Nadine's POV Hindi ako magkandaugaga sa pagbaba ng hagdan nang makita ko ang nangyari. Nilukob ng takot ang pagkatao ko para sa mga magulang at mga kapatid ko. Wala na akong pakialam kung magtaka ang makakakita sa akin. Ang mahalaga ay mapuntahan ko ang pamilya ko! Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakababa ng hagdan ay nakasalubong ko ang humahangos na babaeng pamilyar sa akin kasama ang kambal na Raf at Seb na ini-escort ng tatlong malalaking tao. “Na-nady?!” nagugulumihang tanong ni Yaya Glenda. Bakas din ang pagtataka sa mukha ng kambal na marahil ay dala ng pagkagulat. Nilingon ng mga ito ang pinagdarausan ng party at hindi makapaniwalang binalik ang tingin sa akin. “Mamaya na ho ako magpapaliwanag. Kailangan kong puntahan sina Mommy,” wika ko at sinubukang dumaan sa pagitan ng t
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


