Menerva PoV
Naikwento ko noon na wala akong karamay at si Ninang Emily at Cristal lamang ang akin nakakasama pero sa totoo lang meron akong dalawang kapatid na babae si Ate Rona at nakakabata kong kapatid na si Lian.
Masama ang loob ko noon dahil ako ang sinabi ng tatay ko na ako daw ang dahilan ng pagkamatay ng aking inay.Hindi ko naman alam bakit ako ang sinisisi ni Itay kaya nung nagkagulang ako ay naglayas ako papuntang Maynila at sa probinsya kami nakatira.Mahirap lang buhay namin doon .
Isang araw kasi ay namasyal kami at ang pinilit kong gawin namin ay mag hiking dahil mahilig ako doon.Nung una ayaw ni Itay dahil madulas daw at katatapos lang ng ulan pero nag pumilit ako.Pumayag si Itay dahil pinilit ito ni Inay dahil minsan lang naman kami lumabas at busy sila sa pagtratrabaho.
Masaya naman ang buong araw naming pamamasyal pero nung pauwi na kami ay biglang umulan.
Habang nag lalakad kami ay nahulog yung doll na laruan ko at iyon lang ang katangi tangi kong laruan.Nag pumilit akong ipakuha iyon kay Itay pero ang sabi niya lang ay hayaan nalang daw at papalitan nalang pero umiyak ako dahil alam kong hindi iyon mapapalitan dahil wala na kaming pera para ipambili pa ng laruan.
Sa pag iyak ko biglang inabot ni Inay yung laruan ko pero pagkaabot niya ay biglang bumigay yung sanga na pinag hawakan niya at naging dahilan para mahulog siya sa mataas na bangin.Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil bata pa ako noon.
Dali dali naming pinunta si Inay sa malapit na hospital pero kalaunan binawian siya ng buhay.
Sa sakit na nararamdaman ni Itay ay ako ang sinisi niya.Lagi akong pinagtatanggol nila Ate at Lian pero wala parin.
Nung 18 years old ako ay pumunta na ako dito at tinulungan ako ni Ninang Emily para maka pasok ng trabaho at naka kuha ako ng maliit na condo kaya doon ko nakilala si Cristal nag iisang bhesy ko.
Nagkaroon na ako ng experience sa trabaho kaya pumasok na ako sa isang company which is sa company ni Maynard.Nag tyaga akong mag trabaho dahil gusto kung tulungan sila Ate at Lian na makapagtapos kahit hindi na ako.
Makalipas ang maraming taon ay nag tapos na yung ate ko bilang isang doctor at ngayon ng aaral na rin sa college si lian at pagiging guro naman ang kinuha niya na siyang pangarap kung maging.
Nung graduation day ni Ate ay umuwi ako ng probinsya para i congratulate siya dahil sa wakas pag doctor na sa pamilya namin at yun yung pangarap ni Inay na kahit isa lang maging doctor sa pamilya.
Nakita ko na andoon si Itay at siya ang sumama kay Ate sa stage masayang masaya ako ng araw na iyon dahil ngayon ko lang ulit marinig na tawagin akong anak ng itay ko.
Sa maraming mga taon ngayon ko lang ulit nayakap ng mahigpit si Itay.At masaya na kaming magpapamilya.
Ngayon isa ng doctor ang ate ko ay napagpasyahan nilang sumama saakin dito sa Maynila at dito na rin sila mag trabaho para mag kakasama na kami at dito narin mag aaral si Lian dahil ilang taon na rin ay mag tatapos na rin siya.Pinilit namin si Itay na sumama ay sabi niya ay tiyaka nalang at mag iisip muna siya.Hinayaan na namin siya at sisiguraduhin namin na maisasama na namin siya.
.......
Pagkauwi ko galing trabaho ay nagyayan kami nila Ate Rona at Lian na mag samgyup dahil ito na ang naging tambayan namin dahil naka luwag luwag naman na kami kahit kaunti.
Maiinit ang ko dahil sa mga sinabi ni Lawrence kanina na umaasa naman ako sa mga sinabi ng parents niya na ikakasal kami pag nagkataon na maging bf at gf na kami.Mas lalo atang gusto ko ng mag resign dahil mas kumapal na ang face niya.
"Easy ka lang Menerva yang puso mo ,at bakit napaka init ng ulo mo"
"Nakakainis kasi yung boss ko na ang dahilan ko daw dahil mag reresign ako dahil na tri threaten ako sa sinabi ng mom niya kanina nung pumunta kami sa bahay nila"
"Eh bakit ba kasi pa bigla bigla ang desisyon mo,maganda naman ang pasahod niya kaysa nung una mung trabaho dun kay Maynard na kinabaliwan mo"
"Hays ate naman wag mo ng ipaalala yung tao na iyon ,matagal ko na siyang nilimut"
"Tama nga si Ate baka hindi ka pa naka move on "
"Isa kapa Lian ,pinagkakaisahan niyo talaga ako.Gusto ko lang ng space yung bibigyan ko naman ng time yung sarili ko"
"Bakit pinapahirapan kaba niya at susugurin nanamin"
"Hindi naman ate ,e ano kasi may sapat naman na kong naipon para sa sarili ko at nakapagtapos ka naman na kaya ngayon sarili ko naman "
"Tama ka nga naman sige kung yan ang desisyon mo susupurtahan ka namin at kasalan ko ata dahil sakin hindi ka napag aral at nag sakripisyong mag trabaho para maging doctor ako."
"Ano kaba ate desisyon ko iyon at isa pa para makabayad tayo sa utang ni Itay.At sa wakas nabayaran ko na lahat lahat kaya ngayon kailangan ko ng pahinga "
Habang nag sasalita ako ay bigla akong bumahing bahing.
"Oh anong nangyari sayo at bakit bahing ka ng bahing gaan ,wag mong sabihin na pinabili ka ng boss mo ng flowers.At bakit ayaw mo kasing sabihin na allergic ka doon "
"Alam niyo trabaho ko kasi iyon lalo na personal assistant na ako ni Lawrence kaya kailangan ay andun ako palagi at lagi akong n
backup pag may nalimutan siya kaya wala akong nagawa"
"Ito o para matigil na yang pag bahing mo"
"Ay salamat naman at buti nalang doctor ang ate ko at next naman magiging guro kana Lian"
Lumalim na nga ang gabi at nagyayaan na kaming umuwi.Lasing na lasing ako dahil iniinom ko lahat yung naiwan na soju dahil sayang naman at para mabawasan kahit kunti yung sama ng loob ko sa kupal na Lawrence na iyon.Habang nag lalakad kami ay biglang may tumawag sa cellphone ko at dis oras ng gabi.
"Ay baka yang boss mo nanaman yan at talagang pinapahirapan kana ata"agad na bulyaw ng ate Rona ko.
Pag tingin ko nga ay si Lawrence nga talaga.
"Ay pag ako sayo ate wag ko ng sasagutin anong oras na at hindi mo naman trabaho"
Wala silang nagawa pareho dahil kailangan kong sagutin yung tawag ni Lawrence.
"Hello po Pres. bakit po kayo napatawag"
"Assistant Menerva need kita ngayon at alam mo na kung saang place mo ako kikitain "
"Po?si secretary Anne nalang po ang tawagan niyo or kaya yung si Mr.Santos yung driver niyo po "
"Hindi sila pwede i need you right now."
"Pres. may mga kasama po kasi ako ngayon kaya hindi po ako pwede"
"Pumunta kana ngayon as in ngayon na "
Wala na akong nagawa kundi tumakbo kahit hilong hilo na ako.
Gusto akong pigilan ng mga kapatid ko pero wala silang nagawa
Ang hirap naman palang maging personal assistant.
Nakita ko ng nakaparada yung sasakyan niya at nandoon pa pala siya sa office at buong akala ko umuwi na siya pag tapos naming pumunta sa bahay nila.
Habang papalapit ako ay nakita kong tudo ngiti siya sa loob ng kotse niya na parang baliw.Kinakauspa niya yung sarili niya.Hindi lang pala pag kakapal ng mukha ang meron siya may pagkabaliw pala.Nababaliw na siguro to daming projects ikaw ba naman maging president director ng company niyo.
Pumasok na ako sa kotse niya ay naka ngiti parin siya.
"Buti naman at naka rating ka,matanong lang sino yung mga kasama mo ?"
"Pres. akin nalang po iyon "
"Ah okay ,nga pala ito o roses "
Shemsss yan na ang pinaka hate ko sa buong buhay ko maliban sa butiki.Hays bakit naman bigla biglang may pa flowers itong lalaking ito.
Tudo pigil na wag bumahing at nakakahiya naman sa kanya.Ayaw na ayaw ko ng flowers dahil allergic ako sa polen ng flowers kaya nangangati yung ilong ko pag nalalanghap ko.
Tutulo na yung luha ko kasi hindi ko na talaga kayang pigilan kaya binahingan ko na si Pres.
"Ano bayan Ms.Menerva wala na may germs na yung roses"
"Sorry po akin na po at ilalagay ko na po sa likod ng sasakyan niyo at para hindi masikip dito sa loob ng sasakyan mo'
Pinunta ko na dahil hindi ko na talaga kaya pang pigilan.Pag kita ko sa mukha niya imbes na maawa ay may pangiti ngiti pa siya.Hays sana sinabi ko nalang nung una palang na may allergic ako sa flowers ayan tuloy ako ang napupurwesyo.