Nadine's POV Pagtingin ko ng oras sa wrist watch ko ay nalaman kong mag-aalas dos y medya na ng hapon. It's four minutes before two thirty. Inayos ko na ang mga librong nakabukas sa harap ko at tumayo para ibalik iyon sa pagkakasalansan sa shelves. Tahimik akong lumabas ng library ngunit sa paglabas ko ay nakita kong nakatayo si Gabriel sa labas ng pintuan ng library. I tried to ignore him at lampasan na lang sana ito pero hindi ko magawa. He saved my life at hindi ko iyon puwedeng balewalain. Tumigil ako sa harap nito pagkatapos kong lingunin ang loob ng library. "You're waiting for someone, Gabriel?" Ngumiti ito na nagpalakas ng t***k ng puso ko. Naalala ko tuloy ang biglang pagyakap nito sa akin noong nasa clinic ako. I don't understand why he acted that way. "Ikaw talaga ang

