Nang nakauwi na si Menerva, inisip niya ang mga pangyayari. Hindi niya akalain na magiging napakarupok niya pagdating sa advances sa kanya ni Lawrence. Kapag naulit pa ito, hindi niya masabi kung bibigay na siya nang tuluyan.
Inisip niyang magbitiw na lamang sa kanyang trabaho bago lumala ang mga pangyayari. Pagdating niya sa opisina kinabukasan, iminakinilya niya ang kanyang letter of resignation at inilagay niya sa mesa ni Lawrence. Nagdaan ang maghapon ngunit walang binanggit ang kanyang boss kaya nang hindi na siya nakatiis ay tinanong niya ang tungkol dito.
"Huwag mong sabihing dahil lamang sa ilang mga halik ay sisirain mo ang trabaho mo?" anang lalaki. "Masyado ka namang madrama. Kalimutan nating dalawa ang mga nangyari at sana ay magpatuloy ka sa pagtatrabaho para sa akin."
May katwiran si Lawrence. Bakit nga ba niya didibdibin ang isang pangyayaring kayang balewalain ng lalaki?
Pinunit ni Lawrence ang sulat niya.
"Sigurado ka bang hindi mo na uulitin iyon?"ulit na tanong ni Menerva sa boss niya.
"Masyado mong pinapahalagahan ang iyong sarili Menerva, inaamin kong maganda ka at kaakitakit,ngunit marami akong makukuhang higit ang katangian kaysa sa iyo."
Wala siyang laban kay Lawrence pagdating sa insultuhan. Tinanggap na lamang niya na talagang ganoon ang pagkatao ng boss niya. And so,nagpatuloy siya sa pagtatrabaho dito. Anyway, ini-enjoy niya ang trabaho niya dito dahil dinagdagan ni Lawrence ang mga duties niya at tinaasan ang sahod niya.
Si Lilet Imperial pa rin ang permanenteng kapareha ni Lawrence sa mga social functions. Sa kabila ng mga sinabi nito sa kanyang mga kapintasan ni Lilet, it seemed that she amused him. O baka naman natutuhan nang mahalin ito ni Lawrence at pakasalan niya ito finally? Ang isiping ito ay madalas na maka-depress kay Menerva. Madalas niyang piliting ignorahin ito. Bakit ba niya pag-aaksayahan ng isip ang tungkol sa lovelife ng boss niya? After all, hindi naman siya pinapansin na ng lalaki.
Isang hapong nag-overtime siya para ayusin ang ilang mahalagang papeles, nasa desk siya ni Lawrence dahil wala ito. Nag-out-of-town at bukas pa ang dating.
Nagulat siya nang biglang sumulpot sa loob ng opisina si Lawrence.
"Talagang napakasipag ng sekretarya ko," anito. "Halika, kumain tayo sa labas."
"Huwag na, pauwi na ako."
"Kakain tayo. Hindi kita nababayaran sa mga pag-o-overtime mo, kaya pakakainin na lamang kita."
Naging mapilit si Lawrence at hindi nakatanggi si Menerva. After all, anong itinatanggi tanggi niya? Sino ang niloloko niya? Excited siya na parang ito ang kauna-unahang date niya and she was breathless with anticipation of the evening ahead. Magpakatatag ka, sabi niya sa sarili. "Walang patutunguhan ito. Isang hapunang pagsasaluhan lamang ng boss at ng secretary niya para pag-usapan nila ang nangyari sa opisina habang wala ang lalaki.
Masayang-masaya ang pakiramdam niya nang bumalik siya sa tanggapan ni Lawrence nang matapos niyang ayusin ang sarili niya sa ladies' room. Lalo na nang mapansin niyang hindi binuksan ni Lawrence ang sulat mula kay Lilet Imperial na inilagay niya sa desk nito.
Binati sila ng tila nagtatakang goodnight ng security guard nang lumabas sila sa elevator. Bukas ay kakalat sa buong opisina na magkasama silang lumabas, naisip ni Menerva habang nakasunod siya kay Lawrence sa nakaparada nitong itim na Mercedes.
Napakahusay mag-drive ni Lawrence at lihim na humanga dito si Menerva. Napansin ito ni Lawrence. "Binabawi mo na ba ang mga pagpintas mo sa pagmamaneho ko noon?" tanong nito.
Ngumiti si Menerva. "Medyo."
Mamahalin at class ang restaurant na pinasok nila. May ballroom dancing pa. Marami silang napag usapan pero walang kaugnayan ito sa mga nangyayari sa opisina. Napansin niyang nawiwili sa pakikipag-usap sa kanya si Lawrence.
"Magsayaw tayo," utos ni Lawrence pagkatapos nilang kumain. Nang lumalim ang gabi, ang mga tugtugin ay naging banayad at sweet. Humigpit ang yakap sa kanya ni Lawrence. Isinuko ni Menerva ang sarili sa seductive spell ng tugtugin and pressed closer to him. He moulded her against the hard contours of his body at ipinadama ni Lawrence sa dalaga na may ginising itong pangangailangan sa kanya na tulad ng pagpapadingas niya ng pangangailan nito.
Pagkatapos ay nagkaroon ng nakakasilaw, na flash of light that shocked them both to reality.
Nakita ni Menerva na may isang lalaking may dalang camera at nagmamadaling tinungo nito ang pintuan. Sinundan ito ni Lawrence hanggang sa labas ng restaurant. Ngunit bumalik ito pagkalipas ng ilang sandali na galit na galit.
"Ang pesteng mga reporters na ito," singhal niya. "Paano kaya niya nalaman na narito ako? May nag-tip siguro sa kanya. Kapag nalaman ko kung sino ... "
"Ang ibig mong sabihin ay taga-pahayagan siya?" litong tanong ni Menerva.
"Freelance reporter. Nagkabanggaan na kami minsan. Kung inabutan ko siya, hindi makakarating sa pahayagan ang larawang iyon. Alam niya kung saan ipagbibili ang larawan at tiyak na nasa lahat ng gossip columns ng pahayagan iyon bukas."
Nanlamig ang katawan ni Menerva. Ano itong kinasuungan niya? Nagpaubaya siya sa mga bisig ni Lawrence at bukas ay nasa pahayagan ang larawan nila. Mapag-uusapang siya ang latest girl sa buhay ng milyonaryo at sa kama nito.
She felt suddenly sick. Hindi kaya talaga alam ni Lawrence na naroon ang photographer? Oo nga't hinabol niya ito at nagkunwaring galit pero hindi kaya palabas lamang ang lahat? Nagiging makulit na si Lilet at kailangan marahil na ipahiwatig niya dito na kailangang maging banayad ito o papalitan na siya ng lalaki. Naging baliw siya sa pag-aakalang hindi siya gagamitin ni Lawrence sa mga schemes nito.
Nawala na ang mga magic ng gabi. Nasusuklam siya kay Lawrence pero higit sa lahat ay sa kanyang sarili. Paano siya nalinlang ng lalaki? She wished with all her heart na hindi na lamang sana siya sumama dito.
"Iuwi mo na ako," sabi niya kay Lawrence.
Tututol sana si Lawrence ngunit nang mapansin nito ang madilim na anyo ng mukha ng kasama ay binayaran na nito ang bill at lumabas na sila.
"Itawag mo na lamang ako ng taksi," ani Menerva.
"Huwag kang baliw. Ihahatid kita."
"Huwag na. Sa palagay ko ay nasusuka na ako sa piling mo ngayong gabi."
Sa malamlam na liwanag ng street lamps, hindi makitang mabuti ni Menerva ang anyo ni Lawrence ngunit naramdaman niyang nahihirapan ang lalaki sa pagtitimpi. Ngunit naging malamig at banayad pa rin ang tinig nito na alam ni Menerva na higit na mapanganib. "Wala akong balak na makipag-away sa iyo dito sa gitna ng kalye. Pumasok ka sa kotse at pag-usapan natin kung ano man ang problema mo," utos nito.