ang kanyang address. He drove off, at ang paraan ng pagmamaneho ni Lawrence ay nagpapahiwatig kung gaano kainit ang ulo nito. Sa isang lugar ay ipinarada nito ang kotse sa tabi ng daan sa lilim ng isang puno. Switching off the ignition, he turned to her. "Ngayong medyo cool ka na, puwede bang ipaliwanag mo ang dramang ginawa mo sa restaurant?" "Walang dapat ipaliwanag. Sa palagay ko ay napakawalang-puso mo, Lawrence Flores." "Obvious na ganyan ang tingin mo sa akin ngunit nagawa mong itago ito kanina. Ano't bigla ka yatang nagbago?" "Akala ko wala kang ulterior motive sa pagyaya sa aking kumain sa labas." "Talagang mayroon nga ngunit hindi ko akalaing nahalata mo." "Hindi ako stupid. Sa akala mo ba ay naniniwala akong nagkataong naroon lamang ang photographer na iyon?" "Photographer? Menerva, ano bang pinagsasasabi mo?" "Iyong photographer na i-plinanted mo doon para kunan tayo ng larawan. Ang playboy milyonaryong si Lawrence Flores na kasama ang kanyang latest conquest. Akala mo ba ay ganoon kadaling ma-discouraged si Lilet o pinagseselos mo lamang siya?" "Akala mo isinet-up ko ang lahat?" "Hindi ba?" Aware si Menerva sa poot na nasa tinig ni Lawrence pero wala na siyang pakialam sa mga consequences. "Hindi. Although hindi ko alam kung bakit nag-aaksaya ako ng panahon para hindi aminin ito.My God, napakababa na pala ng palagay mo sa akin kung iniisip mong gagawa ako ng ganoon kababang uri ng panlilinlang." "At inisip mo marahil na napakatanga ko para hindi makahalata," asik ni Menerva. "Nagtaka din ako kung bakit naging masigasig ka sa pag-anyaya sa aking mag-dinner. Nang makita ko iyong photographer, alam ko na kung bakit." "Hindi mo man lamang ba naisip na baka mayroong ibang dahilan kaya niyaya kita?" tanong ni Lawrence. "Mayroon nga kaya?" "Napakababa ng tingin mo sa morals ko. Marahil ay dinala na kita sa condo ko kung hindi maganda ang balak ko sa iyo." Ang sinabi ni Lawrence ay tila sampal kay Menerva at nakadama siya ng alinlangan. Baka nga naman nagkamali siya. "I'm sorry, baka naman mali ang pagkakahusga ko sa iyo. Kasi naman ... " "Humihingi ka ba ng dispensa, Menerva?" Tumahimik ang dalaga. "To hell with your apology. Kung masama ang tingin mo sa akin at ako ay isang kontrabida, dapat ay gampanan ko na nang wasto ang papel." He reached for her in the darkness at bago nahulaan ni Menerva ang intensyon ng lalaki, nabihag na nito ang mga labi niya at nagparusa ang halik ni Lawrence. Hindi niya nagawang manlaban. Tinanggap niya ang parusa ng mga labi ni Lawrence dahil hindi siya binitiwan nito hanggang hindi namaga ang mga labi niya. She rested simply and helplessly in his arms. Inangat ng lalaki ang ulo niya at matiim na tumitig kay Menerva. "Damn you, Menerva, bakit ba nawawala ang hinahon ko sa iyo?" Hindi ito naghintay ng kasagutan dahil muli niyang siniil ng halik ang dalaga. Sa pagkakataong ito, tender ang halik at banayad ang mga haplos nito. Gumapang ang mga labi ni Lawrence mula sa mga labi ng dalaga pababa sa leeg nito hanggang sa puno ng dibdib niya. Hinayaan ni Ruby na malunod siya sa deliriously delicious sensations as his arms wrapped around her and pressed her close to his body. Ngunit parang sinuntok si Menerva nang bitawan siya ni Lawrence at tila nakakalokong nagtanong. "Pinalala ko ba ang opinyon mo sa akin?" Hindi naghintay ng kasagutan ang lalaki as he turned the key in the ignition with an angry jerk at pinaandar nito ang sasakyan. "Ayusin mo ang sarili mo," anito sa kanya. "Mukha kang kinaladkad backwards mula sa kasukalan." Ganoon nga ang pakiramdam niya, dahil sa kagagawan ng lalaki. Inayos ni Menerva ang gusot niyang damit at buhok. Sinabi niya kay Lawrence kung paano sila makakarating sa kanyang tinitirahan. Hindi na sila nag-usap pa. Nang ihinto ni Lawrence ang kotse sa tapat ng apartment ng dalaga, binuksan nito ang pintuan. "See you tomorrow morning, at kung alam mo ang mabuti sa iyo, huwag mong hihintaying susunduin kita dito kapag hindi ka sumipot sa opisina." Ang sinabi ng lalaki ay nagpapahiwatig ng kaparusahan at ito ay isang babala. Pabalibag na isinara ni Menerva ang pintuan ng sasakyan at nang marinig niyang umandar na palayo ang kotse, sinusian niya ang kanyang apartment at nangilid ang luha sa mga mata ng dalaga. Nakabukas pa ang ilaw sa sala at nadatnan ni Menerva si Cristal na nagkukukot ng mani sa sofa habang nagbabasa ng thriller pocketbook. "Anong nangyari? Huwag mong sabihing nagtrabaho ka hanggang sa mga oras na ito? May mayaman bang prinsipe na ... " tumigil ito nang mapuna niyang may luha sa mga mata ang kaibigan. Pumunta ito sa kusina at may dala nang orange juice pagbalik. "Inumin mo ito," aniya kay Menerva. "Gusto mo bang sabihin sa akin ang nangyari?" tanong ni Cristal. "Wala kang maitutulong o magagawa pero sasabihin ko na rin sa iyo," aniya at isinalaysay niya kay Cristal ang mga nangyari. Nakinig si Cristal na namimilog ang mga mata. Pagkatapos ay napapito ito. "Wow, pero nasangkot ka nga sa isang magulong sitwasyon. Sa akala mo ba ay ginagamit ka nga niya dahil kay Lilet?" "Ewan ko. Pero I hate him." "Naisip mo ba kung bakit inilabas ka niya ngayong gabi?" "Diyos lamang ang nakakaalam. Pero may ulterior motive siya ngunit kung ano iyon ay hindi ko alam. Sa palagay ko ay sisibakin niya ako sa trabaho bukas." "Bakit ka mababahala kung nasusuklam ka sa kanya?" biro ni Cristal. "Hindi ako nababahala. Magiging maligaya ako kapag hindi ko na siya makikita." Sa sinabi niyang ito ay tinungo na ni Menerva ang silid niya kung saan siya nakatulog agad dahil sa pagod. Ngunit bago siya naidlip, ang isipan niya ay na kay Lawrence Flores.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD