''Ano'ng gagawin natin dito?'' tanong ko ng huminto kami sa tapat ng Ferris Wheel. ''Magsi-celebrate tayo ng birthday!" excited niyang sagot sa akin. "Birthday mo?" napalingon ako sa kanya. "Bakit hindi ba ako pwedeng mag-celebrate ng sarili kong birthday?" singhal niya sa akin. ''Sakay!'' aniya pang itinulak ako sa b****a ng rides na iyon. ''H-ha?'' nalilito kong baling sa kanya. "Bakit?" "Ang dami mong tanong! Sakay sabi!'' At itinulak na naman niya ako papasok sa isa sa mga bagon. Bago umalis ay itinali muna niya ako sa may bakal at binusalan ang bibig ko. Ang utak talaga ng walang hiya! Umalis siya at hindi ko alam kung saan nagpunta. Maya maya ay bumalik rin at sumakay sa loob ng bagon kasama ko. Inatake akong muli ng kaba dahil umaandar na ang Ferris Wheel na sinasakyan namin.

