5 years later.....
ALEXANDER'S POV
"Alexander Rewis, malaya ka na. Ayusin mo na ang mga gamit mo at may naghihintay sa iyo sa labas," narinig kong sabi ng police. Tumango lang ako sa kanya at inayos ang gamit ko. Palihim akong napangiti at napapikit.
Finally!
"Kusa! Malaya ka na rin sa wakas! " narinig kong isa sa mga kasamahan ko dito sa selda na naging kaibigan ko na rin. Napadilat ako ng mga mata at ngumiti sa kanila.
Sa loob nang limang taon, minabuti kong magpakabait dito sa kulungan. Ginawa ang mga bagay na pinapagawa nila. Naging kasundo ko rin ang mga kasamahan ko. Noong una, ayaw nila akong lapitan o kausapin. Ngunit kalaunan, naging palagay na rin ang loob ko sa kanila.
"Haha oo, kaya kayo magpakabait kayo," nakangiting sabi ko dito.
Tumawa lang sila at tinapik nila ako sa balikat.
"Ma-swerte ka pa rin dahil may tumulong sa iyo," sabi naman noong isa, si kaleb.
"Oonga Alex, ang yaman pa ng taong iyon," sabi naman ni Jord.
Ngumiti lang ako sa sinabi nila. Mayamaya nagpaalam na ako sa kanilang lahat saka ako lumabas ng selda.
Ma-swerte?
Ma-swerte na nga ba ako dahil dumating siya? Sa totoo lang hindi ko aakalaing sa lahat ng taong tutulong sa akin ay siya pa. Noong nakaraan buwan pa lamang nang muli kaming nagkita. Nakita ko siya dito na tila may inaayos at nakita kong may kasama siyang lalaki. Nakita niya ako noon dahil dumalaw noon sila mama sa akin. Nagulat siya nang makita ako ng mga sandaling iyon. Nang makaalis noon sila mama, saka siya lumapit sa akin at kinausap ako. Tinanong niya ako kung bakit ako nakakulong at sinabi ko naman sa kanya ang lahat kaya nagulat siya. Hindi niya aakalaing magagawa iyon sa akin ni Alejandro. Alam niya kung gaano nagtiwala sa akin si Alejandro, kaya nagulat siya sa ginawa nito sa akin. They are rivals. Magkalaban sila sa negosyo at masasabi kong mas mayaman pa siya kaysa kay Alejandro.
"Hey dude, congratulations," agad niyang bati sa akin. Nakipagkamay ako sa kanya. Hindi ko aakalaing siya pa ang susundo sa akin.
He is Raymond Acosta, a multi-billionaire at the young age of 25. Mas matanda ako sa kanya, kaya kahanga-hangang sa edad niya ay marami na siyang narating. He is also a certified womanizer. Narinig ko lang iyon noon, ewan ko lang kung totoo. Hindi kasi makikita sa mukha at pagkatao niya, kaya hindi ko masasabi kong totoo ang narinig kong iyon tungkol sa kanya.
"Thanks, kung hindi dahil sa tulong mo ay hindi uusad ang kaso ko. Maraming salamat pa rin saiyo," sabi ko sa kanya. Bahagya siyang ngumiti sa akin at umakbay pa.
"Ano ka ba, okay lang iyon. Isa pa, mabait ka kaya nais ko lang na tulungan ka," sabi niya sa akin.
Lumapas na kami sa police station at tumatango lang ako sa mga nakasundo ko ng mga pulis roon. Nang makalabas na kami ay bahagya pa akong natigilan, dahil sa nakita kong mga nakaitim na suit na mga lalaking nakatayo.
"Oh, pasensya na, isinama ko na rin sila dahil galing ako sa meeting. Sumunod lang ang mga iyan sa akin, kaya huwag mo nang pansinin," nakangiting sabi niya sa akin. Habang napapakamot sa batok niya. Senenyasan niyang umalis na ang mga at kinuha sa isang tauhan niya ang susi ng kanyang sasakyan. Niyaya niya ako sa isang nakaparadang sasakyan. Bagong modelo ito at masasabi kong napakamahal ng sasakyan ito.
"Let's go, ihahatid na kita," sabi niya sa akin. Nakaramdam naman ako nang hiya dahil sa sinabi niya.
"Ano ka ba, ayos lang naman ako. Hayaan mo na at sasakay na lang ng taxi," sabi ko.
Napailing siya sa akin.
"Sige na, para naman makakwentuhan pa kita. Tara na," muling anyaya niya sa akin. Hindi na ako nagpilit pa at sumakay na lang ako sa mamahalin niyang kotse. Nang makasakay na kami ay pinaandar na niya ang sasakyan paalis.
"So, kumusta ka naman sa loob?" tanong niya sa akin.
"Ayos lang naman, marami akong nakasundo doon at talagang minabuti kong hindi makasali sa anumang gulo sa loob," sabi ko sa kanya.
Tumango-tango siya bilang tugon.
"Mabuti naman kong ganoon, alam ko namang mabait ka. Nahawa ka lang sa taong nagpakulong saiyo, kaya nakagawa ka nang masama noon," sabi niya.
Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya at bigla akong nakaramdaman nang galit. Sa lumipas na limang taon, wala akong kahit anong balita sa kanila. Hindi rin ako nagtanong sa magulang ko tungkol kay Venice, dahil alam ko naman kung nasaan na siya.
"May balita ka na ba sa taong gumawa nito saiyo?" sabi niya at bumaling sa akin.
Nakita ko ang pagiging seryoso sa tanong niya. Kaya napabuntong-hininga ako.
"Wala akong kahit anong nalalaman tungkol sa kaniya. Simula noong nakulong ako, iniwasan kong makarinig nang kahit ano tungkol sa kanila nang dati kong nobya," mapait kong sabi.
Tila nakaramdam ako ng kirot, lalo na nang maalala ko si Venice. Alam ng diyos kung gaano ko siya iningatan at minahal. Ngunit hindi ko aakalain sa isang iglap, ay mapupunta siya sa isang taong siyang naging dahilan kung bakit kami nasira.
"Gusto mo bang malaman kung ano nang nangyari sa kanila? Maari kitang tulungan sa bagay na iyan," suhesyon niya sa akin. Bahagya akong umiling sa nais niya.
"Di bale na, ayoko nang makialam sa kung anong mayroon sa kanila ngayon. Ang mahalaga sa akin ay makapagsimula ulit ako," sabi ko na lang sa kanya.
Nakita kong tumango siya.
"Kung iyan ang gusto mo, hahayaan kita. Ngunit, kapag nagbago ang isip mo ay alam mo kung saan sila makikita. Alam mo naman ang bahay niya. Naroon sila at may isa na silang anak. Sa totoo lang, hindi ko nagustuhan ang ginawa niya saiyo at nais kong tumulong saiyo kung nais mong maghigante," seryosong sabi niya sa akin.
Napangiti ako at umiling sa kanya.
"Hindi mo na kailangang gawin iyon. Mas mabuti nang ganito, ayoko nang makialam pa sa buhay nila. Ayoko na nang gulo," sabi ko sa kanya.
Narinig kong napabuntong-hininga siya at sumang ayon na lamang sa gusto ko. Nagkwentuhan pa kami tungkol sa buhay niya. Nalaman kong nagpakasal na pala siya, ngunit lihim lamang iyon. Hindi alam ng mga magulang niya at mahal na mahal niya iyong babae. Nasa edad na 20 pa ang babae at nag aaral pa sa college. Nakatira ito sa mansion nila bilang isang tagapagsilbi nila. Nakakagulat man ay sinabi naman niya ang rason. Mahirap lamang ang babae at kailangan nitong kumita ng pera upang makapag aral at may maibigay sa magulang nito. Kahit anong sabi nito sa dalaga ay nanatili itong magsilbi sa kanila para magkapera. Ayaw niyang nakikita itong nahihirapan sa mga gawain sa bahay. Kaya niyaya raw niya itong magpakasal ng lihim, upang ma-share nito ang yaman na mayroon siya. Ngunit ayaw pa rin nito at nanatili pa rin mansion nila upang pagsilbihan sila kaya hinayaan na lamang raw niya at siya pa mismo ang nagbawas ng mga gawain nito upang hindi mapagod.
"Kaso lang may problema na namang dumating at hindi ko alam kung matatakasan ko ito," dagdag niya sa kwento niya. Kitang-kita ko ang lungkot at pag aalangan nito sa mga mata niya.
"Bakit?" tanong ko.
"Nais ng mga magulang ko na ikasal ako sa isa sa mga kakilala nila. Ipinagkasundo nila ako nang di ko alam at hindi sila papayag na kung sino lang raw ang pakakasalan ko. Dapat sila ang pipili, kaya nalilito ako at siguradong masasaktan ko ang babaeng mahal ko," malungkot na sabi nito.
Hindi ko nagawang makasagot sa mga kwento niya. Mahirap nga ang sitwasyon niya at mukhang masasaktan sila pareho ng babaeng mahal niya kapag ikakasal siya sa iba.
"Salamat sa paghatid sa akin, Raymond," pasalamat ko sa kanya. Tumango siya at kumaway sa akin. Mayamaya ay may napansin akong kinuha niya sa wallet niya at binigay sa akin.
"Heto, kapag gusto mo nang tulong o kung ano man. Tawagan mo ako diyan o puntahan mo lang ako sa address na nakalagay diyan. Sige, una na ako," paalam niya. Kumaway siya sa akin bago siya umalis.
