Chapter 22

2721 Words

Sa bawat araw na dumadaan ay tanging iyak lang ni Mikay ang pumupuno sa apat na sulok ng kinaroroonan naming ito. Hindi ko alam kung nasa bodega ba kami o lumang bahay. Aaminin ko, gusto ko na ring umiyak ngunit kung pati ako ay panghihinaan rin ng loob ay paano na lang? Hindi ko naman maiaalis kay Mikay na maging emosyonal dahil alam kong nami-miss na niya ang kanyang anak. Wala rin akong naririnig na kahit ano mula sa labas. Parang malayo kami sa lahat. Ilang araw na ba kami dito? Hindi ko alam kung may pag asa pa bang makita kami ng mga mahal namin sa buhay? Iniisip ko kung kumusta na ba sina Lorren? Si Zack? Ang pamilya ni Mikay na nag aalala rin sa kanya? Pinapakain kami ni Isabelle sa lumilipas na mga araw. Gusto ko siyang kausapin pero hindi siya nagtatagal sa loob at iwas na i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD