"Anak, ano ba itong nangyari saiyo? Bakit ba nasangkot ka sa ganitong klase nang gulo? Ano bang ginagawa mo sa buhay mo!" galit na sigaw sa akin ni Mama. Maging si Papa ay masama ang tingin sa akin.
"Alam mo ba kung ano ang kaso mo? Napakabigat na kaso iyon, makukulong ka nang limang taon o higit pa! At si Venice," sabi niya. Napapikit ako nang marinig ang pangalan ni Venice.
"Ano na lamang ang sasabihin nang pamilya niya saiyo? Alam mo kung gaano ka nila kadi-gusto para kay Venice, pero dahil mahal ka nang anak nila, ipinaglaban ka ng batang iyon! Tapos ito ang gagawin mo?" sumbat sa akin ni mama.
Hindi pa rin ako nagsalita. Tumingin ako kay Papa at desmayado siyang napailing sa akin.
Muli akong napayuko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ang tanging nasa isip ko ay para bang may mali.
Tama may maling nangyayari at hindi ko alam kung ano.
"Nandito na si Venice," narinig kong sabi ni Mama.
"mag-usap kayo."
Tumango lang si papa sa akin at sabay na silang naglakad paalis. Nakita ko si Venice na nagmamadaling pumasok. Nakasalubong pa siya nina Mama at yumakap dito. Napatingin siya sa akin kaya napaiwas ako nang tingin.
"Alex," sambit niya.
"Anong ginawa mo? Nagulat na lang ako nang tawagan nila ako dahil nandito ka. Ano ba ito, Alex?" tanong niya sa akin.
"Hindi mo ito maiintindihan," sagot ko sa kanya.
"Alin ang hindi? Ang pagkakulong mo dito o ang pagiging membro mo sa isang sindikato," seryoso niyang sabi.
Natigilan ako.
"W-What did you say?"
"Na membro ka nang isang sindikato," mariin niyang sabi.
"Saan mo nalaman ang bagay na iyan," walang emosyon kong sabi habang nakatingin sa kanya.
Umiwas siya nang tingin sa akin.
"May nagsabi sa akin at hindi na iyon mahalaga. Ikaw! Bakit mo ba ito nagawa?" desmayado niyang sabi.
"I'm sorry," sambit ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.
"I'm sorry kung nakagawa ako nang ganito. I'm really sorry, Venice."
Hinila niya ang kamay niya at nagulat ako sa sunod niyang sinabi.
"Let's broke up then," sabi niya.
"V-Venice," sambit ko at muli sanang hahawakan ang kamay niya nang tumayo na siya.
"Narinig kong limang taon o higit pa ang pagkakakulong mo dito. Ano na lang ang mangyayari sa atin? Ayokong maghintay nang ganoon ka tagal, Alex. I can't, so let's broke up. Galit din sila Mommy sa nangyari saiyo at siguro dapat lang na maghiwalay na tayo." Hinubad niya ang sing-sing na suot niya at nilapag iyon sa harapan ko.
"I'm sorry, Alex," pagpapaalam niya saka tumalikod.
"Bakit parang ang dali para saiyong maghiwalay tayo?" sabi ko sa kanya, na siyang ikinatigil niya. Bumaling siya sa akin.
"Sa tingin mo ba madali lang sa akin? Of course not! Look Alex, ako ang maiiwan habang nakakulong ka diyan. Ayokong maghintay kung kailan ka makakalaya dito. I hope you will understand that!" sigaw niya.
Napansin kong napatingin sa amin ang ilan sa nandito sa visiting area. I sighed. Napangisi ako sa kanya.
"Sa tingin mo ba hindi ko alam na may mas higit pa doon? You want to broke up with me, 'cause I made this to my self? That I will stuck here, while you are waiting? C'mon Venice, why don't you tell me the truth that you are already have someone else."
Napansin kong natigilan siya. Hindi agad siya nagsalita.
"I know you are already meeting someone behind my back. Now that I'm here, this is your right time to split up with me. Fine, I will give that to you. Be happy then," sabi ko.
Tumayo ako at sininyasan ang nagbabantay sa akin na pulis. Tumango ito at ipinasok na ako sa selda ko
Right Venice, you are free now and enjoy.
A month later...
"Rewis! May bisita ka!"
Nag-angat ako nang tingin at tumango dito saka niya binuksan ang selda ko. Tinapik ako nang ilang kasamahan ko sa selda.
"Mukhang maraming nakakamiss saiyo, Alex," narinig kong sabi nang isa sa kasamahan ko. Napailing lang ako.
Pumunta kami sa visiting area at tiningnan kong sino ang bumisita sa akin. Nakita ko ang isa sa kaibigan ko dati, si Chad. Napangisi ito nang makita ako. Tumango lang ako sa kanya.
"Alex, kumusta ka na?" bati niya sa akin.
"Heto, maayos naman, bakit naparito ka?" tanong ko sa kanya. Simula nang makulong ako, wala kahit sino sa kasamahan ko dati ang dumalaw sa akin kahit si Boss Alejandro.
Nakitang sumeryoso ang mukha niya.
"May mahalaga akong sasabihin saiyo, tungkol ito sa pagkakakulong mo dito," seryosong sabi niya.
Mariin niya akong tinitigan.
"Kamakailan ko lang ito nalaman Alex, si Boss Alejandro, siya ang dahilan kung bakit ka nandito. Sinadya niyang gawin iyon saiyo dahil sa Fiancee mong si Venice."
Hindi ako nakapagsalita lalo na at nabanggit niya si Venice at Boss Alejandro.
"Ginawa iyon ni Boss saiyo dahil may gusto siya sa Fiance mo, Alex at ikinasal sila kahapon."
Naibagsak ko ang mga balikat ko dahil sa narinig ko kay Chad. Nakatanga akong nakatingin sa kanya at iniisip na mali ang mga narinig ko.
"You're kidding right?" wala sa sariling sabi ko.
"I'm not, I'm serious Alex," sabi niya.
"Lahat kami nagulat sa nalaman pero ni isa sa amin ay walang nagsalita. Kilala mo si Boss Alejandro, ayaw niyang nangingialam tayo sa personal niyang buhay at sa tingin ko gusto rin siya ni Venice dahil masaya siya sa kasal na iyon. Kaya nagtataka ako Alex, anong nangyari? Bakit sila ang ikinasal, di ba ikaw ang Fiancee niya," sabi niya.
Naikuyom ko ang kamao ko at napayuko. All this time, it's Alejandro? Si Boss Alejandro ang kinababaliwan niya? Si Boss Alejandro ang lalaking kausap niya nang gabing iyon?
Naalala ko bigla ang unang araw na nagkakilala sila. Iyong unang tinginan nilang dalawa. Ang unang ngiti nila sa isa't isa. Isang taon na ang nakakalipas nang magkakilala sila. Hindi ko makakalimutan na minsan pang itinanong sa akin ni Venice, kung sino si Boss Alejandro.
Hindi ko aakalaing sa unang araw pa lamang nilang pagkikita, pinagtaksilan na nila ako.
"Anong gagawin mo ngayon, Alex?" tanong ni Chad.
"May magagawa pa ba ako? Wala akong laban kung lalabanan ko si Boss Alejandro. Kung gusto nila ang isa't isa, bahala sila." Tumayo ako at nagpaalam sa kanya.
Hindi ko aakalaing sa lahat nang lalaking magugustuhan at pakakasalan mo ay ang Boss ko pa Venice.
Pinagtaksilan mo ko.
Pinagkaisahan niyo akong dalawa. Sige, pagdudusahan ko ang katangahan ko dito sa bilangguan. Kapag nakalaya ako, babalikan ko kayo.