Hinintay ko si Charmien sa labas ng school niya, dahil nga niyaya niya akong maglunch. Habang maghihintay ako ay hindi ko mapigilang naalala ang mga nangyari kanina, lalo na kina Venice at Alejandro. Sigurado akong magtatalo sila dahil sa nangyari kanina. May alam na si Venice sa nangyayari at siguradong magtatanong si Alejandro sa kanya, kung bakit wala siyang sinasabi. Muli akong napatingin sa gate ng school ni Charmien at nakita ko na siyang papalabas. Napatingin siya sa kotse kung nasaan ako. Nakita kong pasimple siyang ngumiti at naglakad palapit sa kinaroroonan ko. Binuksan ko ang pinto at bumaba ako. Sinalubong ko siya at pinagbuksan ng pinto. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin. "Kararating ko lang din," sagot ko sa kanya. Ngumiti siya bago ko isara ang pinto at um

