Chapter 2

1028 Words
Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Inilagay ko sa mesa ang hawak ko at marahang naglakad patungo sa banyo. Habang iniisa-isa kong hinubad ang suot ko. Binuksan ko ang pinto ng banyo at mukhang sinadya niya dahil ito naka-lock. Muli akong naglakad patungo sa shower. Nakita ko siyang nakahubad habang nasa ilalim ng shower. Nakatalikod siya sa akin kaya niyakap ko siya mula sa likod. "Ang tagal mo," aniya. Napangisi ako at dinampian nang halik ang balikat niya. "May tinapos lang ako," sagot ko. Napasinghal lang siya at humarap sa akin. Pareho na kaming nasa ilalim ng shower. Pinatay ko ito at kumuha ng sabon at sinimulang sabunin siya mula sa balikat. Tahimik kong sinasabon ang balikat niya patungo sa leeg niya. Nagpatuloy ako pababa sa dibdib niya at doon sinabon ko itong mabuti. Bahagya akong napangisi nang marinig mahinang ungol niya sa ginagawa ko sa dibdib niya. Muli kong pinababa ang pagsabon sa katawan niya—sa tiyan niya pababa. Napahawak siya sa balikat ko nang umabot doon ang mga kamay ko. Marahan ko iyong sinasabon at sinasabayan niya nang mahinang ungol niya. Napansin kong kumuha rin siya ng sabon. Ginaya ang ginawa ko sa katawan niya. Nang mapunta sa ibaba ang mga kamay niya. Napatingin siya sa akin. "Because of you," mahinang sabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinunggaban ko siya nang halik. Pinagsaluhan namin ang matamis na halik sa pagitan naming dalawa. Habang ang kamay niya ay patuloy na tumatrabaho sa nakasaludo ko ng bandila, na tila handa na sa matinding laban. Binuksan ko ang shower at umagos sa katawan namin ang malamig na tubig. Ngunit hindi nabawasan ang init na nararamdaman namin sa isa't-isa, patuloy kami sa aming mainit na halikan. Tinapos namin ang pagligo at binuhat ko siya patungo sa kama. Doon, pinagsaluhan namin ang mainit na gabi, na puno nang pagmamahalan. Napamulat ako nang maramdamang wala na akong katabi. Napatingin ako sa labas, ngunit madilim pa ito. Bumangon ako at tiningnan kung anong oras na. Nakita kong pasado 2:00pm na nang madaling araw. Ngunit wala si Venice sa tabi ko. Naglakad ako upang hanapin siya. Wala siya sa banyo kaya lumabas ako ng kwarto. Napansin kong maliwanag sa kusina kaya naglakad ako patungo roon. Iniisip na baka maaga ang pasok niya kaya maaga ang gising niya. Nang makarating ako, akmang magsasalita ako nang marinig ko siya mahinang tumawa. Kaya napasilip ako sa kanya mula sa pinto. Nakita kong may kausap siya sa cellphone niya. "Yeah, I know that," tila kinikilig niyang sabi sa kausap. 'Sinong kausap niya,' sambit ko. "Hindi pa maari ang gusto mo sa ngayon, naiintindihan mo naman di ba?" seryoso niyang sabi sa kausap. 'Alin ang hindi maintindihan?' tanong ko sa sarili. "He loves me so much and I know he will not agree with it." Nasapo niya ang kanyang noo. 'Ako ba ang tinutukoy niya?' Venice, sino ba ang kausap mo at ganyan ka magsalita. Sino siya? "Yeah, I love you but please be patient. Yeah, I miss you too. Let us wait for the right time," malambing niyang sabi. Tila kumirot ang dibdib ko sa sinabi niya sa kanyang kausap. Tila nagpaulit-ulit iyon sa isip ko. 'May iba siya!' Hindi ko alam kong ano ang dapat kong gawin. Basta na lamang akong tumalikod at bumalik sa kwarto. Napasuntok ako sa kama dahil sa sakit na naramdaman ko. 'May iba siya!" Bakit mo nagawa sa akin ito Venice, nagtiwala ako saiyo at minahal kita nang totoo. Ngunit bakit kailanga mo pang gawin ito sa akin! Bakit mo ako nagawang lokohin! Minahal kita! Mahal na mahal kita! Ginawa ko lahat para maging maayos ang pagsasama natin pero nagawa mo pa rin ito sa akin! Sino siya at nagawa mo ito! Sana hindi ka na lang pumayag na ma-engage sa akin kung hindi mo rin pala ako kayang panindigan! Pagkatapos nang trabaho ko bukas, aalamin ko kung sino siya Venice. "Alex!" Nagpatuloy ako sa paglalagay ng magazine sa hawak kong baril. Kinasa ko ito at tinutok sa harapan ko. "Hey! What's wrong?" tanong ni Chad. Kaibigan ko sa grupo. "Nasaktan ka na ba?" sabi ko habang seryosong tinutok ang baril sa harapan. "Huh? Anong sinasabi mo?" naguguluhan niyang sabi. Tumawa ako at tumingin sa kanya. Nilagay ko ang baril sa tagiliran ko at tinapik ang balikat niya. "Wala, sige aalis na ako may lakad pa kami," pagpapaalam ko sa kanya. Tumango lang siya. Tinawag ko na ang kasamahan namin saka kami umalis. Nagtungo kami sa sinabing pier ni Boss Alejandro. Nang makarating kami, nakita namin ang isang barkong papalapit na kaya naghintay kami saglit. Nang makarating ito, inutusan ko ang ilang tauhan upang kunin ang shipments sa barko. Mayamaya isa-isa nilang nilagay iyon sa gilid at tiningnan ko ang mga iyon. Klase-klaseng baril ang nakita ko. Inutusan kong muli ang mga kasamahan ko na dalhin na ito sa kotse. Ngunit natigilan ako nang may napansin ako. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong mga taong nagtatago. Nakilala ko ang mga suot nito. "s**t! May pulis!" sigaw ko. Mabilis kong pinutukan ng baril ang mga nakita kong nagtatago. Samantalang ang mga kasamahan ko ay kanya-kanyang sakay ng kotse paalis. Akmang sasakay ako sa kotsemg ginamit ko kanina pero pinaandar iyon nang kasama ko paalis. Naiwan akong nakatanga habang nakatingin sa kasamahan kong mabilis na umalis. Napamura ako at tatakbo na sana nang mapansin kong napapalibutan na ako ng mga pulis. Napapikit na lamang ako at walang nagawa nang ipataas nila ang kamay ko. Sinunod ko sila at pinusasan nila ako. Isinakay nila ako sa pulis car at doon naging tahimik ang takbo nang biyahe patungo sa presinto. Isa lang ang biglang pumasok sa isip ko. Si Venice. Ano na lang ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ang sinapit ko. Ano na lang ang masasabi niya dahil sa nagawa ko. 'The heck, Alexander! Iniisip mo pa talaga siya, ganoong pinagtaksilan ka rin naman niya!' sigaw nang isip ko. Hindi ko napigilang tumulo ang luha ko, lalo na at naalala ko naman ang ginawa niyang pagtatasik sa akin. Siguro magiging masaya pa siya sa sinapit ko ngayon at magiging malaya na siyang gawin ang gusto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD