Chapter 4

1927 Words
Sienna’s POV “Nady, remember what Daddy told you, ha? Take care, darling. Gab, be good,” paalala ko sa mga bata at hinila na sila ni Glenda papasok ng Kingsville University. Nilingon ako ng kambal at isang beses pang kumaway bago tuluyang pumasok. Pagkatapos kong suyurin ng tingin ang Kingsville ay pumihit ako paalis ng school ground at napansin ko ang isang lalaking nakatayo sa isang poste. Pagkatapos ay may lumapit pa na isang lalaki dito at nagbigay ng isang plastic ng softdrink. I shrugged. Mukhang kaduda-duda ang likot ng mga mata pati na ang kilos nila. Baka may hinihintay lang siguro sila. I shrug some thoughts out of my head. Bumalik na ako sa kotse at tinawagaan muna si Glenda bago umalis. I just wanted to be careful dahil hindi naman masama ang maghinala lalo na sa mga taong hindi pa nakikilala. “Hello, Glenda?” “Yes, Ma’am?” narinig kong sagot sa kabilang linya. “Mamayang uwian, huwag muna kayong lumabas ng mga bata sa campus premises hangga’t wala ang sundo. Am I clear?” sabi ko kay Glenda. Panay ang sulyap ko sa dalawang lalaking nakatayo sa poste na panay din ang sulyap sa kotse ko. Tinted kasi ang salamin ng kotse ko kaya hindi nila alam na pinapanood ko sila. Nang marinig ang sagot ni Glenda ay binaba ko na ang phone at pinatakbo na ang kotse paalis ng Kingsville. Napabuntong-hininga ako. Napaparanoid lang siguro ako but I can’t help it. Hindi ko maiwasan ang magduda. Maraming kaaway si Xander pagdating sa negosyo. Hindi naman maiiwasan iyon because Xander always do good on his job. Hindi lang naman si Xander ang may kaaway kung hindi pati na rin ang ama nito. Hindi ko naman hinihingi pero gusto ko lang mag-ingat pagdating sa kaligtasan ng mga anak ko. Pinarada ko ang sasakyan sa parking space ng SM at nagmadaling bumaba. Kailangan ko kasing bumili ng mga kakailanganin ng mga bata para sa pag-aaral nila nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki na nakatayo sa loob ng National Book Store. Patago akong pumasok ng book store at lumapit sa kausap niyang babae. Nagkunwari akong may hinahanap. Hindi naman nila ako makikita dahil nakatalikod naman sila sa akin. “What about her? Hindi mo na ba siya mahal?” narinig kong tanong ng babae. “Hindi ko siya mahal! It is you that I love.” Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. Walangyang lalaking ito! “Ipagpawalang bisa ko naman ang kasal namin kapag nakuha ko na ang gusto ko so that we can be together. Believe me, please?” Shit! Sarap batukan ng lalaking ito! Ipagpawalang bisa ang kasal? Hindi pa man ay… “Bakit kasi kailangan mo pa siyang pakisamahan? Bakit hindi na lang tayo ang magsama?” tanong ng babae. Sarap nilang pag-untugin na dalawa! “I need her money. Alam mo namang bankrupt ako ngayon…” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Aba, gago ‘yon,, ah! What the hell! Dahan-dahan akong umalis na sa lugar na iyon. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa galit! Bwisit na lalaking iyon! Pinagkatiwalaan ko siya tapos manloloko pala? Pera lang pala ang habol niya? Kinuha ko ang cellphone sa dala kong bag at tinawagan ang isang malapit na kaibigan. “Hello, Handsome. Matagal kang nawala, it’s time for you to come back.” Pasulyap-sulyap lang ako kay Xander habang nagkakasalo kami sa dinner kasama ang kambal. May gusto akong sabihin ngunit nag-aalinlangan ako. Nasa harap kasi kami ng kambal at ayokong marinig nila ang tungkol sa itatanong ko. “You’re throwing me glances, lovey. Anong problema?” mayamaya’y tanong ni Xander. Umiling ako. “Hindi na ba ako puwedeng sumulyap sa guwapong mukha ng asawa ko?” Nakita kong napangiti si Xander. “Bakit ka nakangiti?” “Hindi na ba ako puwedeng ngumiti sa papuri ng napakagandang asawa ko?” balik na tanong niya. “Ahm... Mom, Dad. What are you doing to each other?” inosenteng tanong ni Nady. “They’re courting each other,” sabat ni Gab. “Yes, Sweetie. Dad’s courting Mommy everyday,” walang pakundangang sagot ni Xander na para bang hindi bata ang kaharap. Nag-pout si Nady. “Why Dad?” “Because I love your Mom.” “But you and Spade love me too, right Dad? Why aren’t you courting me?” naka-pout pa rin nitong tanong. “Ah, darling. Courting is for big girls and big boys only. Like us.” “Besides, courting is for two people having romantic feelings only,” sabad uli ni Gab. Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Gab. “Gab! Saan mo naman nalaman ‘yan?” bulalas ko. “Sa inyo po ni Daddy.” Nagkatinginan kami ni Xander at parehas na napailing. “I didn’t teach you that! We didn’t.” “Yes but it’s too obvious, Mom.” “What’s obvious?” nagtatakang tanong ko. “That you’re inlove with each other.” Napa ‘ohh’ kami ni Xander. Bakit feeling ko ang slow ko? Psh! Napaka-observant talaga nitong si Gab. Lahat na lang nang makikita at maririnig tinatatak niya sa isip niya. “Yes, Big boy. When you court a girl be sure that you love her.” “I’ll keep that in mind, Dad,” sagot ni Gab. “Dovey! Huwag mo ngang turuan si Gabriel! Ang bata-bata pa ng anak ko, eh!” reklamo ko kay Xander. Sinulyapan lang ako ni Xander at natawa. “How about me, Dad? Can I court, too?” Napatigil kami ni Xander nang marinig ang tanong ni Nady. “No!” sabay pang bulalas ni Xander at Gab. “Why not?” tanong ni Nady na parang maiiyak. Ibinaba niya ang hawak na kubyertos at napayuko. Oh, no! Ang babata pa ng mga anak ko! “Sweetheart,” sambit ni Xander at napabuntong-hininga. “Girls don’t do the courting.” “Yeah. You stay at home,” sabad ni Gab. Ang daya ni Xander at Gab! Hahaha! Sorry Nady, Dad and your twin brother don’t want anyone come near you. “Mommy…” tawag ni Nady sa akin at naghahanap ng kakampi. Lumapit siya sa akin at yumakap. “Dad is right, darling. Girl’s don’t do the courting. Hintayin mo na lang na maging dalaga ka na and boys will court you. But don’t think about it for now because you’re too young.” “I wan’t someone like Dad because I know how much Dad loves me, Mom.” “Yes, darling. Now, go back to your food and finish it. Okay?” “No one can court you until I say so, Nady,” sagot ni Gab na bakas ang authority sa boses. Grabe! Kung makapagsalita si Gab parang si Xander at Daddy Gabriel combined! Ang bata pa pero napaka protective na sa kakambal niya! Nagkatinginan kami ni Xander. “That’s unfair, Spade!” “It’s not.” “Daddy!” reklamo ni Nady sa ama. “Don’t make a big deal about it for mow, Nadine. Bata ka pa para problemahin ang bagay na ‘yan.” “But still, I want someone like you to court me, Daddy…” Nakanguso pa rin si Nady nang bumalik sa puwesto niya at nagpatuloy sa pagkain. “Ang galing pumili ng anak natin,” bulong ni Xander sa akin. “Tumigil ka,” nakairap kong sagot at sumubo ng pagkain. “Why? Atleast ngayon pa lang may role model na siya ng magiging kabiyak niya.” “Xander!” bulalas ko. Napatingin ako sa dalawang bata na napatingin sa akin. Sinenyas ko na magpatuloy sila sa pagkain at hinarap si Xander. “I can’t believe you have thoughts like that! Ano ka ba? Limang taon lang si Nady!” reklamo ko. “Don’t over react, lovey. Hindi ko naman pag-aasawahin si Nady nang ganiyan…” saad niya at napatingin uli kay Nady. “Tsk! Forget it! Alam mo namang lahat na lang ng naririnig nila nilalagay sa utak nila.” “You should know that,” sagot ko. “Dad, are you fighting with Mom?” tanong ni Nady. Pareho kaming napangiti kay Nady. “No, Baby. This is a part of courting, you know. Aw!” Inapakan ko ang paa ni Xander dahil sa pinagsasabi nito sa anak namin. Baliw talaga ang lalaking ito. Kung ano-ano ang pinagsasabi. “Let them be, Nady. You know Dad is always sweet to Mom. Right, Mom?” singit ni Gab. “Hehe. You’re right, darling.” Sinulyapan ko si Xander at kumindat pa sa akin. Psh! Mukhang mas gusto kong lamunin ‘tong si Xander! Kaasar! Magkatabi kaming nakahiga ni Xander at nakayakap ang isang kamay niya sa beywang ko habang ang isa ay inuunan ko. Katatapos ko lang silipin ang kambal sa kuwarto nila at payapa na silang natutulog. Sinabi ko kay Xander ang nakita ko kanina sa bookstore at ang tungkol sa narinig ko. “Let him handle it, lovey. I know he won’t allow that asshole hurt your friend.” “Pero paano kung mahuli na ang lahat? Ayoko ko siyang makulong sa kasalang walang love, dovey.” “Matalino siya, lovey. Besides, gaano naman kalaki ang makukuha ng lalaking iyon sa kaibigan mo? Tapalan ko ng milyones ang mga mata niyon hanggang wala na siyang makita, eh,” pagyayabang ni Xander. “Alam ko mayaman ka noon pa man. Thank you dahil kahit dati pa hindi mo pinaramdam sa akin ang agwat natin sa buhay.” “Hindi ko iniisip iyon dati, lovey. Besides, ginusto kong ilapit ang sarili ko sa ‘yo. Kung hindi naging tayo, eh ‘di wala sanang mga anghel na binigay sa atin,” He answered. Yes, despite all the problems we faced, we still end up with each other and I’m looking forward to spend the rest of my life with Xander and the twins. “Basta. Kahit pa, ayoko pa ring ikasal ang kaibigan ko sa lalaking iyon! Tututol ako sa kasal!” sagot ko at itinaas pa ang isang kamay ko. Natawa si Xander. “Nanay Sheryl’s right. Ikaw nga si Sienna, ang katipunera.” “Gagawin ko talaga iyon, dovey! Naniniwala kasi ako na ang kasalang walang pag-ibig ay parang kadilimang walang liwanag!” Bahagyang dumistansya si Xander sa akin at tinitigan ako. “Seriously, lovey. Ilang beses mo nang napanood ang Cinderella?” kunot noong tanong ni Xander ngunit halata naman sa boses na gustong matawa. I pouted. “I’ve watched it for the nth times. Iyan din lagi ang pinapanood ni Nady, eh.” “Tsk! Kaya pala memorize mo na ang linya roon. Next time mag-Snowhite ka, ah?” tukso ni Xander na ikinatawa ko. “Para namang akong bata no’n. Pero sasabihin ko talaga sa kaniya ang narinig ko. I’ll be happy kapag hindi natuloy ang kasal. In the first place hindi naman talaga siya ang gusto ko para sa kaibigan ko. “Let Rachelle decide on that, lovey,” sagot ni Xander at mas niyakap pa ako nang mahigpit. Hindi na nakuntento sa pagyakap sa akin at pumaimbabaw pa. He grinned at me at kinuha ang dalawang kamay ko and he entwined our fingers. Ngunit nabigla ako ng itinaas niya ang mga kamay ko and locked it using her big hands above my head. “Do you have any idea about this, lovey?” He whispered on my ear and gently bit my earlobe. Napaungol ako dahil sa ginawang iyon ni Xander. “Hmmm...” Pinaglandas niya ang daliri sa mukha ko pababa sa balikat ko. Then, he kissed my head, my eyes, my nose down to my lips. Sa labi ko nagtagal ang labi ni Xander. He’s kissing me as if he never kissed me before. I felt my body heat up. I curled my legs on Xander’s hips and pulled his body to pressed against mine to deepen the kiss. Pagkatapos ng makapugtong-hiningang halik ay tinitigan ako ni Xander. Love and passion are burning in his eyes! “What do you want me to do, My Wife?” he asked in his husky voice. Hinila ko uli ang ulo ni Xander para magdikit ang labi namin. I kissed him. “Love me like you do, dovey,” I answered between kisses and he suddenly grab my waist and made me sit on his lap without breaking the kiss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD