Kabanata 18

2006 Words
LAWRENCE POV "Ms.Menerva hindi kaba naiilang sa mga sinasabi ng mom ko kanina sayo or hindi kaba komportable" "Actually Pres. ipinagkasundo po kayo ng mom niyo saakin na pag ako daw yung naging gf mo ay ikakasal agad at nag tatangka siyang magiging gf mo ako " "At uumaasa ka naman Ms.Menerva" "Hindi po mas na motivate nga po akong umalis sa company mo" "Ano?" "Sir Pres." "Diba maganda naman ang kasunduan natin kanina diba at bakit bigla atang nag iba ang ihip ng hangin" "Excuse me Pres. hindi naman po ako pumayag sa mga kasunduan na binaggit mo kanina at wala na po kayong magagawa dahil naka pag decide na po talaga ako at sorry Pres. hinding hindi na po talaga mag babago pa ang isip ko." "Wag mo akong subukan Ms.Reyes" "Anong wag mo akong subukan ako ang wag mong subukan Pres.anytime pwede kitang iwan" Napatakip nalang ako ng bibig dahil grabe tagos sa laman ang sinabi niya. Pag kauwi ko sa bahay ay maraming bumabagabag saaking isipinan.Hindi naman ako ganito dati e .Kung may mag reresign man sa company ko ay parang wala lang saakin dahil lagi kong tinatatak saaking isipan na mapapalit din yan ng mas magaling na empleyado pero pagdating kay Menerva ay parang sa ano mang oras ayaw ko siyang bitawan. Hindi ako nakatulog magdamag kakaisip ng dahilan bakit siya mag reresign. Pumasok ako na ako sa office ngayon at dumaretso ako sa office room ni Angelo ang nag iisang kaibigan ko sa company . Binati ako ng lahat ng staff sa company ko at nadaanan ko yung desk ni Menerva ay wala siya naalala ko ay pinag day off ko pala siya ng isang araw at baka mag bago pa ang isip niya.Bago ako pumunta ay nilagay ko muna yung bag ko sa office room ko saka pupunta kay Angelo.Papunta na sana ako ng biglang mahagip ng mata ko ang isang papel.Binasa ko at parag nanghina ako dahil resignation paper ni Menerva yung nandoon at talagang sigurado na siya sa mga desisyon niya. Pumunta na ako kay Angelo para manghingi ng advise kahit walang kwenta.Hindi ko nga alam bakit ko siya naging kaibigan dahil nalalayo ang ugali namin sa isat isa.Lagi ko siyang trinitraining para sa susunod na taon ay gagawin ko siyang vice president ng company dahil mag 10 years na siyang nag tratrabaho saakin at kaibigan ko siya since high school. "Angelo" "Bat ka nanaman andito kay aga aga" "May sasabihin ako" "Alam ko na yan Lawrence kay Ms.Menerva nanaman yan no" "Talagang mag reresign na siya may resignation letter na siyang pinasa saakin" "Hayaan mo na siya baka kailangan niya na ng space" "Pero bakit naman biglaan at saka lang siya aalis pag matagal na siya at sabi niya gusto niyang hanapin ang sarili niya at bigyan ng time" "Yun pala hayaan mo na " "Anong hahanapin niya at time sa sarili e 8 hours lang yung work time niya tapos ang laki na ng pasahod ko sa kanya at kwentahin mo yun ng isang linggo parang nanalo na siya ng lotto" "Alam mo Lawrence yung mga babae hindi tungkol sa pera lang kailangan din nilang mag rest" "Ay kaya pala iniwan kana ng wife mo Angelo" "Lawrence naman wag mong idamay ito naman wag ka ng manghihingi ng advise sakit mong magsalita" "Angelo sa halos lagi kaming mag kasama ay para na kaming mag asawa .Tama ka nga baka masyado ko siyang inàbuso sa trabaho at nasaktan na hindi man lang bigyan ng day off" "Hindi lang ba nasanay ka lang sa lahat ng ginagawa niya sayo tulad ng pag lalagay ng neck tie mo kahit kaya mo naman.Hindi kaya obsessed kana sa kanya or kaya inlove kana Lawrence" "Nahihibang kana ba" "Hindi kasi iba e ,parang over affected ka kasi sa pagkawala niya at hindi mo naman niyan ginawa sa iba " "O sabihin na natin na madami ka ng naging babae diba isa na doon si Lilet na obsessed na nakakairita.Ni isa sa kanila di mo sila pinayagang ilagay sayo yung neck tie mo or pumunta sa bahay mo .Diba yung mga babae mo sa labas mo lang sila na memeet pero si Menerva mapa office man o sa bahay pinapapunta mo any time." "Ayaw ko kasi pag pinapapunta ko sa bahay ko yung mga babaeng iyon" "Eh bakit si Ms.Menerva" "Iba si Menerva sa kanila......dahil assistant ko siya" "Babae rin naman siya " "Hmmm bahala ka sige alis na ako bye" "Di man lang mag thank you at palitan mo itong kinain mo na chocolate ko ang mahal neto ang lakas mong magsabi ng ayaw mo ng sweets pero naubos mo itong 12 pieces,hays iba ka rin President Lawrence wag ka ng babalik dito hays kung di lang kita boss at kaibigan". "Sir Angelo ito na po yung pinapagawa niyong record" "Sige ilagay mo na jan Ms.Dee" "Okay sir.Wait sir need niyo bang ipa init ko muna yang iniinom niyo" "No need umalis kana" "Hindi sir akin na" "Wag na okay kang umalis kana" "Akin na sir ........ayyyyyy sorry sir natapon iinitin ko lang sana" "Hmmmm no need ng painitin dahil nag iinit na ang ulo ko sayo.Wala ka bang balak mag resign bilang secretary ko Ms.Dee." "Sir wag naman pasensya po" "Umalis kana at baka mas lalo pang iinit ang ulo ko" "Yes sir " "Hays napaka malas naman." .... Nag post na ako na hiring na yung pwesto ko bilang personal assistant ni Lawrence at nilalagay ko na din sa application yung dapat nilang gawin at dapat iwasan sa trabaho dahil strict si Lawrence.Mukha niya palang strict na siya.Noon naman para siyang lalaking lalaki at hindi maarte pero pag pala nakilala mo yung tao dun lumalabas yung tunay niyang pag katao. Gusto ko ding sabihin yung dahilan bakit ako mag reresign sa papalit saakin bilang personal assistant ni Lawrence ang kadahilan ay.......... "Good morning Pres.Lawrence mukhang puyat a ata at namumula ka" "Ha....hmmm good morning din kay nga e busy lang and ang fresh mo ngayon a ibang iba ang awra mo" "Pres. alam mo ganda pala ng epekto ng day off nakaka fresh .Nakatulog po kasi ako ng matagal tagal at hindi nag mamadaling pumasok para mag punta sa bahay niyo at paghandaan ka ng kape hehehe" "Ginagawa mo bang biro ang lahat ng ito Ms.Menerva" "Po? concerned lang po ako na kailangan niyo din ng rest para maging fresh ka tulad ko" "Panong concerned bayan? bilang si assitant Menerva Reyes or Ms.Menerva Reyes" "Ano pong ibig niyong sabihin?"kinakabahan ako sa sinabi niya at parang may ayaw siya sa mga sinabi ko. Biglang dumating yung isang empleyado at may applicant atang dumating. "President nandon na po sa office niyo yung applicant" "Okay ,ikaw assistant Menerva kailangan nandun ka rin dahil kasama ka dun" "Opo sir"naalala ko ako pala yung nag post na hiring yung iiwan kong pwesto dito sa company. Sabay nakaming pumunta sa office niya at nandun na nga yung bagong applicant na papalit saakin.Mas bata siyang tignan at mukhang fresh graduate. "Pres.Lawrence ito na po yung mga questions about sa application"nagugutog pa yung kamay ko habang inaabot yung questionnaire kay Lawrence. Required kasi yan para pumasa ka sa papasukan mong pwesto at advantage na rin yan kaya dapat sa interview palang pakitang gilas kana. "So what is your name?"sungit na tanong ni Lawrence kay Ms.Gwyneth yung bagong applicant. "Gwyneth Mercado po sir" "Okay Ms.Mercado,kaya mo ba ang mga trabaho ni Ms.Menerva bilang assitant ko?" "Yes sir"confident niyang sagot na walang halong kaba.Naala ko tuloy yung sarili ko sa kanya nung una ko ding pumasok bilang assitant at secretary. "Kayang kaya ko po ang trabaho ni Ms.Menerva at gagawin ko po ang lahat para magampanan ang lahat ng iyon"mukhang hindi nasiyahan si Lawrence sa sagot ni Ms.Mercado. "Okay ,oh Ms.Menerva ikaw naman ang mag tanong tutal ikaw naman ang mag reresign" Kinuha ko yung questionnaire at agad ng pumili ng tanong. "Okay