Joanna's POV “How the hell do you think I wouldn't find out, Joanna?” Hindi ko napigilan ang panginginig ng katawan dahil sa kaba at takot dahil sa intensidad ng boses ni Xander Rodriguez. Tama nga ang hinala ko! Alam na nila. Ngunit nagtataka ako kung paano? Gumawa ba sila ng test na lingid sa kaalaman ko gaya ng kagustuhan ng ama nitong si Gabriel Rodriguez? Dahil sa takot ay napayuko na lamang ako at umiyak nang umiyak. “I'm sorry po. I'm so sorry!” Paulit ulit na humingi ako ng tawad. “Sabihin n’yo lang po kung ano ang puwede kong gawin para mapatawad n’yo po ako.” I heard Xander Rodriguez heaved a deep sigh. Gayong alam na nitong hindi ako ang kanyang tunay na anak ay wala na akong dahilan pa para tawagin itong daddy. Hindi ganoon ka kapal ang mukha ko ngayon. All I feel was f

