Nadine's POV Ilang sandali ko munang tinitigan ang maliit na papel na may numerong nakasulat. Ito 'yong mobile number na nakuha ko mula sa dating apartment ko. Umupo ako sa kama ko at pagkatapos ng sunod-sunod na pagbuga ng hangin ay kinuha ko ang cellphone at dinial ang number. Sunod-sunod na ring ang narinig ko at ilang sandali pa ay may sumagot sa kabilang linya. “Hello?” Napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone na nasa tapat ng tenga ko. Hindi ako nagsalita at pinakinggan lang ang boses nito. “Joanna! Ano na ba ang ginagawa mo r’yan?! Hindi ba ang utos ko sa ‘yo ay himukin mo ang mga Rodriguez na patawarin ako? Pinagpanggap kitang si Nadine para magawa mo iyon pero mukhang nagpapakasasa ka na sa yaman na dapat ay sa akin!” I gritted my teeth. Pera lang talaga ang mahalaga kay

