Sienna’s POV
Magkaharap kaming apat ngayon sa dining table at kumakain ng hapunan. Napansin kong tahimik lang si Nady at parang walang gana.
“Nady, what’s wrong?” hindi nakatiis kong tanong. Napaangat naman ng mukha si Xander mula sa pagkain at tiningnan si Nady. Pinaglipat -lipat niya ang tingin sa amin ng Daddy niya at nagbuntong-hininga.
“Tomorrow is monday,” matamlay niyang sagot.
Nagkatinginan kami ni Xander. “What’s the problem, sweetheart? Aren’t you excited about school?” tanong ni Xander.
“I’m excited, Dad but I’m worried, too.”
“Why? May problema ba sa school? Ayaw ba sa ‘yo ng teachers mo? May nang-aaway ba sa ‘yo?”
“Yes, Mom.”
Binalingan ko si Gabriel na nang tumingin sa akin ay agad na nagyuko ng ulo. “I didn’t know about it, Mom.” His voice was apologetic.
“They did it to me kapag hindi ko po kasama si Spade. They kinda scared of Spade po kasi, Mommy.”
Nagulat ako sa sagot ni Nady. Bumaling ako kay Xander. “Dovey! Inaapi na pala ang anak natin sa Kingsville! Do something about it!”
Binitawan ni Xander ang kubyertos at tiningnan si Nady na nakayuko. “Nadine, is that true? May nang-aaway sa ‘yo sa school?” paninigurado ni Xander.
“It’s my classmates, Daddy. Lagi po nila kinukuha ang baon ko. And sometimes they hide my bag!” naka-pout nitong pagsusumbong.
Napahinga ako nang maluwag. Akala ko naman teacher ang nang-aapi kay Nady. Classmates pala niya. Away bata.
“Remember what Daddy told you, sweetheart? Kapag may problema ka ay sabihin mo agad kay mommy mo o sa akin.”
“Yes, Dad. Pero don’t worry po. Hindi ko na lang po sila papansinin. They can have my baon and my bag.”
“That’s good, darling. Pero kapag sinaktan ka nila huwag kang tatahimik lang, ha? Prove to them that you’re not Nady Rodriguez for nothing,” nakangiti kong sagot.
“Lovey...”
“What,” takang tanong ko kay Xander. Bakas kasi sa boses niya ang pagbabanta.
“Tinuturuan mo naman gamitin ni Nady ang pangalan niya. Mamaya baka lumaki ulo niyan,” mahinang bulong niya sa akin.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Dovey, I just want to boost her confidence. Hindi naman siya mayabang! You knew your daughter more than anybody else!”
“I know that.”
“Mommy, Daddy what are you whispering about? ‘Di po kasi namin marinig ni Spade, eh! If your planning to make another twin, not now please?”
Muntik na akong maubo dahil sa sinabi ni Nady. Pigil naman ni Xander ang sarili na matawa nang malakas. “Ahm...” I was rendered speechless.
“Don’t worry, Mom. Babantayan ko po si Nady kapag nasa school kami,” presinta ni Gab na tinapos na ang pagkain at nagpahid ng bibig.
“Will you do that?”
“Yes, Mom. I’ll take care of Nady. She’s my twin sister and I don’t want anybody to hurt her.”
Napangiti ako nang matamis sa sinabi ni Gab. I know he’s true to his words. Alam kong gagawin niya ang sinasabi niya. At a very young age nakikita na namin ang pagpapahalaga ni Gab sa kapatid and we’re very thankful for that. Naalala ko nga noong bumisita dito si Ate Xyra, sinabi sa akin ni Ate Xyra na napakatalino ni Gab at napakaseryosong bata. So much like of her father, Gabriel Rodriguez. Biniro pa nga ako ni Ate Xyra na baka paglaki ni Gab ay magiging isa siyang tyrant business tycoon. But I know in myself the my son wouldn’t be someone like his grandfather.
Nakita kong bumaba si Nady mula sa inuupuan niya at lumapit kay Gab at yumakap. “Spade, you’re the best twin brother I ever have,” narinig kong saad ni Nady na nakayakap mula sa likuran ni Gab.
Napangiti din si Gab at hinarap si Nady. Nagulat ako nang halikan ni Gab si Nady sa noo. Nagkatinginan kami ni Xander na malapad ang ngiti.
“You’re the most madaldal but the prettiest twin sister I ever have,” malumanay na sagot ni Gab. “Kapag inaaway ka, don’t ever cry okay?” dagdag ni Gab.
Xander leaned closer to me and whispered. “They’re not just twins, lovey. They are the best of friends. Thank you for taking care of our twins. I love you.”
“Thank you for being the pillar of our strength, dovey. Hindi magiging ganito kung hindi dahil sa ‘yo. Thank you for being a good provider of our family, a good husband to me and a good father to our twins. I love you more,” I whispered back and gave him a peck on the lips.
“Ehem. You’re not done eating yet. Can you postpone whatever you had in mind?” puna ni Gabriel.
“We had nothing in mind but your welfare, son,” sagot ni Xander.
“I am sorry, Dad,” hinging paumanhin ni Gab.
“Kasi naman Daddy, whenever you look at Mommy parang gusto mo po siyang kainin ng buo. Is Mommy that yummy?”
Humagalpak ako ng tawa at napatigil rin ng bigyan ako ni Xander ng warning look.
“Where did you learn that?”
“Ahh,” saad ni Nady na nag-ksip pa. “I heard Ninong Shin saying something like that.”
“Tsk,” palatak ni Xander.
Tumakbo si Nady palapit kay Xander at kumalong sa ama at yumakap nang mahigpit. “My Daddy, I love you.”
“Oh, How sweet of you, Nady,” sagot ni Xander at gumanti ng yakap sa anak.
Muntik na akong mapaiyak dahil sa nakikita kong eksena. Pagmamahal talaga ang nagpapatibay ng relasyon namin as a family. I can’t deny the overwhelming affection of our twins. No wonder, kasi love ang unang natutunan nila mula sa amin. Kinurap ko ang mga mata para alisin ang nagbabantang luha sa mata ko. Nakita ko si Gab na bumaba din sa inuupuan niya at akala ko ay aalis na sa hapag ngunit lumapit na rin siya sa akin at yumakap.
“Since Nady is hugging, Dad. I’m here to hug you, Mom,” Gab said wearing a lopsided smile. Hinila ko ang anak ko palapit sa akin at niyakap din nang mahigpit.
“Oh, the way you smiled, memories came flashing on my mind, Anak. Hindi talaga maipagkakailang anak ka ng tatay mo!”
“Mom, parang hindi pa kayo makapaniwala!”
I chuckled at niyakap pa nang mas mahigpit si Gab.
“Spade!” mahinang tawag ni Nady. “Switch.”
Agad namang nakaintindi si Gab at humalik sa aking pisngi bago lumipat sa Daddy niya. Agad ding bumaba si Nady mula sa pagkakandong sa Dad niya at lumipat sa akin. Natawa na lang kami nang mahina ni Xander. Mabuti na lang at tapos na kaming kumain—oh, not yet pero busog na kami sa pagmamahal ng kambal na pinaparamdam sa amin.
“I miss you, Mommy!” bulalas ni Nady na akala mo naman ilang araw na hindi kami nagkita. Inihilig niya ang ulo sa dibdib ko at yumakap ang maliit niyang braso sa leeg ko. How I love this two little treasures of our lives. Ano na lang ang gagawin ko kapag lumaki na sila at humiwalay sa amin? I can’t take it. I wish we can stay like this forever. I wish they will stay as kids.
“Lovey, let’s go to our room. Doon muna ang kambal ngayong gabi.”
“I love that, dovey.”
Pumalakpak pa si Nady upon hearing what her father said. Mabilis pa sa alas kuwatrong naglambitin sa Daddy niya at nagpakarga paakyat ng kuwarto habang hawak naman ni Xander ang kamay ni Gab. Napapangiti akong sinundan ng tingin ang mag-ama ko habang paakyat ng hagdan. Seeing my family so happy is my ultimate happiness. Happiness beyond compare. Kahit kailan, hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko sa kahit kanino at sa kahit anong bagay no matter what happens.
“Lovey!” tawag ni Xander sa akin nang maramdamang hindi pa ako tumatayo.
“Susunod ako, dovey. Mabilis lang ako,” sagot ko at tinawag na si Glenda para ayusin ang dining table.
“Mommy! Make it fast!” malakas na bilin ni Nady.
Napailing na lang ako habang sinusundan sila ng matamis na ngiti.