Gabriel's POV Nandito na ako ngayon sa swimming pool para sa practice kasama ang iba pang kasali sa team. Habang ang iba ay naghahanda nang mag-dive sa tubig, ang impostor ni Nady ay nanatiling nakaupo sa bench at parang balisa. Lumapit ako sa kaniya. “Problem?” “I think I can't make it, Gab. Masama ang pakiramdam ko,” tila nanghihinang saad nito. “Ano’ng nararamdaman mo?” tanong ko. Alam ko namang naghahanap lang ito ng rason para hindi makapag-practice dahil ang totoo ay hindi naman ito marunong. “Masakit ang ulo ko. I think I need to go home,” saad nito na pinamalat pa ang boses. “Nady, are you okay?” tanong ni coach nang makalapit siya sa amin. “I'm not feeling well, coach,” matamlay na sagot nito and I really hate her dramas! I wanted to grab her arm and throw her on the w

