Pagkalipas ng kalahating oras ay lumabas na muli ang dalawa at masuyong nagpaalam ang babae. Pagkalabas ni Lilet ay madilim ang mukhang tinawag ni Lawrence si Menerva na sumunod sa kanya sa tanggapan nito.
Agad na pinakawalan ng lalaki ang galit niya nang pumasok ang dalaga.
"Bakit mo pinabayaang lusubin ako ni Lilet?" "Hindi ko naman magawang harangan siya," asik ng dalaga. "Baka gusto mong tapakan niya ako para makarating sa kuwarto mo?"
"Kapag nagbigay ako ng instruction na ayaw kong paistorbo kahit kanino, I mean it."
"Hindi ba, siya ang babaeng pakakasalan mo at isa siyang espesyal na bisita mo?"
"Ow?" Ang galit ni Lawrence ay napalitan ng malicious amusement. "Hindi ko alam na interesado ka pala sa pribadong buhay ko. Huwag kang magpapaniwala sa mga gossip columns."
"Hindi ako nagbabasa ng gossip columns. Si Miss Imperial ang nagsabing nobya mo siya."
"At naniwala ka sa kanya?" natawa si Lawrence. "Naniniwala ka bang pakakasalan ko siya?"
"Kung sino man ang pakakasalan mo ay wala
akong pakialam," pormal na saad ni Menerva.
"Ang manhid kong sekretarya. Huwag mong sabihing hindi mo din pinag-iisipan ito paminsanminsan."
"Kung may iniisip man ako, sa akin na lamang."
"Hindi tulad ni Lilet na gusto niyang sabihin sa buong mundo na kaya niya akong hatakin sa altar."
"Kaya ba niya?"
"Hindi." May pagkapinal ang tinig ni Lawrence. "Okey siya bilang girlfriend ... pero bilang isang asawa, hindi. Didispatsahin ko siya.? "Parang walang ano man sa iyo."
"Dapat bang guluhin ko pa ang isip ko dito?" Natawa uli si Lawrence. "Alam ko kung kailan ko dapat palayain ang sarili ko sa mga sigalot. Ito ang lihim ng aking tagumpay."
"Obvious naman, eh," sarkastikong pakli ni Menerva.
Pinagmasdan siya ni Lawrence. "Hindi mo ako gusto, ano?" biglang tanong nito. Dinampot ng lalaki ang isang paper knife sa mesa niya at nilaru-laro ito.
"Hindi ka ba satisfied sa trabaho ko?" iwas ng dalaga.
"Nasabi ko na sa iyo na impressed ako sa trabaho mo. Ang tinutukoy ko ay ang personal mong pakiramdam."
"Natutuhan ko nang huwag paghaluin ang personal kong likes and dislikes sa trabaho ko. Walang kinalaman ang mga ito dito.?
"Pero malaki ang kinalaman." Sumandal sa upuan niya si Lawrence. "Go ahead, sabihin mo ang totoo. Huwag kang matakot. Hindi mo ako gusto personally, ano?"
"Well, magandang simula. Higit na gusto kong marinig ang pagkadisgustado mo sa akin kaysa pakitaan mo ako ng lamig at pagwawalang bahala tulad ng ginagawa mo mula nang magtrabaho ka dito. Bakit?"
"Manhid ka at ginagamit mo ang lahat para sa kapakanan mo."
"Isa akong negosyante at hindi santo. Pero ang tinutukoy mo ay mga babae, hindi ba, Menerva?" "Oo. Hindi ko gusto ang mga playboys."
Alam niyang hindi makatarungan ang sinabi niya. Matinding maglaro si Lawrence Flores pero matindi ding magtrabaho ito.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Maraming panahon kang inaaksaya sa mga bobang mga seksi."
Tumaas ang kilay ni Lawrence. "Nagseselos ka ba, Menerva?"
"Good Lord, hindi. Wala akong balak na maging isa sa harem mo na nakatanghod sa iyo.
Akala mo lahat ng babae ay nakalaan para maging aliwan mo. Kahit minsan ba ay hindi ka nagpahalaga sa kanilang damdamin?"
Ngumisi si Lawrence. "Ang tanging attraction ko sa kanila ay ang aking kayamanan. Walang babaeng nagreklamo sa akin. Alam nila ang score. Nag-enjoy sila habang kasama ko sila at nagkakahiwalay kami nang maayos."
"Kahit na si Lilet?"
"Isa rin siyang mukhang salapi. Kaya lamang, nagkataong nakita niya ako na isang good husband material.'
"Ganoon ka nga ba?"
"May ibang mga katangian ang isang asawa maliban sa kanyang kakayahang magbigay ng salapi para lustayin ng kanyang asawa. Ang matabang bank account ko ang nakikita nila. Marahil kapag nakita ko na ang babaeng sinasabi ko, baka I'll review the situation. Pero until then .. " nagkibit-balikat si Lawrence.
"I'm sorry na nagambala ka ni Miss Imperial. Hayaan mo at sa susunod ay hindi na mangyayari ito." Tumayo na si Menerva.
"Huwag ka munang aalis, hindi pa tayo tapos mag-usap."
"Pero may tatapusin pa akong mga sulat. Sabi mo ay kailangan mo ang mga ito."
"Makakapaghintay iyon," ngumiti si Lawrence.
Na-alarma si Menerva. Umurong siya sa direksyon ng pintuan. Ngunit higit na mabilis si Lawrence. Inunahan niya ang dalaga at ini-locked niya ang pintuan.
"Natatakot ka bang gagahasain kita dito?"
"Huwag kang baliw."
"Hindi kita kailangang gamitan ng dahas.
Alam kong madali kitang mapapasunod, Menerva."
"Huwag kang masyadong manigurado ... "
"Hindi mo magagawang labanan ako nang matagal."
"Baka magulat ka?"
"Talaga?" Bigla siyang hinapit ni Lawrence sa kanya.
Kahit na nagsimula siyang magpumiglas, alam ni Menerva na wala siyang magagawa sa labanang iyon. Kahit na nanlalaban ang isip niya, nagsusumigaw ang katawan niyang uhaw sa haplos at mga yakap ni Lawrence. Wala siyang magawang panlaban sa nanunuot na luwalhating dulot ng mga labi ng binata sa kanyang mga labi as he began a slow, sensual probing na nagpahina sa kanya.
Parang nalunod si Menerva sa dagat ng blissful sensations as she pressed closer to him. Napasinghap siya as his hands explored her body.
Sumuot ang mga ito sa loob ng blusa niya para mahawakan nito ang dibdib niya. All coherent thoughts deserted her at naging aware lamang siya sa ningas na pinasiklab ni Lawrence sa kanyang katauhan. Naglambitin siya sa batok ng lalaki. She pressed herself closer to him.
Nakaramdam siya ng sense of loss nang pakawalan siya ni Lawrence. Pinagmasdan ng binata ang kanyang namumulang mukha.
"Ginulat mo nga ako," tila nakakalokong wika ni Lawrence. "Matagal ko nang gustong buwagin ang malamig na exterior para madama ko ang tunay na katauhan ng babaeng nakatago dito."
Ang sinabi ng lalaki ay nagsilbing malamig na tubig na ibinuhos kay Menerva which shocked her back to sanity. Nag-react agad ang dalaga. "At hindi ka talaga mapakali hangga't hindi mo nadarama ito, hindi ba? Well, marahil naman ay satisfied ka na?"
Bakit niya hinayaang buwagin ni Lawrence ang kanyang kalasag laban dito?
"Halik lamang iyon. Huwag mong masyadong seryosohin ito," tila naiiritang wika ni Lawrence.
Halik lamang, ayon dito. Ngunit kahit kailan, hindi siya nanghina sa mga halik ni Maynard noon.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay nananabik pa rin siya sa mga halik ni Lawrence. Hindi kaya aware ang lalaki sa epekto nito sa kanya?
Nanginginig ang mga kamay ni Menerva habang ibinubutones niya ang kanyang blusa.
"Ako na," ani Lawrence at ibinutones niya ang mga ito.
"Salamat."
"Mukhang wala kang gaanong karanasan sa romansa."
"Sorry kung hindi ko naabot ang standards mo. Pero totoong wala nga akong gaanong karanasan."
"Puwede kitang turuan. Alam kong gusto mong turuan kita."
"Inaamin kong alam mo ang mga pamamaraan para mag-react nang tama physically ang isang babae," ani Menerva. "Pero ... "
"Pero ano?"
"Hindi ako katulad ng mga babae sa buhay mo. Para sa akin, may mga katangian ang pagibig na hindi lamang physical attraction."
"Pag-ibig pala ang pinag-uusapan natin?"
"Oo. Dahil kailangang mahalin ko ang isang lalaki bago ako maaaring magpaangkin sa kanya."
"Alam ko. Hindi mo ipagkakaloob ang sarili mo sa isang lalaki kung hindi ka niya pakakasalan."
"Tama."
"Natagpuan mo na ba siya?"
"Hindi pa. Pero hindi nangangahulugang hindi ako makakatulog sa gabi dahil sa iyo," anang dalaga.
'Marahil ay kailangang dagdagan ko ang pamamaraan para makumbinsi kitang kailangan mo ako," ani Lawrence and tried to reach for her again. Pero nag-ring ang telepono at pareho silang natauhan. Bumalik sila sa boss-secretary relationship.
"I'm sorry about that," ani Lawrence. "Pero it won't happen again."
"Mabuti naman. I'm glad to hear that," tinungo ni Menerva ang pintuan at nagmamadaling lumabas.