Ms.Mercado what is the best important in your work?' "Ang best work po ay yung tulungan po yung kapwa ko empleyado" Sasagot na sana ako at biglang sumabat si Lawrence. "Pano pag hindi na kailangang tulungan dàhil kaya na nilang gawin" "Idi all goods sir mas mapapadali yung trabaho ko" "Okay thats right , diba madali lang at bakit kaya naiisipan ng taong mag resign kong madali lang naman yung work at mag reresign ng walang dahilan" "Ako po hinding hindi ko po kayo iiwan at hinding hindi po ako mag reresign ng walang dahilan" "Very good dahil jan tanggap kana" "Thank you so much sir" "Ibigay mo na kay Mr.Angelo yung applications mo para ma check niya" "Sige po thank you talaga excited na po akong mag trabaho dito" Lumabas na si Ms.Gwyneth at lalabas na rin sana ako ng biglang pigilan ako ni Lawrence. "Teka lang Ms.Menerva ang sabi mo saakin na dahilan ay gusto mong hanapin ang sarili mo at bigyan mo ng time " "Tama po sir" "Sigurado ka bang yan lang ang dahilan dahil alam ko naman na hindi ka mag reresign ng dahil lang diyan dahil binibigyan naman kita ng day off mo" "Pres.sa totoo lang aaminin ko na"huminga ako ng malamin bago sabihin ang dahilan ko at para di na siya tanong ng tanong pa. "Pres.alam mo ilang taon na lang mag 30 years old na po ako at gusto ko na pong bigyan ng time ang sarili ko.At........" "Ano pa?" "At gusto ko na pong ikasal" MENERVA POV Oo gusto ko nang ikasal sa totoo lang dahil gusto ko kasing bago ako mag 30 ay ikinasal na ako dahil ayaw kong matulad kay ate Rona na 30+ na di parin siya ikinakasal.Kaya lagi niya sinasabihan na hanggat maari ay dapat mag asawa na ako dahil mahirap ang tumandang dalaga na walang katuwang sa buhay. Nung day off ko nag yayahan kaming mag babatch mate ng reunion.Mga 10 lang kaming naka punta dahil busy yung iba at nag abroad na rin daw. Pumunta kami sa isang restaurant dito sa Manila.Ako nalang pala yung hinihintay nila sa loob. "Hi Menerva kumusta kana lalo ka namang gumaganda" "Hello din ,ano ba kayo matagal na akong maganda eme HAHAHAHA" "Buti naman at nakarating ka at may time ka na pumunta" "Actually day off ko ngayon" "Ganun ba tara kain na tayo " "Sige" Habang tapos na kaming kumain ay ito yung ayaw kong pag usapan. "Cris buti naman at pinayagan ka ng asawa mo" "Kaya nga e kanina ayaw pa niya pero sabi ko nalang na dadalhin ko nalang si Thea para may mag alaga sa kanya" Puro tungkol sa buhay nila at buhay pag aasawa ang pinag uusapan nila.Mukha tuloy akong na out of place dahil wala akong ma share about sa married. "Ikaw Menerva wala kapa bang balak mag asawa e maganda naman na yung work mo and for sure handang handa kana" "Actually pinag iisipan ko na yan at gusto ko na ding mag resign para sa mga ganyang bagay" "Good luck sayo at sana meron kami sa kasal mo " Na aakward ako pag dating sa mga ganyang usapan kaya nag paalam na ako ng mas maaga sa kanila . Habang pauwi ako ay may nakasalubong akong isang masayang pamilyang nag lalakad galing sa plaza. Pag pasok ko naman sa bus na sasakyan ko nakakita nanaman ako ng buong pamilya kaya minsan napapaisip ako na ano kaya ang feeling ng may pamilya. Wala akong mapagtanungan dahil lahat naman kaming mag kakapatid na babae ay single.May nagmanahan ata kami na tatandang dalaga pero hindi ko yun hahayaan dahil pangarap ni itay na mag karoon ng apo at pangarap din ni inay na kahit wala na siya. Ganito pala ang magiging mindset ng isang tao pag dumadating na yung nalalapit ka ng mag ka edad ng 30 years old na akala mo ay ikaw na ang nahuhuli.Kaya hindi ko masabi sabi kay Lawrence na ito ang dahilan dahil sasabihin niyang napaka babaw ng dahilan ko at baka mas lalo niya akong wag mag resign pero buo na ang desisyon ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD