Kabanata 16

1771 Words
Simula nung sinabi ni Menerva na mag reresign na siya ay hindi ako makatulog at iniisip ang dahilan bakit biglaan ang kanyang pag reresign. Naisip ko tuloy baka mahigpit ako sa kanya or kaya naman ang palaging overtime niya or kaya kulang ang pasahod ko sa kanya kaya siya mag hahanap ng ibang company na mas malaki ang kikitain niya.Pero kilala ko si Menerva hindi iyon ang dahilan. Gagawin ko ang lahat para hindi siya mag resign at mag patuloy siyang maging personal assistant ko.Ayaw ko na kasi na pa iba iba pa ng assistant dahil malaki na ang tiwala ko kay Menerva at higit pa doon ay may mga dahilan ako kaya ayaw ko siyang bitawan. Nakarating na ako sa office at kita ko na andoon na sila Ms.Menerva at yung mga iba pa niyang ka office mate.Pumunta naman ako sa office ni Angelo yung nag iisa kong ka close na lalaki dito sa company at maliban sa driver ko. "Angelo alam mo ba ang dahilan bakit bigla bigla ang desisyon ni Ms.Menerva na mag resign" "Ganito kasi yan ang isang babae pag medyo tumagal na dito sa company at nakapag ipon ipon na ay mag dedecide na itong mag pakasal" "Magpakasal?e wala pa namang boyfriend si Menerva malabo iyon" "Ito advise ko sayo para di ka iwan ni Ms.Menerva ,dapat bawas bawasan mo ang pagiging masungit mo at dapat kasi hindi ka boring lalo na pag magkasama kayo dapat sulitin mo ang bawat oras" "Ay ganun ba ,sige aalis na ako babalik na ako sa office ko,at sana yung advise mo saakin ginawa mo sa sarili mo at para sana di na kayo nag divorce ng asawa mo" "Napaka sakit mo namang mag salita ,wag ka ng manghihingi ng advise saakin ha" Iniwan ko na siyang nag eemote nanaman dahil divorce na sila ng asawa niya 2 years ago dahil busy siya at hindi niya nabibigyan ng time yung asawa niya at pag anniversary lang siya inilalabas nito or pinupunta sa mga restaurant.Ang galing mag advise pero di niya mai apply sa sarili niyang relasyon hays. ........................... (OFFICE) "Guyssss ,alam niyo na ba ang balita" "Ano nanaman yan Mr.Chismosong Renz ,baka wala nanamang kwentang chismis yan at mag aaksaya pa kami ng oras pa jan" "Sus gusto niyo rin naman ng bagong chismis ,halika kayo dito lumapit kayo" "Siguraduhin mo lang na hindi yan fake at baka makutusan kita " "Alam niyo ba na mag reresign na si Ms.Menerva Reyes" "Kalokohan naman yan ,si Ms.Reyes mag reresign e napaka loyal nga niya kay President Lawrence at isa pa mag 4 years na siya dito sa company at maganda na rin ang pakikisama niya saatin at kay President malabo yan,bumalik kana sa upuan mo sayang oras namin sayo" Malakas ang usapan ng mga room mate ko at naging kaibigan ko na rin sa opisina. "Totoo ang nalaman niyo mag reresign na ako"diretsyahan ko ng sinabi dahil totoo naman lahat ng balita balita at ang bilis kumalat dahil nag post na rin ako na hiring na ng bagong assitant ni President Lawrence. Habang nag tatanong sila ay biglang dumating na si President Lawrence at mukhang bad mood. "Good morning President"sabay naming sabi at di man lang lumingon.As usual napaka attitude nitong President na to. Pag lumaban ito bilang President ng bansa ay mukhang talo na to dahil sa sobrang kasungitan jusko. Nagulat ang mga kasamahan ko ng biglang kung naisipang mag resign na at balak ko ay ika 4 years ko na dito mismo akong mag reresign at tuluyan ng lisanin ang company ni Lawrence. Pumunta nga ako sa pinag titimplahan ng kape para ibigay kay Lawrence at bigyan siya ng cookies. Habang nag titimpla ako ay agad na pumasok yung dalawa kong roommate na babae si Ms.Anne at si Ms.Rose. "Talaga bang naka pag decide kana ,dahil pag truely na yan mag prapractice na akong mag timpla ng kape para kay President Lawrence."anya ni Ms.Rose "Hep hep ,Ms.Rose kaya ko na ito ako ng aako sa iiwang trabaho ni Ms.Menerva "anya naman ni Ms.Anne.Nag tatalo pa sila kung sino ang papalit saakin at natawa naman ako. Dinala ko na yung coffee and cookies ni Pres. Lawrence sa office niya. "Ms.Menerva sabay na pala tayong uuwi mamaya at may pupuntahan tayo" "Ha bakit po ,wala naman po kayong schedule ngayon " "Basta may kailangan tayong pag usapan" "Sige po sir" Hindi ko alam at bigla bigla nalang nag yaya ang boss ko na lately hindi naman siya ganyan. Mas papahirapan pa ata ako dahil amg reresign na ako kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko. 6 pm na nga at uwian na.Nakita kong wala na sa office niya si Lawrence kaya agad ng lumabas si Menerva.Paglabas niya ay nandoon na si Pres. naghihintay.Napatakbo na ako dahil nakakahiya naman dahil siya pa ang nag hihintay sa akin. Hindi ko alam saan niya ako dadalhin dahil walang nag sasalita saamin sa loob ng kotse niya.Sa wakas ay nakarating na rin kami. Sa bahay pala ng parents niya kami pumunta.Naka uwi na ang parents niya galing sa ibang bansa at medyo matatanda na rin pala sila pero halatang may itsura ang mag parents ni President Lawrence at ang babait nila. Hindi nila ako kinutsya o nilait nung una ko silang nakita naging mabait pa sila saakin at lagi nilang binibilin na alagaan ko daw si President Lawrence. Habang nag lalakad kami papasok sa bahay ng parents ni Lawrence ay bigla siyang napatanong. " Ms.Menerva alam ko na ang dahilan bakit ka mag reresign" Gulat naman ako sa sinabi niya dahil bakit niya alam e wala naman akong pinagsabihan kahit nga si Ninang Emily at Cristal hindi alam. "Ha bakit niyo po alam ang dahilan ?nababasa niyo ba ang utak ko?maghuhula na po pala kayo President" "Yes halata naman Ms.Menerva at madali lang namang hulaan ang nasa isip mo. Alam kong may nahanap kanang mas malaki ang sahod ,sabihin mo lang ilan yung pasahod nila at dodoblehin ko.O kaya i prorpromote na kita bilang isang vice president ng company ko.Mag hihire na rin ako ng sarili mong assitant para mas gumaan ang trabaho mo.Bibilhan kita ng bahay at sasakyan.Alam mo naman diba na hindi ako nag bibigay ng second chance once umalis yung empleydo ko diba pero pag ikaw bibigyan kita ng second chance baka mag bago ang isip mo." Gulat na gulat ako at natatawa sa mga sinabi ni Lawrence dahil ni isa walang tumama. "Pres. maling mali ka ,personal na rason ko po bakit ako mag reresign at hindi po ako nag sisi na pumasok at mag trabaho sa iyo at hindi ko na po kailangan yung promotion at mga iba niyong inaalok dahil malaki na po yung sahod ko" Hindi niya siya sumagot at nakapasok na kami sa bahay nila.Napaka laki ng bahay ng mga parents niya. Nakita kong naka upo na si Mr.and Mrs.Flores .Binati nila ako at binigyan ng isang ngiti.Malaki na rin ang tiwala nila saakin dahil malaki daw ang pinagbago niya simula nung naging assistant niya ako at simula rin nung naghiwalay sila ni Lilet. "Anak bakit mo naman agad agad tinanggal si Mr.Galot" "Dad alam niyo naman lagi siyang palpak at gusto kung mapa buti ang company natin" "Ano kaba honey hayaan mo na ang anak mo at president na siya ng company natin at hayaan mo siyang mag desisyon.Bakit mo pa ginawang president kung ikaw rin naman ang mag dedecide" "Oh siya tama na talo na ako "at sabay silang nag tawanan. Out off no where biglang napatanong si Lawrence sa mga parents niya. "Mom ,Dad i have a question both of you" "Yes son ano iyon" "Normal lang ba yung mag sawa " Nabilaukan ang kanyang Dad dahil sa sinabi niya.Pati ako gulat dahil bigla niya iyong naitanong at kita sa mukha niya na seryoso nga siya sa sinabi niya at kilalang kilala ko si Lawrence. "Alam mo anak normal lang ang mag sawa ka sa isang bagay lalo na pag dikana masaya.At bakit mo pala natanong iyan anak" "Wala lang mom may isang tao kasing mukhang nag sawa na sa isang bagay" Bigla naman ako nakaramdam ng pagkaguilty at parang ako yung tinutukoy niya. Agad namang natapos ang dinner at niyaya ng dad ni Lawrence na mag usap sila sa private na lugar tulad sa dating room ni Lawrence.Ito kasi ang family house nila. Habang ako naman niyaya ako ng mom niya at mag kape muna. "Eja diba napaka ganda ng araw ngayon" "Opo ma'am napaka ganda nga po" "Ms.Menerva diba simula nung wala na sila si Lilet ay hindi na muling nag ka gf si Lawrence tama ba" "Opo ma'am tama po" "Hays ,napapaisip tuloy ako Eja na baka isa siyang......." Nagugutog ang kanyang mga kamay dahil hindi niya masabi. "Ano pong isang" "Isang......." "Isang gay po?HAHAHAHHA hindi po ma'am hindi po siya bakla dahil lagi ko po siyang kasama at hindi po siya bakla" Sa tagal niyang walang gf yan tuloy bakla na ang tingin ng mga parents niya at alam ko ring hindi siya bakla dahil minsan niya na rin niya akong hinalikan noon at hindi bakla ang ganung mga galawan. "Hays salamat naman Eja alam mo ikaw lang kasi pinagkakatiwalaan naming babae at sana ikaw na ang bahala kay Lawrence dahil minsan hindi siya nakikinig saamin at isa pa matanda na rin kami ay tanging hiling lang namin bago mamatay ay masilayan pa namin ang magiging apo namin" "Ay wag kayong mag salita ng ganyan ma'am at sigurado ko pong mabibigyan niya po kayo ng apo at hindi niya po hahayaan maging malungkot kayo" "Salamat talaga Eja " "Walang ano man po ma'am". "Sana balang araw may ipakilala niyang siyang gf niya at sana katulad mo Eja " Ay jusko naman at bakit ako nakakahiya tuloy. Napatawa nalang ako sa sinabi ng mom niya at alam ko namang hindi ako ang tipo ni Lawrence gusto niya yung mga sexy. "Pag naging kayo sana ay agad agad ay ipapaayos ko na yung kasal niyo" Naiilang na ako sa mga sinasabi ng mom. At mukhang nahata niya. "Biro lang yun Eja , gusto ko lang kasing maikasal na yung anak ko " "Hahaha okay lang po ma'am" "Don't call me ma'am ,call me tita dahil close naman kayo ng anak ko at soon magiging anak ko narin Hahaha biro lang" Medyo hindi nakakatuwa yung biro ni Maam at talagang ilang na ilang ako. Sa wakas ay lumapit na saamin yung dad at si Lawrence at natapos na din kaming nag usap ng mom niya. Umalis na nga kami at inihatid na niya ako sa condo ko. Maraming unexpected na pangyayari ngayong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD