bc

Alexander 1: His Sweet Revenge

book_age18+
623
FOLLOW
1.7K
READ
revenge
love-triangle
contract marriage
manipulative
drama
twisted
bxg
male lead
others
crime
like
intro-logo
Blurb

Matured content.(Spg)

Alexander was imprisoned for more than 5 years and got betray by his fiancee and his boss Alejandro.

He found out that his fiancee got married at his boss, a month after he got imprisoned.

He promise to himself that when he got free from jail. He will do anything to get rid of them.

But when he meets Charmien, everything change. He fall inlove with Alejandro's sister.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
" Hey! Alex! Pinapatawag ka ni Boss." Napalingon ako sa kasamahan ko at tumango. Binaba ko ang hawak kong cards at hinayaang manalo ang kasama kong naglalaro. Naglakad ako patungo sa opisina ni Boss Alejandro. Nang makarating ako, napansin ko ang ilang kasamahan namin. Nagtataka akong tumingin sa kanila bago nalipat ang tingin ko kay Boss. "Bakit Boss?" tanong ko sa kanya. Napatitig siya sa akin saka ngumisi. Tumayo siya at lumapit sa akin. "Alexander, my very trusted man." Hinawakan niya ako sa balikat at bahagya iyong pinisil. Bago pa ako makapagsalita, nagsalita ulit siya. "May iuutos ako saiyo," sabi niya. "Ano iyon Boss?" tanong ko. " May darating na shipments mamaya at gusto kong ikaw ang kumuha doon kasama sila," sabi niya at tinuro ang kasamahan namin. "Dalhin mo iyon sa lugar na sasabihin ko, importante iyon kaya 'wag mo akong biguin," seryoso niyang sabi. Tumango ako. "Makakaasa ka Boss," sabi ko. Pagtapos ko iyong sabihin, tumalikod na ako. Bago pa ako makalabas, may sinabo siyang ikinatigil ko. "Ikumusta mo ako sa Girlfriend mo, sino nga ulit iyon? Venice? What a beautiful name." Bumaling ako sa kanya. "Yeah, it's Venice, She's my Fiancee." Napataas ang gilid nang labi niya at tumango. Tuluyan ko nang nilisan ang opisina niya at naikuyom ko ang kamao ko nang makalabas na ako. Alam ko kung bakit niya iyon sinabi. Kilala ko siya, kapag may babae siyang natitipuhan inaalam niya ang pagkatao at kapag nakuha na niya, itatapon na lang basta. 'Wag ka sanang magkakamaling kanain ang babaeng mahal ko, Alejandro. Dahil magiging kalaban mo ako hanggang sa hukay mo. "Love!" Nakangiti akong lumapit sa kanya habang may dalang bugkos ng bulaklak. She is Venice Lhaima. Nag- aaral pa siya at 2nd year College na. Samantalang ako, naka-graduate na ako at nagt-trabaho ako sa kompanya ni Alejandro. Bukod doon ay kasama rin ako sa sindikatong siya ang pinuno. Hindi iyon alam ni Venice at natatakot akong sabihin iyon. Nahihirapan din akong umalis kay Boss Alejandro dahil hindi niya ako bibitawan. Inaamin kong magaling ako sa bagay-bagay. Sa paggamit ng baril, makipaglaban at pakikipag usap sa mga taong nakakataas. Kanang-kamay ako ni Boss Alejandro, pero hindi sa kompanya niya. Magaling din akong magtrabaho sa Kompanya niya kaya maraming humahanga sa akin. Laging sinasabi na ang swerte ko, lalo na at matalino at masipag. Iyon ang nagustuhan ni Boss Alejandro sa akin. "Wow! You are really sweet, Alex! Thank you for this!" masayang sabi niya. Hinalikan ko siya sa pisngi saka hinawakan ang kamay niya. "So, where do you want to go?" tanong ko habang nasa loob na kami ng kotse. "Hmmm, can we eat somewhere? I'm hungry," sabi niya. "Okay." Nagtungo kami sa isang kalapit na restaurant upang kumain. Nang papasok na kami, may nakasabay kami. " Alexander?" "Oh, Hai sir Alejandro," pormal kong sabi at hinawakan ang kamay ni Venice. May kasama siyang babae at mukhang kakain din sila. "Oh, it's your Boss Alex! Hai sir," sabi ni Venice dito. Napansin kong nagkatinginan sila at ngumiti sa isa't isa. Bago ibinaling sa akin ni Boss Alejandro ang kanyang tingin. "Kakain rin ba kayo? Lets go together then," sabi niya. "N-Nakakahiya naman sir," sabi ko. "Okay lang naman," sabi niya at tumingin kay Venice at ngumiti. "Oonga love," ani ni Venice. Wala akong nagawa kundi ang bayaran na lang siya. Naunang pumasok sina Boss Alejandro maging ang babaeng kasama niya. "Ang bakit ng Boss mo, love," ani ni Venice. "Oo, mabait siya." Hinawakan ko ang kamay niya at sumunod na sa kanila. Nang makapasok kami kinawayan kami ni Boss Alejandro kaya pumunta kami sa table na napili niya. Inalalayan ko si Venice na umupo kaharap doon sa babaeng kasama ni Boss Alejandro, bago ako umupo. Pinakilala ni Boss Alejandro ang kasama niya sa amin. Matapos no'n ay nag-order na kami ng pagkain. "So, are you still studying, Venice?" narinig kong tanong ni Boss Alejandro habang kumakain. Napalingon ako kay Venice na bahagyang napatingin rin sa akin. "Uhm yes, I am," sagot niya dito. "Hmm, that's good to hear," sabi niya. "kailan ang kasal niyong dalawa?" Muli kaming nagkatinginang dalawa at sabay na ngumiti. Hinawakan ko sa kamay si Venice at nilagay iyon sa mesa. Kaya makikita sa mga kamay namin ang dalawang sing-sing na suot namin. "Pagkatapos niyang makakuha nang degree sa kurso niya saka kami magpapakasal," sabi ko. Tumango siya at bahagyang napatingin sa kamay namin, maging sa sing-sing na suot namin. Naging seryoso ang mukha niya saka napailing. "Well, congrats for the both of you." Tumango siya sa akin bago pinagpatuloy ang kanyang pagkain. Matapos noon ay nagpaalam na kami ni Venice sa kanila dahil may tatapusin pang thesis si Venice. Hinayaan niya kaming umalis. Nasa iisang bahay na kami ni Venice. Hinayaan kami nang bawat pamilya namin na magsama na, total ikakasal na rin naman kami. Ilang beses na nang may nangyari sa amin dahil ginusto rin namin. Nag-iingat rin kami dahil ayaw pa naming makabuo. Mabait ang pamilya ni Venice at tanggap nila ako. May kaya ang pamilya ni Venice, mayaman kumbaga. Samantalang ako, simple lang ang pamumuhay. Hindi ko maipagkakailang magandang babae si Venice. Sa katunayan nga, maraming nanliligaw sa kanya noon. Ngunit ako ang kanyang pinili at minahal. Masaya ako dahil do'n. Hindi na rin ako magtataka kung maraming nagkakagusto sa kanya. Ngunit, pinagtataka ko kung bakit kakaiba kung tumingin si Boss Alejandro kay Venice. Iyong tingin na may pinapahiwatig at nangungusap. Bahagya ko pang napansin si Venice na ngumiti kay Boss Alejandro habang nasa kotse na kami. Kakaiba rin siya kung ngumiti dito. Ayokong mag-isip nang kung ano, pero hindi ko maiwasan lalo na sa tinginan nilang dalawa. Kilala ko ang pagkatao ni Boss Alejandro, kaya hindi ko gusto ang paraan nang pagtingin niya kay Venice. Tila ba may gusto siya dito at hindi ko iyon matatanggap. 'Sana ibang babae na lamang ang iyong magustuhan, Alejandro. Huwag sana si Venice, 'wag mo sanang itulad sa mga babae mo si Venice. Huwag ang babaeng mahal ko," sambit ko sa aking sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Lone Alpha

read
35.3K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.9K
bc

The Luna He Rejected

read
139.7K
bc

Just Got Lucky

read
142.2K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
11.4K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.2K
bc

Cruel Love

read
775.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook