bc

The Playboy's Daughter

book_age16+
530
FOLLOW
1.2K
READ
kidnap
goodgirl
heir/heiress
drama
twisted
campus
highschool
self discover
school
virgin
like
intro-logo
Blurb

After giving birth to her twins, Sienna thought that she couldn't ask for anything more in this world. Nariyan ang asawa niyang si Xander at ang makukulit niyang kambal na sina Nadine at Gabriel. But her almost perfect life went south when Nadine gets kidnapped and died a horrible death. Makakaya kaya ni Sienna ang pagkawala ng isa sa kambal o magkakaroon ng milagro at maibalik sa kanila ang anak para lamang mabigong muli sa huli?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Sienna’s POV Nakangiti akong nakatitig sa mga pictures na nakahilera sa ibabaw ng pahabang shelve na nakadikit sa wall ng silid namin ni Xander. Mayroon ding nakapatong sa ibabaw ng mababang bedside table. Almost one fourth of our room was occupied by our family pictures. Wedding photos, out of town photos, mayroon ding wacky photos by our most precious twins. Marami ring nakasabit na malalaking picture frames sa dingding ng sala. Kung pictures lang ang kapag-uusapan hindi sila pahuhuli na dalawa. Even visitors and guests na nagpupunta dito sa bahay ay halos alam na ang buhay ng kambal dahil lang sa pagtingin sa pictures nila. Paano kasi we captured every moments of them as they grow up. Now, they are five years old and I always wish na manatili silang mga bata na lagi kong kalong at nilalambing. They are so adorable that people can’t help themselves to throw glances and smiles at them whenever we’re walking down the park or in the mall, kahit saan. Lumipat ang tingin ko sa isang partikular na picture. Iyon ang wedding picture namin ni Xander. We look so happy that we smiled widely at the photo. Naalala ko pang muntik na akong mahimatay sa tuwa habang naglalakad patungo ng altar. Hindi ko tuloy napigilan ang pagpanumbalik ng mga alaala... 5 years ago… “Sis, pwde ba? Dalian mo r’yan! Sige ka baka mainip si Xander sa simbahan at umuwi na!” reklamo ng kakambal kong si Sierra. Yes, magaling na siyang magtagalog kasi naman noong nasa UK ako ay kinakausap ko siya lagi sa tagalog. Nahihilo na nga ako sa kaniya dahil kanina pa siya pabalik-balik dito sa kuwarto ko. ‘Yong make up artist na kinuha niya ay nadi-distract na rin sa kaniya! Kung makaasta naman kasi parang siya pa ang ikakasal, eh isang oras pa bago ang seremonya! “Madam, ngayon lang kasi naisipang magpaayos nitong sisteret mo! Kanina ko pa sinabing baka ma-late siya pero wa care!” reklamo din ng baklang make up artist. “Eh, ‘di mauna na kayo sa simbahan!” maikling sagot ko. “Are you crazy? Nakailang tawag na si Mommy!” I rolled my eyes and groaned. Parehas talaga si Sierra at si Nanay. Masyadong oa! Ang pagiging joker lang yata ni Nanay ang hindi nakuha ni Sierra. Psh! “What if ikaw na lang ang pumunta roon, Madam? Proxy mo na itong twin sister mo, mukhang ayaw kasi magpakasal!” suhestyon ng bakla na nagpabalikwas sa akin. “Tara na sa simbahan! Kayo kasi ang kupad-kupad ninyo! ‘Lina kayo!” mabilis na sagot ko. Tinalikuran ko na ang dalawa at tinungo ang kama at madaliang sinuot ang wedding gown ko. Tss! Ayokong pa proxy, ‘no! Patungo na ako ng pinto kahit hindi ko pa naisasara nang maayos ang zipper sa likod ng wedding gown ko nang sumigaw ng matinis si Sierra. “Sis! Don’t tell me maglalakad ka sa isle na naka tsinelas? Maghunos diley ka!” Muntik na akong mawalan ng panimbang nang marinig ko ang sinabi ni Sierra. Sinilip ko ang paa ko at tsinelas nga ang suot ko. Napangiwi ako at bumalik sa gilid ng kama at dinampot ang isang kahon na pinaglalagyan ng mamahaling isang pares ng glass shoes. Si Cinderella kasi ang peg ko ngayong kasal ko. Isinuot ko ang sapatos at tiningnan ang paa ko. It looks perfect! Hinila ako ni Sierra paupo sa harap ng salamin at pinagtulungan na nilang ayusan ako. Hindi ko alam kung bakit ganito ang gawi ko. Para akong ewan. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ‘di ko na alam kung kinakabahan ba ako o masaya ba ako. Nakatingin lang ako sa harap ni Sierra habang inaayos niya ang buhok ko. Hindi ko makita sa salamin ang ginagawa nila dahil natatakpan ni Sierra ng katawan niya ang salamin. Napapikit ako sandali at nang maramdaman kong tumigil sila sa ginagawa sa buhok ko ay napamulat ako. I was stunned for a moment at hinawakan ang pisngi ko habang nakatitig sa sarili kong repleksyon sa salamin. Is this for real? Akala ko maayos na ang hitsura ko nang e-make over ako ni Sierra sa UK pero may iaayos pa pala ang mukha ko este may igaganda pa pala ako? Napasulyap ako sa dalawang nasa likod ko at nakita ko silang malapad na nakangiti habang nakatitig din sa mukha ko sa salamin. “Ikaw na ang pinakamagandang babae na inayusan ko buong buhay ko soon to be Mrs. Alexander Rodriguez. Dyosaaaa!” tili ng bakla. Hinawakan naman ako ni Sierra sa balikat. Nakapagkit pa rin sa labi niya ang kasiyahan. “I never thought you would marry this soon, Sis. Pero masaya ako para sa ‘yo. I know you found your happiness with Xander. I wish you all the best on your marriage!” Napangiti ako at muntik na akong mapaiyak sa sinabi ng kapatid ko. Yeah, tama siya dahil natagpuan ko ang kasiyahan at pag-ibig sa piling ni Xander. Plus the fact that I’m carrying his child make me ask nothing for more. “O, siya ! Tama na ang drama at late na ang bride! Kaloka!” putol ni Janina na bakla. Janina s***h Junior, iyan ang mga pangalan niya. “Let’s go, Sis. Your soon to be husband is waiting for you,” nakangiting saad ni Sierra habang nakalahad ang palad sa akin at inalalayan ako palabas ng bahay. Pagdating ng kotse namin sa simbahan ay agad kaming sinalubong ni Rachelle pababa pa lang kami ng sasakyan. “Gosh, Best! Late ka na! Nagkakagulo na sa loob ng simbahan!” Nag-pout ako sa binalita ni Rachelle na tumatayong candle sponsor ko at kapartner niya si Shin. Si Levi naman ay bestman partner si Sierra. Si Ethan ay chord sponsor partner ni Sofia at si Lex at Prill naman ang veil sponsor. Parang dalawang minuto lang ako nahuli, eh! Saka wala akong balak indyanin si Xander! Tahimik kaming tatlo na tinungo ang pinto ng simbahan. Narinig ko pa ang boses ni Levi at Ethan na inaaaar si Xander. Mukhang nasa bandang pinto lang sila. Nandito kasi ako sa labas kaya ‘di ko nakikita kung nasaan talaga sila. “Dude, baka natauhan na si Sienna at ayaw nang pakasal sa ‘yo?” pang-aasar ni Levi. “Shut up, Alvarado kung gusto mo pang mabuhay!” “She’s late, Dude! Mabuti pa magsimula ka ng magdasal sa lahat ng santo!” asar naman ni Ethan. Narinig ko ang pagpalatak ni Xander na marahil at naiinis na sa pang-aasar ng dalawa. “Or maybe, kinidnap uli siya ni Keiv para buweltahan ka, Dude!” panggagatong ni Levi. “Tsk! Sadyang natauhan lang si Sienna! Haha!” narinig kong dugtong ni Ethan. Narinig ko ang pagsipulasan nila nang makita ko ang pagpasok ni Rachelle sa loob. Sinilip ko ang loob ng simbahan dahil hindi naman nakapinid nang maayos ang pinto at nakita kong tulak tulak na ni Levi ang wheelchair ni Xander papunta sa harap kung saan sila dapat nakapuwesto. Pagbukas ng pinto ay pumailanlang ang kantang The Marriage Prayer. Dahan- dahan akong naglakad kasunod ng maliit at cute na mga flower girls na nagsasaboy ng petals ng rosas sa isle na nilalakaran ko. Nakislapan ang mga camera at lahat ng bisita na nadaanan ko ay nakangiting bumati sa akin. Ginantihan ko naman sila ng ngiti at pasasalamat. Kung kanina ay parang inaatake ako ng katamaran, ngayon naman ay parang gising na gising ako! Daig ko pa ang naka shabu sa sobrang high na nararamdaman ko. Para na nga akong nasa langit! Sinulyapan ko si Xander na nasa harap at bakas sa mukha ang pagkainip kahit na nakangiti. Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Nakita ko ang pagpawi ng ngiti sa labi ni Xander at tinangka na ngang pagulungin ang wheelchair para makalapit sa akin ngunit pinigilan siya ni Levi. Lahat ng mata ay naka-focus sa akin. Parang nagdududa sa maari kong gawin but hell! Kinakabahan lang ako and nothing else! I’m halfway in front of the altar nang manlaki ang mga mata ko nang makitang dahan-dahang tumayo si Xander mula sa pagkakaupo sa wheelchair. Agad naman siyang inalalayan ng mga kaibigan pero pinigil niya ang mga ito! Napasinghap ako nang magsimula siyang maglakad nang marahan palapit sa akin. Gusto kong takbuhin ang pagitan namin ngunit para akong pinako sa kinatatayuan ko! Oh, God! Nakakalakad na si Xander! He can walk! Yes, he can walk! Magaling na siya! Piping sigaw ko sa sarili. Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko para salubungin siya. Saka lang ako napaluha nang makita ang pagsisikap ni Xander na makalapit sa akin! Oh, thank God! This is the best gift ever! Kasabay ng kanta ay ang pagbuhos ng luha ko. I can’t help myself but cry dahil sa napakagandang regalo na ito! Nang magkalapit kaming dalawa ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit. “Oh, dovey! Hindi ako makapaniwalang nakakatayo ka na!” “You walk too slow, Love. Let’s get this ceremony done.” Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinitigan ang guwapo niyang mukha na lalong pinaguwapo ng nakangiti niyang mga mata. And he’s wearing that mischievous grin! “Impatient aren’t we, dovey?” I heard him groaned ang tried to kiss me on my lips when we heard a loud gasps. Para kaming natauhan. Marami pala kami ditong nasa loob ng simbahan at halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa aming dalawa. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan namin na napapailing. Akala kasi namin kami lang dalawa. I giggled at the thought. Magkasabay kaming naglakad nang marahan hanggang sa makarating kami sa kinatatayuan ni Levi at ng mga magulang namin. Si Daddy ay hindi na ako hinatid patungo sa altar dahil naka-wheelchair na rin. Magkatabi sila ni Nanay. Hinanap ko ang Daddy ni Xander ngunit wala siya. Tanging ang Mommy at ang ate niyang si Ate Xyra ang nandito plus ang malalapit na kamag-anak nila. Hindi ko man gustong paapekto dahil sa wala ang presensya ng ama ni Xander sa pinakahalagang event sa buhay namin pero hindi ko maiwasan ang pagbigat ng dibdib ko. Huminga ako nang maluwag para alisin ang negativity sa isip at damdamin ko. Darating din ang panahon na matatanggap ng Daddy ni Xander ang pamilya ko. I hope so. Pagkatapos naming magbigay galang sa aming magulang ay marahan akong inalalayan ni Xander sa altar. We locked gazed at each other and smiled. Kung hindi pa tumikhim ang pari ay hindi pa kami matatauhan. “ . . as you dedicate yourselves to one another, we are mindful of the presence of God around us. “ Xander slides the ring half way on my ring finger and look directly into my eyes. “The feeling hit me the moment we made eye contact in class. It was so immediate and powerful—far deeper and inexplicably beyond any calculation of time and place,” sabi ni Xander na parang bang inaalala ang unang araw ng pagkikita namin. “You make me happier than I could ever imagine, Sienna. So I’m not going to ask you to make any promises, and I won’t make any either. I’m just going to say that I love you, will always love you, and that you are the only person I’ll ever love this much. I will try in every way to be worthy of your love. I love you very much, Sienna Ransley.” He declared and totally slipped the ring on my finger and kissed it. Nakatitig lang ako kay Xander habang hinahalikan niya ang likod ng palad ko partikular na ang daliri ko kung saan niya isinuot ang singsing. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko ang sincerity sa bawat katagang sinasabi niya. Ang sarap pakinggan at hindi ko naman napigilang mapaluha. “Sienna, it’s your turn,” sabi ng pari na pumutol sa daloy ng isip ko. Kinuha ko ang isa pang singsing sa maliit na pillow na hawak ng ring bearer and slide it halfway on his ring finger too. Tumingin din ako sa mga mata ni Xander habang sinasabi ko ang vow ko. “I, Sienna Ransley choose you, Xander Rodriguez to be no other than yourself, loving what I know of you and trusting what I do not yet know. I promise to laugh with you when times are good, and endure with you when times are bad. Thank you for understanding me all the time and thank you for not giving up on me even though I almost gave up on you. I will love you always. ‘Till death do us part,” sabi ko at tuluyang isinuot sa daliri niya ang singsing. Mas lalo lang akong napaiyak but Xander kissed my tears away. “Alexander and Sienna, as the two of you have joined this marriage uniting as husband and wife, and as you this day affirm your faith and love for one another, I would ask that you always remember to cherish each other as special and unique individuals, that you respect each others thoughts. Be able to forgive, do not hold grudges, and live each day that you may share it together - as from this day forward you shall be each other’s home, comfort and refuge, your marriage strengthened by your love and respect.” “Father, tapos na po ba?” tanong ni Xander na nagpatawa nang mahina sa mga tao sa likuran. Nakangiti naman akong bumaling ng tingin kay Xander. “Not yet, dovey,” mahinang sagot ko. “Ang tagal, eh. Father, can I kiss my bride now?” atat na tanong ni Xander. Hindi talaga mapigilan ang pagkainip. Lalo tuloy umugong ang tawanan sa mga saksi namin! “Maghintay kayo. Masyado kayong nagmamadali,” sabi ng pari. Natahimik kaming dalawa ni Xander. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Xander sa kamay ko. “Alexander and Sienna, in so much as the two of you have agreed to live together in matrimony, have promised your love for each other by these vows, the giving of these rings and the joining of your hands, I now declare you to be husband and wife.” Umugong ang tuksuhan ng mga kaibigan ni Xander. Nangunguna talaga si Levi. “E-torrid kiss mo na, Dude! Alam naming kanina ka pa atat!” sigaw ni Levi na sinabayan pa ng palakpak. Sumipol naman si Ethan at tatawa- tawang nakikinig at nanonood lang sa amin si Shin. “Congratulations, you may kiss your bride,” dugtong ng Pari na nakatingin kay Xander. Humarap kaming dalawa sa isa’t isa. Hinawi ni Xander ang veil ko habang nakatitig lang sa mga mata ko. Marahan niyang inangat ang baba ko to have a full access on my lips. “I love you, Mrs. Rodriguez.” Umugong ang palakpakan ng sinakop ni Xander ang labi ko para sa isang mariin na halik. I automatically shut my eyes closed at para bang may sariling isip ang mga kamay ko na yumakap sa leeg ni Xander and I responded to his kiss. “Tama na ‘yan! Reserba n’yo na lang ‘yan mamaya!” sigaw ni Ethan na nagpamulat sa mata ko. Tinapos ni Xander ang paghalik sa akin pagkatapos ng halos dalawang minuto ngunit nakadikit pa rin ang mga noo namin. Pinahid ko ng daliri ko ang gilid ng labi ni Xander dahil may dumikit na kaunting lipstick. “I love you,” bulong ko sa kaniya. “I love you more, My Wife.” Sinakop uli ni Xander ang labi ko at muli ay narinig namin ang masigabong na palakpakan kasabay ng pagkislapan ng mga camera. “Mommy!” Napakislot ako nang marinig ang maliit na boses ng anak ko na humahangos na pumasok dito sa loob ng kuwarto namin ng Daddy niya. Naputol tuloy ang pagdaloy ng aking alaala. I checked my daughter. Pinagpawisan pa siyang lumapit sa akin na bitbit pa ang Queen Elsa doll niya na binili pa ng Daddy niya sa ibang bansa noong 5th birthday niya, nila ng kakambal niya. Lumuhod ako sa harap ng anak ko at pinahiran ang butil- butil na pawis niya sa noo. “What’s the problem, darling?” takang tanong ko. Nakikita ko kasi ang takot sa mukha ng anak kong babae. “Mommy, si Spade. He’s dead!” sigaw niya nagpagulantang sa akin. Spade, her twin brother is... dead?!” Para akong hihimatayin sa ibinalita ng anak ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.2K
bc

STEP-BROTHER (SPG)

read
2.3M
bc

Be Mine Again

read
99.2K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

My Favorite Subject

read
218.3K
bc

A Night With My Professor

read
497.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook