Chapter 2

2087 Words
Sienna’s POV I ran as fast as I could para makarating agad sa swimming pool kung saan sinabi ng anak kong si Nady na nalunod ang kakambal niyang si Gab. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko sa ribcage ko sa sobrang kaba sa maaring nangyari sa anak ko. “Yaya nasaan si Gab?” agad kong tanong sa yaya ng mga anak ko. “Nasa pool po,” walang anumang sagot niya. Nalunod na sa pool ang anak ko at iyon lang ang masasabi niya! “Gab!” bulalas ko nang suyurin ko ng tingin ang pool at nakitang nakatihaya na nakalutang sa tubig ang anak ko. Hindi ko alam ang gagawin, nanginginig ang buong katawan ko habang nakikita ang anak ko! Bakit hinayaan ni Glenda ang anak kong nalulunod sa tubig? “Mommy!” iyak ni Nady. “Yaya, tawagan mo si Xander dali!” natatarantang utos ko. “Po?” takang tanong ng yaya. “Call Xander now or I’ll bring you to hell!” bulyaw ko. “Pero bakit po?” “Tinanong mo pa! Hindi mo ba nakikitang nalulunod ang anak ko?!” “Ha? Eh, hindi naman...” “Mommy, what’s going on?” Marahas akong napalingon sa pinanggalingan ng boses ng anak ko. Nakitang kong nakadilat ang isang mata niya habang nakalutang pa rin sa tubig. “Gabriel! Oh, God! You scare the hell out of me! Get out of the water now!” malakas kong utos. Oh, God! Muntik na akong mamatay sa pag-aalala pero ayon ang anak ko! Playing tricks with his twin sister again! “Mommy, Spade is not dead?” napapasigok na tanong ni Nady. Lumuhod ako para makapantay ko ang anak kong si Nadine. “Darling, Spade’s not dead. Stop crying, okay?” “I was–was very scared…” nauutal na sagot niya. “I was scared too, but he’s not dead. Okay?” malumanay kong sagot at niyakap ang maliit na katawan ng anak ko para payapain ang loob niya. “I love Spade, Mommy. I love you and Dad.” “Of course. Mommy knows that and we love you more, Princess. Come, let’s talk to your brother.” I wiped her tears and smiled at her. Bawat butil ng luha ng anak ko ay parang binibiyak ang puso ko. Ganoon yata ang lahat ng ina. Kapag nakikitang umiiyak at nasasaktan ang anak ay doble-doble pa ang nararamdaman naming mga ina. “Stop crying, Nady. Everything’s fine.” Nang tumayo ako ay nakita kong umahon na mula sa tubig si Gab at tinutuyo ang katawan gamit ang tuwalyang binigay ng yaya niya. Nahagip pa ng mata ko ang pagsama ng tingin ni Gab kay Glenda nang abutin nito ang towel. Gab has this attitude na ayaw magpatulong. Kung kaya niyang gawin, ginagawa niya. A bit like Xander but I think he’s more like his Grandfather. The mighty Gabriel Rodriguez. Nakatingin siya sa amin ng kapatid niya habang papalapit siya. The way he walk speaks authority even at early age. Masasalamin talaga sa kaniya ang katangian ng isang Rodriguez. “Mom,” he uttered. Kahit marahan lang ang pagkakasabi niya ay mababakas sa mukha niya ang kahandaan sa maari kong sabihin. “How many times do I have to tell you never to play tricks with Nady?” saway ko. “I never play tricks on her, Mom,” he answered. “She concluded,” he added. Tiningnan ko ang anak kong babae and saw her pouted her lips. Parang biglang sumakit ang ulo ko dahil sa ginagawa ng mga batang ito. “Sorry, Mom. I saw Spade floating in the water so...” “I’m a good swimmer. I won’t let myself drown to death, Nady,” putol ni Gab sa sasabihin ni Nadine. Yeah. I call him Gab, just like the others. Matigas lang talaga ang ulo ni Nady at gustong maiba kaya Spade ang tawag sa kapatid. Anyway, his name is Spade Gabriel Rodriguez. “But I was sooo worried about you! That’s–that’s why I called Mom.” “What’s new? You’re always jumping into conclusions. Tch.” “It’s not bad to feel worried. If you’re in my place, wouldn’t you be worried about me if you see me floating in the pool?” “Of course I would be worried.” “Exactly!” Nady exclaimed. “Yeah. Coz I know you’re not a good swimmer.” Lalong nanulis ang nguso ni Nady dahil sa sinabi ni Gab. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawang bata na kanina pa nagsasagutan. Goodness! Baka kapag pinag-aral namin ng abogasya ang kambal ay baka maglaban pa sa korte ang dalawang ito! “Mom, you fell silent. What’s wrong?” untag ni Gabriel. “Mommy’s worried about you, Spade. I thought she’s gonna faint. But thanks God she did not.” “Yeah–I…” “If she fainted, I can’t carry Mommy the way Dad carry her. Mabigat kasi si Mommy, eh! Only Dad can carry her.” Gusto kong mag-pout din this time. Ang daming nalalaman nitong si Nady. “Mom even asked yaya to call Daddy. Dad must be on his way now. Lagot ka,” dagdag ni Nady na tinakot paang kapatid. “Tch.” “Ahm–Gab, you––” “You gotta be ready Spade. Dad will get mad at you,” dagdag uli ni Nadine. “Nadine–” “Dad will lock you on your room and monsters will eat your body inside your room and throw your bones outside the window.” Nakita ko namang napailing si Gab habang nagpupunas ng buhok. Napabuntong-hininga ako. Hindi na ako makasingit. “And Daddy will–” “Alexa Nadine!” malakas kong tawag sa pangalan ng anak ko. “Yes, Mom?” tanong niya habang nakatingala sa akin with her sparkling innocent eyes. “Go to your room and get your dress change now.” “Yes, Mom!” mabilis niyang sagot. “By the way Spade, I borrowed your laptop. I want to play games sana, eh kaso all my favorite games were not yet installed on your lappy so I installed some. I know you won’t get mad at me. You love me right?” mahabang dugtong ni Nady at tumakbo papunta sa yaya niya at hinila ito paakyat sa kuwarto. Kung si Gab ay ayaw ng yaya si Nady ay hindi makakakilos kapag walang yayang nag-alalay sa kaniya. Gab shook her head. Alam kong mapagpasensya si Gab sa kakambal niya. Gab loves Nady very much. “I’ll go too, Mom,” paalam ni Gab ngunit pinigilan ko siya. “Stay, Gabriel. May sasabihin ako sa ‘yo.” Tumango ang bata at waring nakakaintinding nanatili sa harap ko. I folded my arms on my chest while staring at my little boy na nakayuko sa damuhan. At a very young age, kamukha na niya ang Daddy niya. Parang pinagbiyak na bunga. A carbon copy. Kahit sa pag-uugali nakikita ko si Xander sa kaniya. Nag-squat ako para makapantay sa anak ko. Hinawi ko ang ilang hibla ng basang buhok niya na bumagsak sa noo niya. “You know how much your sister loves you, Gab. Huwag mo na uli siyang tatakutin. Okay? Don’t play tricks on her. Do you understand?” “I do, Mom. But I didn’t play tricks on her. She concluded. I love her too, more than she loves me.” I smiled at the little boy and hugged him tight. “I know.” “I’m sorry I scared you, Mom. I never intended to do so.” “It’s fine now, Little Prince. Just don’t do anything like that whenever Nady is around. She’s scared of losing you.” “Don’t call me that, Mom!” sagot niya at kumalas ng pagkakayakap sa akin. “What? Prince?” “No. Little. I’m a big boy now. Tch.” My lips formed an ‘O’ when I heard him. Big boy na daw ang anak ko. O, siya sige, pagbigyan na. “I’ll see you at dinner, Mom. I love you. Akyat na po ako sa kuwarto ko.” “Alright,” sagot ko at napapabuntong- hiningang sinusundan ng tingin ang anak kong lalaki. Napakislot ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likuran ko. Nang lingunin ko ang may gawa niyon ay walang iba kung hindi si Xander lang pala. “What are you doing here?” takang tanong ko. He gently bit my earlobe na nagpanayo sa balahibo ko. “You forgot, lovey pinatawagan mo ako kay Glenda. So, I rushed to get here,” he answered his breath fanning on my ears. Bahagya akong kumawala kay Xander at pinihit niya ako paharap. He showered tiny kisses on my face and kissed me on the lips after. “Kung alam mo lang muntik na akong panawan ng ulirat kanina!” sagot ko na binabalewala ang ginagawa ni Xander kahit na tila kinukuryente ako sa ginagawa niya. “Yeah. Kulang na lang na sabihin ni Gab na nagmana sa ‘yo si Nady.” “What?” bulalas ko. “Hindi ba? You heard your son. Nady’s jumping into conclusions, so are you. Correct me if I’m wrong, lovey,” bulong ni Xander sa tenga ko. I know he’s intentionaly teasing me. “Hindi ako ganoon,” pagtatanggol ko sa sarili. “Oh, really?” hindi kumbinsidong sagot ni Xander. “Psh! Kay Gab ako natatakot. Baka maging katulad mong playboy!” “I doubt it, lovey. I can see it.” “Katulad na katulad mo siya! Mukha, ugali, lahat!” “Nagtaka ka pa eh, ako ang tatay. Magtataka ako kung singkit ang mga mata niya nang ipanganak mo siya.” Natawa ako nang mahina. “Kumusta sa office? Napauwi ka tuloy nang maaga. Sorry, dovey. False alarm.” “Okay lang. I can make my time worth the while. Let’s go to our room and start the job for another twin,” Xander said and grinned at me showing his perfect set of white teeth. “I would love to, dovey. Pero sana magmana na lahat sa akin.” “Beg for it, lovey. Remember ako ang gumagawa,” Xander teased. Hindi ko pa rin mapigilan ang mamula dahil sa sinabi ni Xander. Mula nang maging mag-asawa kami, Xander never fail to make me tremble with his words. ‘Yon bang kahit matagal na kaming mag-asawa aynanginginig pa rin ako sa tuwing hawak niya ako at lalo kapag bumubulong siya ng mga salita ng pag-ibig. But still, I never get tired of his declarations of love. For now, he wanted me to spend most of my time at home taking care of our twins. Pinayagan niya akong bisitahin ang mga bakery at restaurants namin dito sa Pilipinas pero once in a while lang. Kapag wala sa bahay ang mga bata at nasa Kingsville saka lang ako nakakadalaw sa business namin. Most of the time sa telepono na lang kami nagkakausap ni Rachelle. Pero alam kung hindi rin masyado matututukan ni Chelle ngayon ang business namin dahil nagpe-prepare din siya for her wedding. Yes, we’ll hear wedding bells soon. Kahit paano masaya ako para kay Chelle. Kahit na hindi niya mapapakasalan ang lalaking alam kong mahal niya nang sobra. Xander always make sure na may time siya para sa amin ng mga anak niya. Kahit na busy siya sa office at maraming pinupuntahang business conference, still hindi siya nakakalimot na tumawag at kausapin ang dalawang anak namin. I don’t know, kahit magkakasama naman kami lagi pero kapag kausap siya ng kambal sa telepono, miss na miss nila ang Daddy nila na parang bang ang tagal nilang hindi nagkita. Seeing Gab and Nady’s face lit up whenever they talk about how their days went is my ultimate hapiness. Seeing them so happy and how they love each other makes me the most happiest Mom in the world. “You’re spacing out, lovey. What were you thinking?” untag ni Xander na nakatunghay na sa akin. Kanina pa pala siya may binubulong sa akin pero hindi ko napagtutuunan ng pansin. “Ah, wala. Akyat na tayo sa kuwarto?” anyaya ko. “I can’t refuse such wonderful invitation,” sagot niya na nakangisi pa at napatili ako nang bigla na lang niya akong binuhat at dinala paakyat ng hagdanan. “Dovey! Ibaba mo ‘ko! Kaya ko pang maglakad!” “Stay still, lovey. Hindi mo gugustuhing gumulong tayo dito sa hagdan.” Hindi na ako umimik at hindi na rin nagpumiglas. Ikinawit ko na lang ang mga braso ko sa leeg ni Xander at inilapit ang mukha ko sa tenga niya. I bit his earlobe gaya ng ginawa niya kanina sa akin. I heard him groaned. Gusto ko siyang lalo pang tuksuhin pero natatakot akong baka mahulog kami sa hagdanan. Magaling na ang mga paa ni Xander at ayokong madisgrasya uli siya. “You’ll pay for that, lovey. I’ll give you your punishment now,” he said in a husky voice. Napakislot ako nang marinig ko ang malakas na pagbagsak ng pinto pasara. Tinitigan ko si Xander at malapad ang ngiti niyang nakatunghay din sa akin. “You’re so beautiful that I can’t let the day passed without looking at you, lovey.” “Shut your mouth and start kissing me, Rodriguez,” saad ko na pinaakit ang boses. “I am more than willing, My love,” Xander answered and pinned me on the bed before I knew it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD