Kinahapunan ay on time naman kami sinundo ni Zack sa hospital. Hindi na rin niya naabutan si tita. Mamaya ko na lang rin sasabihin sa kanya ang naging pag uusap namin ng mama niya. ''Welcome home!'' Natutop ko na lang ang aking bibig sa gulat at saya kasabay ng pagputok ng party pooper at pagsabog ng confetti ay ang pagtulo naman ng mga luha ko. Inilibot ko ang aking tingin sa loob ng unit ko at narito ang mga kaibigan ko at ilang kaibigan rin ni Zack. Narito rin ang mga anghel nila. ''Ako na!" agap ni Lorren sa akin ng akmang tatayo ako dahil sa pagtunog ng door bell. ''Hi, everyone!'' bati ni Ate Zarina nang makapasok sa loob. Yumakap at bumeso siya sa akin na agad ko namang ginantihan rin ng yakap. Nakita ko sa likod niya si Zion na karga si Mallows ngumiti ako sa kanya at tinangu