Napatingin ako sa daan na tinahak niya. Masasabi kong mabait nga talaga siya at kung ano man ang nais kong tulong na hingin sa kanya ay ibibigay niya. Ngunit ayoko namang magmalabis sa kabaitan niya. Kapag kaya ko ay hindi ko na kailangan lumapit pa sa kanya.
"Alex?"
Natigilan ako at biglang napalingon sa taong tumawag ng pangalan ko. Nakita ko ang ina ko na gulat na gulat namg makita ako. Agad akong ngumiti sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya sa akin.
"Diyos ko! Ikaw nga anak! Bakit? Bakit di mo sinabi na nakalabas ka na pala?" nagugulat niyang niya tanong nang humiwalay na kami sa yakap.
"Gusto ko kasi kayong surprisahin ma, kaya hindi na ako nagsabi pa," sagot ko sa kanya.
Muli niya akong niyakap at narinig ko ang paghikbi niya.
"Diyos ko! Salamat naman at dininig na ang panalangin ko! Halika na, siguradong matutuwa ang papa at kapatid mo kapag nakita ka na," sabi ni mama at hinila na ako papasok ng bahay namin. Napansin kong may dala pala siya at siguradong galing pa siyang palengke.
"Alexa! Arnold! Nandito na si Alex, nakalaya na siya!" sigaw ni mama sa loob nang bahay.
Mayamaya ay may narinig akong mga yabag na papalapit at siguradong sila na iyon.
"Kuya?"
Napalingon ako sa boses babaeng tumawag sa akin. Natigilan ako nang makita siya. Halos limang taon akong nakakulong, kaya naman hindi ko na namalayang lumaki na pala ang bunso kong kapatid. Bata pa siya noong makulong ako at nasa 11 years old pa siya. Siguradong 16 na ang bunso kong ito. Hindi ko rin kasi siya nakikita sa tuwing dadalaw sina mama sa akin. Ang tanging sabi nila ay buzy ito sa pag aaral nito.
"Alexa? Ikaw na ba iyan?" hindi makapaniwalang sabi ko dito. Lumaki ang ngiti niya at agad na lumapit sa akin saka ako niyakap.
"Kuya!" muling sambit niya. Napangiti ako at hinagod ang buhok niya.
"Mabuti naman at nakalaya ka na. Bakit hindi mo sinabi," narinig kong sabi ng ama ko.
Napatingin ako sa kanya. Nakikita ko ang tuwa at saya sa mga mata niya. Humiwalay ako sa yakap sa kapatid ko at lumapit sa ama namin.
Kinamayan ko siya pero bigla niya akong niyakap.
"Masaya kami dahil nandito ka na," muling sabi niya.
''Masaya rin ho ako," tanging tugon ko saka humiwalay nang yakap sa kanya.
"Teka, di ba sabi nong abogado natin baka sa susunod na taon ka pa makakalaya. Ngunit bakit wala siyang sinabi na ngayon ka makakalaya?" nagtatakang tanong ng ama ko.
Inaya ko muna silang umupo, upang ipaliwanag sa kanila ang nangyari.
"Hindi umuusad ang kaso ko, iyon ang nalaman ko. Hindi kumikilos ang abogado na nakuha niyo," seryosong sabi ko sa kanila.
Natigilan naman sila.
"Anong ibig mong sabihin?" gulat na sabi ni mama.
"Binayaran ang abogadong nakuha niyo upang hindi asikasuhin ang kaso ko. Nagkukunwari lang iyon at binayaran ng taong nagpakulong sa akin," seryosong sabi ko.
Nagugulat naman silang nakatingin sa akin at hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"I-Imposible," tanging sabi ni papa.
Napabuntong-hininga ako dahil sa naging reaksyon nila.
"Kung ganoon kuya, sino ang umasikaso ng kaso mo?" nagtatakang tanong ng kapatid ko.
Napatingin sila mama at papa sa akin. Ngumiti ako sa kanila.
"Isang dating kaibigan ko na siyang naghatid sa akin kanina dito. Kamakailan lang niya nalamang nakakulong ako, kaya naman ngayon lang niya ako natulungan. Kaya naasikaso kaagad ang kaso ko at magaling ang abogado niya. Kaya nakalaya na agad ako," paliwanag ko sa kanila.
Napatango sina mama sa akin at muling ngumiti.
"Mabuti naman at may kaibigan kang ganoon ka bait anak," nakangiting sabi ni mama.
"Oonga po," sagot ko dito.
Mayamaya ay tumayo siya.
"O siya, maghahanda na muna ako ng tangahalian natin. Mabuti nang nandito ka na at sabay-sabay na tayonh kumain palagi," nakangiting sabi ni mama at pumunta na sa kusina.
Nakikita ko ang bawat ngiti nila dahil nandito na ako at masaya na rin ako dahil nakabalik na rin ako sa tabi nila.